Lisa's P.O.V
Hindi ko alam kung anong meron dito kay Jennie. Ilang beses na siyang niloloko ni Taehyung pero okay lang sakanya. Kahit harap harapan niya pang nakikitang pinaglalaruan lang siya, wala siyang pake. Bakit ba di niya maiwan-iwan si Taehyung?
Lagi na lang ganun ang scene. Maglalambing,maghahanap ng iba,iiyak yung isa, maglalasing tas kinabukasan, sila na ulit. Anong ginagawanyue? Di ba kayo napapagod? Paulit ulit na lang yang gawain niyo. Ito namang si Jennie parang tanga lang din. Ayaw na nga sakanya tas ayaw pa rin niyang pakawalan tas pag nagloko yung isa, sakin naman laging napunta. Tsk. Ang gulo niyo.
"Akin na yan, Lisa yaahh" pilit inaabot ni Jennie yung bote
"Ayoko. Matulog ka na nga. Lasing ka nanaman eh...." Saway ko sakanya
"Hindi nga ko lasing eeehhh..." Sabi niya
"Wag kang makulit ah. Sige. Isa pang pangungulit no, Lulumpuhin ko yung jowa mo." Banta ko sakanya.
Nag pout siya at umupo sa sofa. Hehehe, cute.
"Simula ngayon, pag nakita pa ulit kitang lasing, lulumpuhin ko na yung boyfriend mo, hah? Nagkakaintindihan ba tayo?..." Tanong ko
"Ewan ko sayo..." Sabi niya at tumingin sa malayo. Hinawakan ko yung chin niya tas pilit ko siyang pinatingin sakin.
"Wag kang makulit. Subukan mo talagang mag lasing ulit, bubugbugin ko na yang boyfriend mo. Lagi na lang kayong naghihiwalay tas magbabalikan ulit tas maghihiwalay nanaman. Simula ngayon, bawal ka ng mag inom. Bubugbugin ko talaga yung boyfriend mo." Sabi ko sakanya at saka umalis.
"Paepal..." Bulong niya.
Natawa na lang ako sa sinabi niya.
*ding* *dong*
Pumunta ko sa may pinto. Pagbukas ko, syempre as usual ayan nanaman.
"Jennie,nandito boyfriend mo!" Sigaw ko. Agad namang tumakbo si Jennie papunta samin.
"Babe...." Naiyak na sabi ni Jennie tas niyakap si Taehyung
"Jennie...... Mag break na tayo." Sabi ni Taehyung
Kumalas naman si Jennie sa pagakakayakap niya kay Taehyung.
"B-babe, ano bang pinagsasasabi mo?..." Naluluhang tinanong ni Jennie si Taehyung
"Hindi na kita mahal. May nakita na kong iba. Patawarin mo ko,Jennie..." Sabi ni Taehyung at tuluyan ng umalis.
Napaupo sa sahig si Jennie at nag iiiyak. Sinarado ko ulit yung pinto at saka tinignan si Jennie.
"Ang ingay mong rabbit ka. Pwede bang wag ka ng umiyak? Ang ingay mo eh. Nakakarindi yung iyak mo. Punta ka duuunnn *turo sa kwarto ni Jennie* dun ka mag iiiyak para di nakakarindi. Wag ka ding magtatangkang magpakamatay kung ayaw mong unahin ko yung boyfriend mo. Ay ex boyfriend pala. Dun na! Chupi! Iyak ka ng iyak para namang hindi na normal yan. Mag be break kayo ngayon tas bukas mag so sorry siya sayo tas magiging kayo ulit tas maghahanap ulit siya hanggang sa ganun ulit. May pa break break pang nalalaman, mamatay din naman. Dun ka na. Chupi. Iiyak ka lang sa kwarto di magpapakamatay ha? Papa salvage ko talaga yang ex mo pag nagpakamatay ka. Geh na. Chupi...." Pag taboy ko sakanya.
Naglakad na siya papunta sa kwarto niya habang naiyak. Di ko na alam kung maawa ba ako sakanya o hindi eh. Nasanay na kasi akong laging ganto yung scene sa bahay. Bwiset naman kasi tong sila Jisoo at may pa vacation vacation pang nalalaman.
Hinantay ko munang kumalma si Jennie bago siya kausapin. Ang hirap kasi makipag usap dun pag naiyak. Alien language yung laging sinasabi. Di maintindihan eh.
BINABASA MO ANG
•INRFILWY• [COMPLETED]
FanfictionFight for someone you love...so you won't regret what happens next. Started-2019. Ended-2020 Rankings: 7 in joyri 9 in blinks 22 in once 42 in lgbtpride Most impressive ranking: 696 out of 19.8k stories