5 First kiss

3.6K 111 34
                                    

"Di ko kasi kayang umalis at iwan ka dito Kuya Alex. Sa totoo nyang feeling ko mahal na kita." Kumurap kurap pa si Alex ng marinig ang sinabi ni Kelly. For a moment nawala ito sa kanyang sarili dahil hindi nya inakalang pareho sila nito ng nararamdaman. Pagkuway tumikhim ang binata.

"Kel, hindi magandang biro iyan ha. Wag mo akong nilolo sa ganyang bagay para lang makaiwas ka sa magandang opportunity. Si-siguro may boypren ka na ano?" I definitely know na wala because she have her own security guard 24/7 at di nya yon alam. Nanlaki ang mga mata ni Kelly at saka namula.

KELLY'S POV

Parang isang tinik sa lalamunan ko na matagal kong tiniis ang pag tago sa nararamdaman ko kay Kuya Alex. Alam ko hindi tipo ko ang gusto nya pero for some reason I want to give it a shot parin. Then I confessed and his reaction broke my heart. Pinagkamalan pa akong may jowa na kung alam lang nya na mula ng makita ko sya hanggang ngayon sya lang ang gusto ko.

"To si Kuya! Wala noh! Wala akong time para doon. Siguro pag nakatapos na ako." Sambit ko. Kita kong nagkunot ang noo nya.

"Hindi pwede! Da-dapat may trabaho kana at sariling business at saka may... may mansion kana bago ka mag boypren!" Nakakainis na sagot nya sakin. I looked away in disbelief.

"Kuya babae ako, dapat yung lalaking magkakagusto sakin ang meron na nyang mga bagay na yan. At kapag nakatyempo ako nyan sa US ay sasagutin ko kagad." Wala sa sariling sambit ko.

"Kelly! Magtigil ka sa sinasabi mo at baka hindi kita payagan na umalis!" Napatingin ako sa lakas ng singhal ni Kuya sakin. Nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata. Nakakatakot si Kuya. Makaalis na nga. Pagkuway ibinaba ko sa sahid ang aking paa at isusuot sana ang sapatos ko ng inagaw ni Kuya ang sapatos ko. "Antayin mo ko at sabay tayong uuwi! Dyan ka lang at wag kang makulit!" Naiinis parin na sabi ni Kuya at saka na sya bumalik sa kanyang mesa.

Di nalang din ako sumagot dahil baka mas magalit sakin at di talaga ako payagan na mag aral sa Stanford. Maya maya ay lumapit sya sa akin at ibinigay ang isang laptop nya at ang wireless telephone.

"Ayan, libangin mo muna ang sarili mo, mamaya ay may darating na mga kameeting ko dito kaya di kita maaasikaso. Magpadeliver ka nalang ng pagkain pag nagutom ka." Sabi nya sakin. Saglit na nagka titigan pa kami sa mata at tila pareho kaming nailang at umilag. Pag kuway umalis na sya at bumalik sa kanyang mesa. Ng dadamputin ko na ang laptop mula sa coffee table ay nagulat ako ng magsalita sya sa harapan ko nanaman. "Wala ka na bang kailangan?" Napapaano ba si Kuya Alex? Nakatanga lang ako sakanyang umiling. Tapos ay tumango tango lang sya at umalis ulit. Ang wierdo ni Kuya.

Ilang oras ding puro nood ng Korea Novela si Kelly ng makaramdam sya ng kalam ng sikmura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Ilang oras ding puro nood ng Korea Novela si Kelly ng makaramdam sya ng kalam ng sikmura. Mula ng inampon sya ni Alex ay hindi na sya nakaramdam ng matinding gutom na katulad noong trese anyos lamang sya. Hindi naman maiwasan ni Alex ang hindi mapatingin sakanya maya't maya. Tumayo si Kelly at naglakad ng gamit ang isang paa, at ang injured nyang paa ay nakaangat. Lumapit ito sa mesa ni Alex.

"Kuya, gusto mo padeliver tayo ng Pizza?" Napapitlag pa si Alex ng marealize niyon na nasa harapan na sya ng mesa.

"Bakit ka tumayo doon? Sana nag padeliver ka nalang kaagad!" Lumabi naman kaagad si Kelly and what Alex did next is unexpected. Tumayo ito at saka lumapit kay Kelly at binuhat ito na parang katulad sa bagong kasal and put her back to the couch. Nag init ang pisngi ni Kelly and the next thing she knew ay sobrang lapit na ni Alex sa kanyang mukha. Looking at his face is like being hypnotized. Wala sa sariling pinikit ni Kelly ang kanyang mga mata and seconds passed, his lips landed hers. It is her very first kiss, his lips are warm and tender. Masuyo ang halik na iginawad ni Alex and when he moved his lips para palalimin ang halik ay biglang may pumasok sa kanyang opisina.

"Oooopppppss! Sorry bro! Should I just go back later?" Gulat na turan ng bagong pasok na si Rico. Madali namang naghiwalay ang dalawa at kunwaring nag lalaptop si Kelly at si Alex naman ay minamasahe ang kanyang batok na nakatalikod sa dalaga. Pulang pula ang tainga ng binata dahil na rin siguro sa hiya.

"No. What happened Rico?" Tanong ni Alex na pinipilit mag panggap na parang walang nangyari.

"Ah Okay, pinauwi ko na si Anabelle, I have a new secretary for you, she's an HRM Graduate, major in Hotel Management pero she took Culinary Arts too." Pagkuway may tinawag na babae si Rico mula sa labas. Pumasok naman ang babaeng iyon at tila isang anghel iyon sa ganda, kung hindi lang sya mukhang masungit. "Celine, this is Light Alex Ji, our CEO. Sir. this is Celine Nacorda." Pumasok ng tuluyan ang babaeng tinawag na Celine at saka inabot kay Alex ang isang folder na naglalaman ng kanyang CV. Kinuha iyon ni Alex at hinalungkat ang mga papel sa loob. Pag kuway tumango tango si Alex.

"Show her her office and tell her what she needs to do. Give her my schedule." Ma awtoridad na utos ni Alex. Si Rico ay nakatayo lang sa kanyang harapan at nginunguso si Kelly na tila ba nag sasabing ipakilala sya dito. Tumikhim naman si Alex at saka tinawag si Kelly.

"Kel, this is Rico, our HR Head." Sabay ngiti naman ni Kelly at nilapitan sya ni Rico para abutin ang kanyang kamay, hindi naman sya pinahiya ni Kel. "And that's Cherry, my new secretary." Turo nito kay Celine at tila natawa naman ang secretary nya.

"Celine Sir." Pagko correct noon na hindi naman nya pinansin.

"It took him 6 months before he memorized Anabelle's name." Bulong ni Rico.

"And this is Kelly." Pakilala nya sa mga ito.

"Hello po Ate, Kuya." Magalang na tugon ni Kel. Napangiwi naman si Celine ng marinig itong tawagin syang Ate. Si Rico naman ay parang baliw na nakangiti kay Kelly. Pinandilatan ito ng mata ni Alex ng magkatinginan sila at pumormal naman bigla iyon ng tingin. Pagkuway kay Kelly naman nya ibinaling ang tingin na ngiting ngiti din kay Rico. Pinandilatan din nya ng tingin ang dalagita, napaatras naman iyon sa inuupuan at kunwaring ibinalik ang tingin sa laptop.

"Go back to work Guys! I have meetings after 1pm!." Matigas na sambit ni Alex at parang bulang nawala si Celine at si Rico.

**********************************
Hi Guys! Enjoy lang po kayo sa chapter na to. Mamaya mag aupload ako since wala akong pasok. Suspended ako sa work eh. Hahaha!

Hindi po ako masamang nilalang. May mga tao lang talaga na kinain na ng posisyon at nananapak ng kapwa para makaangat lang. :( Gayun paman, ipinag dadasal ko parin na sana matupad nila ang mga pangarap nila at sana ay lubusan silang maging masaya sa landas na tinatahak nila.

Magandang Gabi po. :)

 :)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SPG!! Tough Love [Light Alex Ji Saunders]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon