Chapter 7

563 17 0
                                    

Calling Ghaliesha....

Ilang minuto lang sinagot niya kaagad.

"Umm hello?"
Sagot niya na parang nagtatanong

"Love na kauwi kana ba?"
Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Na may halong kaba.

"Ahh oo love kanina pa. Ikaw kamusta ka diyan, nakauwi kana rin ba?"
Hayysssttt buti nalang nakauwi siya ng safe. Kung hindi lang sana nakipagkita ang elaine na yan sa akin. Naihatid ko pa sana ang girlfriend ko.

"Ahh... oo love..  naka..uwi nako."

"Ehh sino ba yung pinuntahan mo sa hospital?"
Ito na yung kinatatakutan kung tanong eh. Ano ng gagawin ko? Alam kung magagalit siya kapag nalaman niya nagsinungaling. Pero kailangan kung gawin ito, baka kasi mas lumala pa ang problema ko kay elaine.

"Auh, yun?? Wala yun ,kaibigan lang ng kuya ko. Hehhee"

"Auhh ganun ba. Okay sige matutulog na ako love. Gabi narin kasi at baka pagod ka pa.Congrats daw pala sabi ni mama at matulog kana rin.  Good night love, love you"

Buti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa. Hayyssstt ang swerte ko talaga sa gf ko kaya mahal na mahal ko yan eh. At kahit kailan hindi ko siya ipagpapalit kay elaine.

"Okay love paki sabi kay tita thank you. goodnight love, love you too"

At pagkatapos kung sabihin yun ay pinatay niya na ang phone niya.

Kaya ako nag half bath muna at natulog na rin.

Ay bago ako matulog , magpapakilala muna ako hehehe. Ako nga pala si Harold Fernandez , 19 years old. Ang poging boyfriend ni Ghaliesha.
K bye, good night.

Kinaumagahan ~

Late na akong nagising dahil sa napasarap yung tulog ko kagabi. Dala na rin siguro ng pagod sa laro ko kahapon. At wala naman kaming pasok ngayon kaya okay lang na tinanghali na akong nagising.

Lumabas na ako ng kwarto, para maghanda sana ng kakainin ko. At sa hindi ko inaasahan nandun si elaine naka upo sa couch ko. Na parang feel at home ang puta.

Biglang ang daming tanong sa utak ko na, kesyo pano niya nalaman kung san ako nakatira, kung pano siya naka pasok dito, at pano siya naging walang hiya.

Kaya sa pagkabigla ko, ay bigla ko rin siyang hinablot sa braso niya at bigla rin siyang napatayo.

"Aray ano ba harold, nasasaktan ako"

"Nasasaktan ka, talaga ba?"

"Ano kaba harold ha! Bitiwan mo nga ako"
Pagwawala niya sa kanyang braso.

"Hoy! Elaine, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na hindi kita tutulungan , HA?"
Parang naiinis na ako sa babaing to, hindi ko napigil yung gigil ko sa kanya kaya bigla ko siyang nasigawan.

"Bakit sino bang nagsabi na pumunta ako rito para magmakaawa sayo ulit na tulungan ako?"
Sabi niya na nakataas la yung isa niya kilay.
Aba walang hiya talaga itong babae na ito.

"Eh bakit ka nandito?"
Galit napatanong sa kanya.

"Nandito ako para kamustahin yung future husband ko"
Sagot niya ng parang with feelings. Sabay lapit sa akin at himas sa pisngi ko.

"Anong future husband ang sinasabi mo ha?"
Pasigaw kung sabi sa kanya sabay tulak.
"Hoy! Elaine tigilan mo nayang kabaliwan mo, dahil kailanman hindi mangyayari na magiging asawa kita. Tsskk."


"HahahA OHHKAYYY... sabi mo eh. Pero tandaan mo ito harold, balang araw mapapasakin ka rin."
May pagbabantang sabi niya at umalis din siya pagkatapos niyang sabihin yun.

"Hahaha ASA KA HOYYY.."
pasigaw ko namang sabi sa kanya. Haahaha anong akala niya sakin, matatakot niya ako.

Pagkatapos ng eksinang yun eh. Nagluto ako ng aking kakain pang-almusal. Simple lang naman yung niluto ko. Pritong itlog at Hotdog hahaha diba sobrang basic. Wala eh hindi kasi ako marunong magluto at wala akong katulong sa condo ko. So tiis-tiis lang muna ako sa ganitong pagkain.

Dahil balang-araw kapag kinasal na kami ng girlfriend ko, tiyak na palaging masasarap kakain ko. Hehhee bonus nalang yung masarap ang girlfriend ko. At alam niyo ba kung bat ako na inlove kay Ghaliesha? Syempre sa mga pagkaing binibigay niya sa akin, na siya mismo yung nagluto. As in sobrang sarap niyang magluto.

Gay Inlove With His Girl Bestfriend (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon