Chapter 9

846 17 3
                                    

Harold POV'

So ayun na nga, nandito na kami ngayon ng girlfriend ko sa mall. Pasok dito, pasok doon.

I mean pasok sa isang shop, tapos pasok naman sa kabila. Yun lang ang ginawa namin, nag-window shopping lang kaming dalawa. Pero matapos ang kalahating oras ay nagyaya rin siyang kumain.

Kaya pumunta na kaming jollibee, yun kasi ang paborito naming kainan.
Pagpasok namin, nung una nahirapan pa kaming humanap ng mauupuan kasi masyadong maraming tao. Kaya maghihintay nalang kami sa magtatapos ng kumain.

Pero makalipas ang 3 minuto ay mas lalong dumarami ang mga tao sa loob ng jollibee. At hindi pa rin kami nakahanap ng pwesto.

"Love, hanap nalang tayo ng ibang makakainan, nagugutom na kasi talaga ako. Gusto ko ng kumain."
Sabi ng jowa ko, sabay hawak sa braso ko at parang mangiyak-ngiyak na yung mata niya, habang nagmamakaaw sa akin.

"Okay love, tara saan mo pa ba gustong kumain?"

"Kahit saan nalang"

Hayysstt siguro sobrang gutom na talaga siya. At isa rin ito sa katangian niya na nagustuhan ko dahil, hindi siya masyadong mapili sa mga kainan. Basta makakain lang siya ay okay na. Pero minsan sa madalas talagang jollibee ang unang choice niya sa tuwing kakain kami.

Malapit na kami sa exit ng jollibee ng biglang may sumigaw sa pangalan ng jowa ko.

"GHALIESHA BAKLAAAA"

sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ay nasitinginan naman ang mga tao sa sumigaw nito. Kaya madali naming nakita kung sino ang sumigaw. At yun pala ay ang kaibigang bakla ni ghaliesha.

Nang makita na namin siya, ay nagwave-wave pa siya habang nakangiti.

Tapos yung jowa ko naman ay nagwave back. Hay nakooo, magkaibigan nga talaga sila.

Kaya mabuti nalang talaga at nakita kami ng kaibigan niyang bakla. Kung hindi siguro naghahanap pa kami ng makakainan ng jowa ko.

"Love, tara bilis."
Sabay hablot niya sa akin, at papunta kami ngayon sa pwesto ng kaibigan niya.

At buti nalang talaga hindi na nakitingin ang mga tao.

Nang makarating na kami sa pwesto nila ay nagkamustahan ang dalawa.

"Hi, bakla"
Sabay beso-beso ng jowa ko sa kaibigan niya at ganun din ang kaibigan niya sa kaniya.

"Hello, hello din harold"
Sabay bati din niya sa akin. At tinanguan ko lang siya sabay ngiti. At ganun din ang kasama niyang lalaki.

Nang makaupo na si ghaliesha ay nag order na din ako ng makakain namin.

At buti nalang talaga at kaunti nalang ang pumipili para mag-order. At salamat sa diyos, dahil mabilis din akong nakapag-order.

"Ohh, ito na love kumain kana. Alam kung nagugutom kana"
Sabay lapag ko ng inorder ko  satable namin.

"Thank you love, ikaw rin kumain kana"

"Aray-aray, ang sweet naman, yan tuloy ang daming langgam"
Pabiro ng kaibigan niya, na kunware kinakagat siya ng langgam

"Gaga, anong sweet ka diyan! Normal lang sa amin ni harold yan no. At teka, ikaw ha, may MEN ka pala hindi mo man lang kinukwento sa akin"
Sabi ni ghaliesha ng mahina para hindi marinig ng kasama ng kaibigan niya.

"Ayyy... oo nga pala, ito pala si Malik, Malik si Ghaliesha nga pala bestfriend ko at ito naman ang boyfriend niya si harold"
Pagpapakilala niya sa amin doon sa kasama niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gay Inlove With His Girl Bestfriend (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon