Chapter 4

0 0 0
                                        

Kian's POV

Habang nag cecellphone hindi ko na namalayan na naubos ko na pala 'tong dalawang iced coffee na binili ko.

Grabe sayang naman ito binili ko pa naman to kase ayaw ni Deby to HAHHAH

Napatingin naman ako sakanila ni Jaspher nang biglang sinampal ni Deby si Jaspher.

Yung ibang taong nandito sa coffee shop nagulat din. Umalis na si Deby pero si Jaspher hinahawakan niya lamang ang kanyang pisnge at pangiti ngiti pa.

Ano kayang ginawa netong kakupalan.

Nakita ko naman si Deby na nasa labas nakatayo lang habang nababasa na paunti unti dahil sa ulan. Siempre may payong ako dito lumabas ako para mahatid ko siya.

"Tindi mo pre." Sabi ko rito at pinayungan na siya. Kahit naman masama ugali ko mabait parin naman ako. Medyo.

Hindi niya ako pinansin at tila ba nagaabang lamang siya ng masasakyan.

Pinapayungan ko parin siya at siya tinitingnan niya cellphone niya. Siguro baka may susundo sakanya ganon.

"Anong nangyare?" Tanong ko rito.

Tiningnan niya lang ako at kitang kita sa mata niya na umiiyak siya kahit na umuulan pa. Makikita mo naman kase talaga yung luha e.

Nanahimik nalang ako nang biglang nagsimula na siya maglakad.

Hinabol ko naman ito.

"Uy teka! San ka pupunta!" Sigaw ko rito.

"Ha...u..u..uuwi na a-ako..." aniya at mapapansin mo na sa boses niya ay para bang basag na pinggan dahil sa pagiyak.

Hinila ko siya kase ang bilis maglakad pre.

"Hahatid na kita may motor naman ako e." Sabi ko.

"Ha? Motor?!" Gulat niyang sabi. May nakakagulat ba sa motor?

"A-ayoko." Aniya at nagsimula na ulit maglakad.

Nilisan ko siya at dali daling pumunta sa pinagparkan ko ng motor ko. Kahit na basa na ako siempre hinabol ko parin siya medyo naawa ako e.

"Deby! Sakay na!" Sigaw ko rito. Nakatayo lang siya at nakatingin. Hindi niya siguro alam gagawin niya.

"Ano na? Sakay na!" Sabi ko. Mga 3minuto rin bago siya magpasiya na sumakay.

Hawak hawak niya ang payong.


Hindi ko alam bat pa kami nagpapayong e basa na rin naman kami? Hays may pupuntahan pa ako pero di bale na.


"Jan nalang." Aniya nang makarating na kami sa tapat ng gate nila.

"Ah sige. Hindi na kita tatanungin sa nangyare pero inom ka gamot." Sabi ko.

"Salamat." Pumasok na siya agad sa gate nila kaya naman pinaandar ko na rin yung motor ko at umalis na.

Habang nagmamaneho hindi ko naman maalis sa isip ko kung anong ginawa o sinabi ni Jaspher kay Deby para umiyak si Deby nang ganon at sampalin siya.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho.





~~~~~

Deby's POV


Pagkahatid saakin ni Kian sa bahay namin wala akong taong nadatnan. Siempre ako nanaman mag-isa.

Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Jaspher saakin. Napakawalanghiya talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon