2 Growing Alex

4K 126 9
                                    

Gaya ng sinabi nila Dark sakanya, hindi sya pinabayaan ng mga ito at pinag aral sya sa magandang paaralan. Nakatira sya sa maayos na tirahan na may tatlong kwarto sakto para sakanila ni Mang Roy at mga gamit sa bahay. Hiningi ni Mang Roy na hangga't maaari sana ay simpleng buhay lang ang iparanas sakanila sapagkat gusto nyang makita na mag sumikap si Alex na umunlad pagdating ng panahon.

Mabilis ang panahon at nakatapos si Alex ng kanyang pag aaral. Nag working student sya at sumasideline sa mga photoshoots para magkaroon ng extrang kita. He is definitely the most handsome man in the Philippines. Hindi nya ginagamit ang apelyidong Saunders ever since dahil kahit papaano ay masama ang loob nya sa kanyang ama, at gusto nyang pakita doon na ang lahat ng success na matatamasa nya ay hindi dahil sa apelyido ng kanyang  ama kundi dahil sa pagsisiskap nya.

"Mr. Light Alex Ji, your next." Tawag sakanya ng sekretarya ng isang malaking bangko. Pumunta sya ngayon doon para sa isang proposal sa isang business venture na naiisip nya. Kailangan nya ng kapital kaya kailangan nya ng investors. Naisip nya ang pinaka malaking bangko sa Pilipinas ang unahin nya, pwede syang magloan kung ayaw nila mag invest.

Inayos ng maigi ni Alex ang kanyang neck tie at kala mo ay mga haliparot na bakla ang mga dalagang nadadaanan nya na kilig na kilig pag napapatingin sya. Haaayyy. Women are all the same. Naibulong nya sa sarili.

Nagtagal ng dalawang oras ang meeting nya sa CEO ng bangko at umuwi sya ng walang sagot.

"Ayos lang yan anak, pasasaan ba't makakakuha ka ng mga indyestors mo." Napangiti si Alex ng marinig ang kanyang Tatay Roy.

"Tay, Investors po 'yon. Tatawag daw sila pag napag desisyunan ng board." Malamlam na sagot nya.

"Ay kahit ano payan imbestors na yan, makukuha mo yan, isa pa bente uno ka palang! Masyado kapang bata, marami pang dadating sayo." Pag papalakas ni Mang Roy sa kanyang loob. "Kumain ka na ba?" Tanong ng matanda.

"Mamaya na ho Tay, magpapahangin lang ako sa labas, pag balik ko nalang ho ako kakain." Paalam nya dito.

"O sige, basta wag mo pakaisipin iyon, at pakibili mo nalang din ako ng pampalamig ng sikmura." Pagkuway kinindat kindatan pa sya nito. Tuluyan na syang natawa sa itsura ni Mang Roy dahil para itong batang paslit. Ang pampalamig kasi noon ng sikmura ay alak.

"Sige ho, bilhan kita ng isang bote lang." Tuwang tuwa ang matandang tinapik ang kanyang balikat at saka iyon nag tungo sa kusina para mag luto. Araw araw na si Mang Roy ang kanyang taga luto at taga linis ng kanilang bahay, ito rin ang nag aayos ng kanyang gamit at lahat, tila ito na talaga ang tumayong ama sakanya. Hindi rin iyon nag asawa dahil natatakot sya na baka sa hirap ng buhay nya ay iwan lang sya ng mapapangasawa nya, tama na sakanya si Alex dahil anak din ang turing nito sa binata.

Napasarap si Alex sa pag iikot nya sa plaza sa kanilang bayan at nakaligtaan nya na ang oras. Agad na dinukot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinignan ang oras. Alas Otso Y Meja na! 

Naglakad na sya ng mabilis pabalik na sana sa kanilang subdivision when he bumped on to someone. 

"Aray kuya naman eh!" Isang matinis na boses ng bata na nakasalampak sa simento ang kanyang narinig. Batang hamog? Madungis ang bata at madaming dalang mga bulok na mansanas at ponkan na halatang mga ninakaw nito. Meron din itong hawak na mga sampagitang nalalanta na sa kanyang kaliwang kamay. "Kuya bilin mo nalang tong prutas ko, bente nalang oh." Sabi nito sa matamlay na boses. Sa totoo lang nakikita ni Alex ang kanyang sarili sa batang ito dahil ganito din sya noon bago sya mahanap nila Darkus.

"Anong pangalan mo bata?" He asked. Matalim na tinignan naman sya noon.

"Hindi na ko bata no! 13 na ako! Kelly pangalan ko, ikaw?" Bahagyang napangiti si Alex sa reaksyon ng batang babae.

SPG!! Tough Love [Light Alex Ji Saunders]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon