Chapter 6

586 20 1
                                    

Nung tapos na akong kumain pumunta na rin agad ako sa aking kwarto. Inayos ko muna yung kama ko at nag half bath ako bago matulog.

Matutulog na sana ako ng biglang nag ring yung phone ko. Kaya dali-dali ko itong sinagot ng hindi ko tinignan kung sino yung caller.

"Umm hello?"

"Love na kauwi kana ba?"
Ay shota hahhaa si jowabelss pala yung tumawag. Hehhee

"Ahh oo love kanina pa. Ikaw kamusta ka diyan, nakauwi kana rin ba?"
May pag-alalang tanong ko sa kanya.
Alam nyo naman siguro na galing pa sya sa laro niya kanina at dumiresto agad siya sa hospital. Siguradong pagod na yung labidabsss ko.

"Ahh... oo love.  naka..uwi nako."
Parang nauutal niyang sagot sakin.

"Ehh sino ba yung pinuntahan mo sa hospital?"

"Auh, yun?? Wala yun ,kaibigan lang ng kuya ko. Hehhee"

"Auhh ganun ba. Okay sige matutulog na ako love. Gabi narin kasi at baka pagod ka pa.Congrats daw pala sabi ni mama at matulog kana rin.  Good night love , love you"

"Okay love paki sabi kay tita thank you. goodnight love, love you too"

At inend call ko na pagtapos nun. At pinatay kuna rin yung phone ko para matulog.

______________________________

Harold POV'

Ang saya na ng buhay ko ngayon tapos babalik-balik siya dito. At ano? Sisirain niya ulit.
Okay na ang lahat eh, ako, ang pamilya ko , pati na rin kay Ghaliesha. At bakit sa lahat ng taong pwede niyang lapitan ako pa?
Lintek naman oh oh.
Pano ko ito sasabihin sa pinakamamahal ko.

"Sige na harold maawa ka sa akin please, tulungan mo ako. Huhuhu"
Pagmamakaawa niya sa akin.

"Eh bakit ako pa ha? Ang saya na ng buhay ko kaya please lang maghanap ka nalang ng ibang tutulong sayo."

" wala ng ibang makakatulong sa akin harold kundi ikaw lang"
Pasigaw niyang sagot sa akin habang umiiyak

"Ahh ganun ikaw pa may ganang magalit."

"Hindi ako galit, kaya please lang harold oh tulungan mo ako. Please maawa ka sakin."

"Bakit Elaine, naawa ka ba sakin sa lahat ng panlolokong ginawa mo ha?. Eh hindi ka nga naawa sa akin noon."

"Noon pa yun harold, matagal na yun"

"Yun na nga elaine eh. Matagal na! Kaya sana naman huwag ka ng bumalik sa buhay ko."

"Simpleng tulong lang naman ang kailangan ko harold"
Parang galit niyang pagkakasabi

"SIMPLE? hhuuhhh. Anong simple dun, Elaine hindi simple ang Kasal alam mo ba yun ha?"
Nag-iinit na ang dugo ko sa lintek na babaing ito. Humingi ng tulong sa akin pa mismo ha. Na pakasalan ko daw siya. Putang ina niya alam niya namang may girlfriend na ako. At mahal na mahal ko ang girlfriend ko.

"Hindi kita matutulungan sa problema mo elaine."

" Hindi ba?? Hmmpp pwesss ako ang gagawa ng paraan para pakasalan mo ako"
Sabi niya na parang nag iba bigla yung aura niya. At umalis na siya agad sa restaurant na pinag-usapan namin.
Kaya umuwi na rin ako.

Pagdating ko sa bahay nagpahinga ka agad ako. Kahit sobrang pagod na ako kanina pinuntahan ko pa sya. At yun lang pala ang maririnig ko sa kanya. Na pakasalan ko daw siya. Sa sobrang inis ko kay elaine, tinawagan ko muna yung girlfriend ko para naman lumamig yung ulo ko sa galit. At baka kasi nag-aalala na yun.

Gay Inlove With His Girl Bestfriend (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon