¤MR. CHINITO¤

31 12 13
                                    

A/N: muli, sa mga naging inspirasyon ko sa character nina Anna, Red, Maxine, Charles, Venice, at Clark... Pasintabi ulit mga dudes!!!

HAHAHAHAH Love youuu All SAGAD!!.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Loko ka talaga ate Anna! Loko ka talaga!"

Sigaw ko kay ate Anna, bestFriend ko.

Kumpyansa akong walang makakasita sa akin dahil sa pag sigaw ko kasi nasa meeting lahat ng mga teachers.

Halos buong campus ay nalibot na namin ni ate Anna dahil sa paghahabulan.

Lokong yon kahit mataba ang bilis tumakbo!

Paano ba naman kasi.. kinuha niya yung sulat ko para kay Mr. Chinito.

Yung ultimate crush ko!

At nagbabanta na ibibigay daw niya yon kay Mr.Chinito e ayoko na ngang ibigay!!!
Nahihiya na akooo

(T_T)

pero kagabi habang sinusulat ko yun.. buong-buo ang loob ko..

Sabi ko pa, hindi matatapos ang school year na ito nang hindi ko nasasabi kay Mr. Chinito na matagal ko na syang gusto!

E kaso pagkagising ko kaninang umaga.. natauhan akooo sobrang nakakahiya palang mag first move.. lalo na't hindi naman ako siguradong matatanggap niya ako. :(

"Oh bakit ka huminto? Akin na kasi yaaaan!!!"

Bulalas ko.

" Venice! HAHAHAHA talikod ka bilis!"

Pangungulit ni ate Anna.

" ihhh ayoko bakit baaaaaa!"

Pag tutol ko.

Samantala, si ate Anna naman ay lumapit saakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat at pilit na pinatalikod ako.

Putek (o_O)

nOoooooooooo !!!!!!!!

M---

Mr.----------

"Oh Venice, at ate Anna anong ginagawa niyo dito? Bakit pawis na pawis kayo?"

Pag usisa ni Charles.

"Ah ano wala naghahanap lang ng pakaw!"

Sagot ko

"Ah naghahabulan kasi ayaw ibigay ni Venice yung love letter niya kay.."

"Aaaaraaay ano baaa!!!"

Sagot ni ate Anna

Putek . Putek . Putek.

We're dead.

Hindi naman naituloy ni ate anna yung sasabihin niya dahil siniko ko sya sa tyan.

Dahilan kung bakit sya napa Aray.

Takang-taka naman si Charles saamin dahil para kaming aligaga.

"Anu daw?"

Pagtatanong ulit ni Charles

"Wala wala HAHAHA sige Charles mauna na kami."

Sagot ko kay Charles at saka hinigit si ate Anna papalayo kay Charles.

Mahirap na no.. baka kung ano pang masabi ni neto kay Charles.

"Hoy babae! San mo ba ako dadalhin? Nasa kabilang dako na tayo ng building natin!"

Pagrereklamo ni ate Anna.

Dahilan ng pagbalik ko sa reyalidad.

"Nagugutom ako"

 xAyfaahx's One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon