Ghaliesha POV'
Hayssstt salamat, sa wakas nakauwi na rin. Bwesit talagang baklitang yun pinahiya pako sa jeep. Kung hindi ko lang siya bestfriend, hmmm nako nako nako nako talaga siya sakin.
May pa "And why, and why" pa siyang nalalaman bwesit siya. Pero kahit ganun yung baklang yun. Mahal na mahal ko yun.
Mahal as a kapatid ganun, walang malisya. Sabi nga niya "hindi daw kami talo" hahhaaha joker talaga.
"Oh, ba't ginabi ka yata?"
Biglang pagsulpot ni mama.(buti nalang hindi ako nagulat, hehehhe alam niyo naman siguro ang magic word kapag ako'y nagugulat.)"Eh kasi po nay, gabe na natapos yung laro nila harold at na stranded po kami sa traffic ni bakla."
Pagpapaliwanag ko sa butihin kung ina. Hhehehe alam niyo baka magduda at magtanong kung saan ako pumupunta.
At alam ni mama na may jowa na ako. At kami ay legal ni harold both side ng family namin.
"Auhh okay. So ano kamusta ang laro ng jowa mo?"
"As expected ma, sila na naman ang nanalo"
Proud kung pagkakasabi kay mama. Hahaha sabay wink pa yan ha."Pakisabi sa jowa mo congrats!"
"Copy ma, hehehe"
"Oh, anong panghinihintay mo diyan. Kumain kana dun. Baka lumamig na yung niluto ko sayo."
Ang swerte ko talaga kay mama. Sinusuportahan niya lahat ng gusto ko. Lalo na kay harold.
"Ano bang niluto mo ma?"
Pagmamaang-maangan kung tanong sa kanya. Kahit alam ko naman kung ano yung niluto niya.
"Syempre yung paborito mo"
"Ilangssss lab na lab mo talaga ako ma no?"
"Ay hindi anak, hindi kita lab"
Itong nanay ko talaga palabiro, ngayon alam niyo kung kanino ako nagmana.
"Ehhh mama naman eh"
Pagtatampo ko sa kanya na parang nagpapacute . Hehhee baka tumalab ang charms ko sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka, syempre lab kita. Alam mo namang ikaw lang ang nag-iisang prinsesa namin ng papa mo."
"Wahhhh huhuhu mama naman eh, yan tuloy naiyak nako"
"Chheee ang emotera mo talaga, halika ka nga dito. Hug mo si mama"
"I love you ma"
"Love you too, oh sige na kumain kana diyan."
"Sige po ma, thank you"
Sabay halik ko sa pisngi niya. At pagkatapos nun umalis naman siya dahil may liligpitin pa daw siya sa kwarto nila ni papa.
BINABASA MO ANG
Gay Inlove With His Girl Bestfriend (On-going)
RomanceAno kaya ang mangyayari sa buhay ng isang bakla kapag na inlove sya sa isang babae. At sa sariling bestfriend niya pa. May magbabago ba kaya sa pakikitungo nilang dalawa sa isa't-isa. O mananatiling tahimik na lng si bakla at huwag na lng sabihin A...