After 2 weeks
Can't get what we want without knowin'
I've never felt like this before
I apologize if I'm movin' too far
Can't we just talk?
Can't we just talk?
Figure out where we're go----
Bigla naman natigil yung tugtog nang may nakabangga saakin. Naka earphones kasi ako tas yung right lang nakakabit sa tenga ko.
Tiningnan ko ito. Pagkatingin ko si Jaspher nakatingin din saakin habang suot suot ang isang shoulder straps ng kanyang bag.
Nung nakaraang linggo pa siya nakalaya ah? Ngayon lang pumasok?
Nakatingin lang siya saakin ng ilang segundo at umalis na rin. Hindi ko naman alam kung ano mararamdaman ko. Kinikilig ako na ewan na para bang ang weird lang? Hindi rin siya nag sorry man lang hmp.
Dahil malapit na rin ako sa room namin ay tinago ko na yung cellphone ko at ang earphone ko. Actually, bawal samin magdala ng gadgets pero kase bakit hindi ko naman siya gagamitin during class hours.
Pumasok na ako at ang gulo gulo na agad namin 1st period palang. Umupo na ako siempre at kinuha ko na ang mga gamit na gagamitin for our first subject. Habang nagaayos naririnig ko naman mga usapan nila, nasa likod kasi sila Jaspher nakaaupo kasama iba niyang kaibigan.
"Ano tol? kamusta naman sa preso" sabi ni Hence (hensi yung basa) at nagtawanan ang iba kasama na rin si Jaspher.
"Okay naman buti nalang nakapag piyansa agad kami kung hindi pag tumagal ako dun mamimiss ko si Deby." sabi ni Jaspher.
Napatingin ako rito at nakangisi to saakin habang yung iba nakatingin din saakin. Umalis na rin agad ako dun at umupo na.
Ang weird niya ngayon? Ano meron? Dahil ba ito dun sa nangyare? Wtf!? Paano kung may binabalak siya?! Wait what if kung siya pala yung nagtext saakin kagabi?! oh no I'm in trouble.
Dumiretso na agad ako sa upuan ko at nanahimik na lamang.
Hindi ko naman maiwasan na isipin yung kanina kase naman dba? bakit siya bigla nag-ka-ganon?? So weird.
First subject namin ay Mapeh, tungkol sa art naman yung gagawin namin ngayon. Yung individual activity naging group work kase nag kumpol kumpol na kami hahahha.
Naka circle kami nina Cora, Lester, Laurel, Caleb, Kenneth, Kian and Cody. Hindi naman namin sila kagroup pero nandun sila, pero the more the merrier nga dba.
Since ako lang din ang may coloring materials saakin sila humeheram kaya naman gamit ko gamit na rin nila. Si Lester naman may ibang dala din kaya hingi din kami sakanya.
Naging close na agad kami kahit yung 1st week ay matatapos na ngayon. Kaclose ko na rin naman ang iba kaya wala na rin problema.
Maya maya nagusap usap, asaran dito, asaran doon. Habang gumagawa kami maya maya lang ay nakiupo samin si Jaspher. Alam nila na gusto ko si Jaspher nung gr8 pa dahil kay cody ang ingay kase bwiset. Nagsitinginan sila saakin at eto naman sila Cora ngumingiti ngiti pa.
Nagpatuloy lang ako sa pag drawing ko kunwari wala akong pake hehhe
"Sino may pencil sainyo?" sabi ni Jaspher at isa isa kaming tinatanong. Tsk kaya lang pala nandito dahil may kailangan tsk.
