Unang Kahalayan: Ang Pagkikita

601 11 10
                                    

"Gagawin kitang panakip-butas? Tapos ano? Para ano? Isinugal ko dahil mahal kita. Kaya lang..."

"Ayan. Diyan tayo sumasablay, Bogs e. Sa 'kaya lang'. Laging may 'kaya lang'. Never naging simpleng 'Mahal kita, Mae'. 'Yun lang ang gustong marinig ng kahit na sino, 'di ba? Bakit hindi mo magawa sa 'kin 'yun? Bogs, walang namilit sa'yo, walang nagmakaawa sa'yo. Sinabi ko lang naman sa'yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago 'yun. Bogs sana lumayo ka nalang, sana umiwas ka nalang maiintindihan ko pa 'yun. Pero Bogs shinota mo ko eh, shinota mo ang bestfriend mo. At nung bumalik si Ana, pinatalo mo ang lahat. Ipinatalo mo ang lahat, pati ako. Pati ako ipinatalo mo, Bogs. Congratulations. Congratulations natalo tayo..."

"Huwaaaaaaaaaaahhhhh!!! Sampalin mo si Gerald, Kim! Sampalin mo! Walang hiya 'yan! Andiyan ka na nga naghanap pa ng iba! Sampalin mo dali! Huwaaaaaaaaaaaaaaahhhh!" Napahagulgol na naman ako for the 100th time.

Eto naman kasing si Gerald e! Ang sama niya kay Kim. I hate him na! May Kim na nga, gusto pang bumalik sa Ex! Kaya nga Ex e! Ibig sabihin, cross! X-mark! Waley na! 'Di na talaga kayo pwede! 'Wag ng ipilit! T__T

"SSSSSSSHHHHHHH!!!" Ang sabi nilang lahat sa akin.

Sssssh-sshhhh-shin ninyo mukha ninyo! Hmp!

"'Wag ninyo nga kong ma-ssssshhh-shhhhh! Huhuhuhuhuhuhu! Pagbuhulin ko kayo ni Gerald e!" Sabi ko pa habang naalala ko na naman 'yung mga sinabi ni Kim kanina.

"P*ta ang ingay naman! 'Di ka ba talaga tatahimik diyan?! Nakakaistorbo ka na ah! Kanina ka pa namin pinagbibigyan ah! Nakakarami ka ng g*go ka ah! Ano 'di ka ba titigil?! Gusto mong kaladkarin kita palabas?!" Biglang napatayo 'yung isang lalaking nasa unahan ko.

Woi. Mukhang galit na si Koya. Hahaha! Minura pa ko. Tch. E kasalanan ko bang nakakaiyak 'tong movie na 'to? 'Di ko naman alam e! 'Di sana nanood na lang ako sa bahay ng Magkaribal. E 'di sana napanood ko pa si Erich. Sayang pera ko dito, inubos naman ang luha ko kakaiyak.

"Babe, tama na. She's not worth your time. Sayang lang ang laway mo sa kanya. Be patience, okay?" Singit nung babaeng tukmol na katabi niya.

Patience pala ha? May gana ka pang mag-English diyan e tukmol din pala 'yang grammar mo!

"Patient. Be patient, hindi patience, tukmol..." Naibulong ko na lang bigla.

"What?! Did you said something? I didn't heard you! Make it higher!" Biglang tayo rin 'yung tukmol.

Narinig ata 'yung binulong ko. Lakas naman ng pandinig niya. Sabagay, malaki ang tenga e. Sakop lahat ng ingay. Hahaha!

"Miss, excuse me lang ha? Dumudugo na kasi ang tenga ko sa English mo. Pwede tumigil ka na lang? Mali-mali naman ang grammar mo e. Hindi mo ba alam na ang dapat kasunod ng did or did not ay verb na nasa base form? Maka-past tense ka wagas ah! Past na past talaga! Hahaha! And 'yung higher mo, it should have been LOUDER, okay? LOUDER. L-O-U-D-E-R. Lakasan ang ibig sabihin n'on. Higher, itaas mo? Itaas ang alin? Ang boses ko? Laaaaaaaaa~" At bumirit ako ng may mataas na tono.

"Aba sumosobra na 'tong babaeng 'to! Guard! Guard!"

La. Nag-war freak na rin bigla si tukmol. Haha! 'Di matanggap ang sinabi ko. Ayun nag-Tagalog na lang para 'di na mapahiya. Hahaha! Laking tawa ko dito ah! Makaalis na nga.

"Thank you sa inyo ah? Kanina iyak ako ng iyak, ngayon naman tumatawa na ko ulit. At hindi lang basta tawa, take note! Humahalakhak. Hahahahahaha! Bye-bye sa inyo!" Nakita kong padating na 'yung mga guard.

Siguro gan'on na yata talaga kalakas 'yung boses ko kakatawa. E sorry naman! Sila e! Hahahaha! Yoko na nga baka bigla akong...

PFFFFFFT!

I Fell in Love with a Gay?! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon