1 Little Alex

6K 140 13
                                    

Matagal na nakatitig si Alex sa sobreng hawak nya habang nakahawak naman ang isang kamay nya sa kabaong ng kanyang ina. Isang sobreng galing sa isang estranghero na dumalo sa burol ng mama nya. Pitong taon lamang sya kaya hindi rin nya alam kung bakit sya binigyan ng pera noon gayong hindi naman sya kilala. Ang tanging sabi lang noon ay ipinapabigay ng kaibigan ng mommy nya.

"Sa..sa..sa..un..dres?" Pilit nyang basa dun sa maliit na print na mga letra sa sobre. Hirap pa syang magbasa dahil di pa naman sya nakakapag grade 1.

"Hoy Alex! Ano, wala pang kape mama mo! Ni wala pang tsitsirya papano tayo nito! May nalimos ka ba?! Punyetang buhay to Sonya! Ngayon ka pa namatay sana sinama mo na 'tong bastardo mo!" Nag huhumiyaw na sambit ng kanyang Tiya. Napangiwi naman ang dalawang lalaking nag aayos ng mga kurtina na tiyo ni Alex.

"Ditas, sobra mo naman pag salitaan yang kapatid mo, yumao na nga idadamay mo pa yang anak. Parang di mo kapatid yan ah!" Sambit nung lalaki na nakakunot ang noo. Si Ditas ay ang panganay na kapatid ng kanyang ina, malaking babae ito at maingay ang bunganga.

"Wag mo akong mapakialaman dyan Roy at baka sayo ko ipaalaga yang batang yan! Napagkadami ko na ngang anak sakin pa iiwan! Putanginang buhay to!" Nanlalaki ang mga matang turan ng kanyang tiya doon sa Roy.

"Aba e kung papayag si Alex sa akin maiiwan bakit hindi!" Pagkuway ngumiti sakanya ang lalaki. Mabait iyon kahit noong buhay pa ang kanyang ina. Kaya lang ay sagad sa lupa ang hirap ng buhay noon at nagiisa lang sa buhay. "Sasama ka ba sakin Utoy?" Tanong ni Roy sakanya. Tumango naman si Alex at kitang kita ang pag aapoy sa mata ng kanyang tiyahin!

"Bahala kayo sa mga buhay ninyo buwisit!" Ani ng kanyang tiya at saka piningot ang tainga ni Alex. Kanda ngiwi naman ang bata. "Ikaw, wag mong pinagmamalaki sakin na may gustong kumuha sayo dahil pag namatay iyang Roy na yan sakin ka din uuwing punyeta ka!" Sambit niyon at marahas na binitawan sya. Nabitawan ni Alex ang sobre at laking gulat ng lahat ng malaglag ang maraming pera doon. Dolyares pa! Tila nakakita ng maningning na bituin ang kanyang Tiya kaya dali dali ay pinulot nito iyon. "Ay pagka daming pera! Mapapa enroll ko na mga anak ko nito at makakapagpagawa na ako ng bahay!" Excited na turan niyon.

"Tiya galing yan sa kaibigan ni Mama! Sa mama ko iyan!" Umiiyak na sambit ni Alex habang hinihimas ang namumulang tainga. Mabait na ngumiti sakanya ang kanyang tiya at saka sya hinarap.

"Alex iho, sobrang dami nito oh, baka dalawpung beses na nailibing ang mama mo ay meron pang tira, pag aaralin din naman kita kahit na kay Roy ka, ako na hahawak nito." Umiiling lamang si Roy at ang isa pang lalaki ng sabihin iyon ni Ditas. Binasa ni Ditas ang maliliit na letrang nasa sobre. From the Saunders. Iyon yung apelyido ng tatay nitong ugok na to ah. May pakinabang ka palang bata ka kahit papaano. Ng akmang tatayo na ang babae ay may lalaking lumapit sakanya. Naka itim itong pang mayamang kasuotan at may kasamang mga binatilyo. Isang mukhang nasa disiotso anyos na at ang iba ay mga bata sakanya. May dalawang bata na magkamukha at ang isa ay kamukha ni Alex ngunit mas matanda lamang sakanya at mas mayaman ang itsura.

"Bitawan mo ang sobreng pag aari ng batang iyan!" Malakas at buo ang tinig ng lalaking nag salita. Sa labas ng bahay nila alex ay maraming lalaking naka itim at nagmamasid. Ngiting aso si Ditas na inaabot sa lalaki ang sobre.

"Hahanapin ko sana kayo dahil alam kong ninakaw lang nitong batang ito ang inyong sobre." Pagpapalusot ni Ditas.

"Hindi po ako magnanakaw! Binigay sa akin iyan!" Pagtatanggol ni Alex sa sarili.

"Manahimik ka dyan at talagang masasaktan ka sa akin!" Nanlilisik ang mga matang turan ni Ditas sa pamangkin. Umiyak nalang si Alex at yumakap kay Roy. Durog man ang puso ni Roy sa pagmamaltrato sa bata ay wala syang magawa.

SPG!! Tough Love [Light Alex Ji Saunders]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon