¤INSENSITIVE¤

14 11 0
                                    

A/N: Sa inspirasyon ko sa character nina Gio & An, thank you for inspiring me  awiiiiittthhh!!!!
And also I dedicate this for the existence of Mang Efreeen  yieeeeee ♡

Ahu ahu \m/

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Alas dose na ng hating gabi at hindi pa rin ako makatulog. Napaka lupit ng kapeng barako! pinupuyat ako.

Naisipan ko tuloy magbabad muna sa facebook, nagbabakasakaling dalawin ako ng antok.

Pero bigo ako, Halos isang oras na ang lumipas ay mulat na mulat pa rin ako.

Walang makausap. Scroll up, scroll down lang ang ginagawa dahil tulog na din yung mga kaibigan ko.

"Ayyy!!! Nakakainis naman! Nababagot ako!"

Bulong ko pa sa hangin.

Tamang tama naman na may nakita akong nakakatakot na imahe na pinost ng isang nilalang na walang dulot sa lipunan.

Aminado akong nagulat ako at
nakaramdam ng takot pero ipinasawalang bahala ko nalang iyon at kaagad na dinownload ang larawan.

"Mananakot nalang ako BUWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAH."
Sa isip-isip ko pa.

Sinend ko Randomly yung larawan sa mga Facebook Friends ko.

Tulad mo at tulad nila.. Hindi ko rin kilala lahat ng nasa FriendList ko.

Ahhh Basta bahala na !

Higit sa Sampu din ang nasend-an ko ng larawan at ni isa wala pang sumasagot.... baka binlock na ako!

Wala naman akong pake.

Mga duwag sila.

Unti-unti naman akong nakaramdam ng antok. Sa wakas! Makakatulog na din ako.

Papikit na sana ako nang biglang may nag pop up na chat heads sa screen ng cellphone ko.

May naglakas loob na nag reply sa akin.
Si Gio pala."

**************

S: " Eh ano namang Nireply ni Gio? "

A: "MEEP, isang iyak tawang kalbong sticker ang nireply nya saakin"

S: "Tapos anong na ang nangyari?"

A: "Dun na kami nagsimula. Dahil sa nakakatakot na picture na 'yon, napahaba ang usapan namin ni Gio hanggang sa 8am na kami nakatulog. Masaya naman kami nung umpisa. Consistent pa nga ang conversation namin sa loob ng dalawang buwan."

S: "Ano namang nagyari sa mga sumunod na buwan? "

A: "Ano ... ayun bigla nalang.
. AY TEKA! BAKIT BA ANG DAMI MONG TANONG TUNGKOL KAY GIO?"

S: "BAKIT KA MAKASIGAW ? NAGTATANONG LANG NAMAN AKO E!"

A: "EH KAHIT NA! ayoko nang pag-usapan pa si Gio. Masaya na yon sa buhay niya"

Sana masaya na nga talaga sya.

Hindi naman na sumagot si Seasea (Saysay) dahil bigla kasing may tumawag dito sa cellphone.

Lintik! Naalala ko nanaman si mokong. Dapat sa mga ganung tao bukod sa binabaon na sa limot eh, binabaon na din nang buhay.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pero ganito kasi ang nangyari:

(October 25, 2017)

A: "Gio gusto kita"

G: "Ha? Anong sinasabi mo dyan?"

 xAyfaahx's One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon