Ikatlong Kahalayan: Ang Dream Horror House ni Destiny

252 9 0
                                    

“Kyaa! ‘Wag diyan, Chance! Ay! Nakikiliti ako! Ano ba, ‘wag mong tigilan--”

BOOOOGSH!

“Aray! Naman--” Napabangon ako bigla at napatingin sa harapan ko. “Nay naman! Para sa’n naman ‘yon?” Napapapout ako bigla.

Ang sakit no’ng sapak niya sa ‘kin ah! Amp!

“Agang-aga ang harot mong bata ka ah! Ano ‘yang mga pinagsasasabi mo?!” Kinurot niya pa ang singit ko.

“Aray, Nay! Malaki na ko, bakit mo pa ko kinukurot sa singit! Nakakahiya! Tsaka malaki na ko, bawal pa rin bang magpantasya ng mga r-18? E 19 na ko o!” Pinakita ko pa sa kanya ang kalendaryo.

“Aba sumasagot ka na ngayon ah! Magtigil ka nga diyan, Saphira! Anong nakakahiya? E ang bastos mong bata ka! Hindi ako ganyan no’ng dalaga pa ako!” Akmang kukurutin na naman niya ang singit ko nang makaiwas ako at dali-daling tumayo sa kabilang parte ng kama.

“E Nay tinatanong mo ako, ‘di ba? Siyempre sasagot ako! Tsaka kanino pa ba ako magmamana ng kaharutan ko kung hindi sa inyo? Dapat be proud, Nay!” Nakita kong umuusok na ang ilong ni Nanay.

Hahaha FTW! Mukha na siyang toro!

“Aba at pilosopo ka pang bata ka! Hindi ako kailanman naging maharot ano!” Bigla na lang niya akong hinabol at ayun, nagpaikot-ikot kami sa loob ng aking kwarto.

“Nanay defensive pa kasi! ‘Wag mo ng ideny!” At lalong umusok ang ilong niya sa galit.

“Lagot ka sa ‘king bata ka ‘pag nahuli kita!”

Parang nakakakita ako ng bullfighting sa loob ng kwarto ko! Cool!

Bigla na lang umupo si Nanay sa gilid ng aking kama habang sapo ang kanyang dibdib.

Napagod din ang toro! Hahaha!

“Lumapit ka ditong bata ka…” Habang sinesenyasan niya akong lumapit sa kanya.

“Ano ako, uto-uto? No way! Kukurutin mo lang ulit ako sa singit e!” Sabi ko pa habang nakapamaywang ako.

“Lalapit ka ba o wala kang almusal?!”

“Hala eto na Nanay o! ‘Wag mo lakasan ah!” Ngumiwi na ako no’ng lumapit ako sa kanya. Tumayo siya at pinalo niya nang malakas ang pwet ko.

“Ikaw bata ka! Sa’n mo ba natututunan ‘yang mga ‘yan?! Kakagraduate mo lang ganyan na ang inaatupag mo! Aba’t hindi ka tumulad sa mga nakakatanda mong kapatid na naghahanap-buhay! Mahiya ka naman, Saphira! Ang tanda-tanda mo na palamunin ka pa rin!” Habang tuloy-tuloy ang pagpalo sa akin ni Nanay sa pwet.

Aray. Nakakarami na ‘to si Nanay ah. Bibingo na siya sa akin!

Bigla akong tumakbo palapit sa pintuan. Nakita kong napatayo siya.

“At sa’n ka pupunta, bata ka?! Hindi pa ko tapos sa’yo!” Lalapit sana siya sa akin pero bigla ko siyang sinenyasan na huminto.

“Ops! Ops! Ops! Stop! Stay put! Diyan ka lang, Nay! ‘Di ba sabi mo maghanap ako ng trabaho? Kaya eto, maghahanap na ako,” at ngumiti ako nang nakakaloko.

“Aba’t ikaw bata ka--” Hindi na natapos ni Nanay ang sasabihin niya dahil sinarado ko na ang pintuan.

Baka sabihin ninyo ang salbahe kong anak ah! Ayaw ko lang talagang talak ng talak si Nanay kaya mas mabuti pang umeskapo ako kaysa marinig ko pa ang kanyang mahabang sermon.

Paglabas ko, nakita kong kumakain na si Kuya Lucky ng almusal.

Parang sarap na sarap pa ang loko, hindi man lang ako hinintay.

I Fell in Love with a Gay?! (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon