Jeid's PoV
THESE past 2 days, walang ginawa si Zion kundi ang subukang kausapin ang panganay namin. Pero Everytime he tries to approach him isang nakamamatay na tingin lang ang binigay ni Zeid sakanya o di kayay ini-ignore lang siya nito . I can't believe na wala palang kalaban laban si Zion sa ugali ng anak nila.
His second attempt, he cooked his favorite sinigang pero Zeid didn't eat,
"Zeid, Zin" tawag ko sakanilang atensyon "mag hugas na kayo ng kamay bago kumain."
"Ma, malinis naman ang kamay ko ah. Kakaligo ko lang. Yang si Zin ang dapat mag hugas dahil kalalabas niya lang sa palikuran"
Pag susungit ni Zeid."Kuya! Diba sabi mo pagkatapos mong naligo eh tumae ka rin? Bakit ako lang? Dapat pati ikaw"
"Mama si Zin sinasagot sagot niya na ako oh"
Pag susumbong naman ni Zeid.Napatampal nalang ako sa noo dahil sa mga makukulit kong anak. Wala talagang premium ang mga ito pag nag uusap. Inabot pa sila nito ng mahaba-habang bangayan bago sila naghugas ng kamay.
Nag pray muna si Zin bago sila kumain. Pagkaraan ay naka focus na ang kambal sa pagkain.
"Waw papa! Ang espesyal naman ng ulam natin ngayon. Paborito namin yan ni kuya"
Cheerful na saad ni Zin sa ama."It's because you both are special."
Sabi ni Zion. Pero mukhang Hindi naintindihan ng anak. Kaya tinagalog niya nalang ito."Masarap ba Zeid? Ako nag luto niyan" pag papapansin ni Zion sa anak na agad naman nabulunan at tumigil sa pag higop ng mainit na sabaw ng sinigang.
Napangiti kami ni Zion. Nang biglang nagsalita si Zeid.
"Ma,bat ganon? Bat hindi maasim tong sinigang? Mas masarap yung niluluto mo samin sa bahay."
Nalaglag ang panga ni Zion sa narinig.
Dahil nga obvious na obvious naman na tinanggihan niya ang ulam nang malaman niyang ang ama ang nagluto.Sa huli, yung adobong baboy nalang ang inulam niya. Panay din naman ang sulyap niya sa sinigang na nilalantakan na ng kambal.
"Zin careful, baka mabulunan ka."
Paalala ni Zion sa anak na Panay ang kain at punong puno ang bibig habang salita ng salita."Papa gusto mo pa po?"
Tanong ni Zin sa ama. Ang natitirang sabaw ang tinutukoy nito.Akala ko nga mag aagawan ang dalawa, dahil nga sa paborito rin ni Zion ang sinigang at never ko pang nakita na nag share ito pag ito ang ulam. Napangiti ako ng umiling si Zion.
"I'm already ful—" napakamot ito sa batik ng maalalang hindi nakakaintindi ng english ang anak.
"Sayo na Zin, busog na si papa" bumaling ito kay Zeid na panay ang lunok.
"Zeid , ikaw? Gusto mo ba—""Ayoko po. Wala namang lasa eh. Saka hindi masarap"
Nang marinig ang sinabi ng kambal.
"Kuya sigurado ka bang ayaw mo na? Akin na tong natitirang sabaw ah"Isang mahabang slurrp ang narinig namin mula kay Zin. Habang si Zeid naman ay namumula na ang mata.
Pinangatawanan niya talagang ayaw niya ng kung ano mang manggagaling sa ama. Although nakikita kong napapatingin siya sa ulam at napapa-lunok kaninang kanina pa.He would avoid him and would sometimes he responds whenever Zion tries to talk to him. Kabaliktaran ng kambal na close na close kay Zion.
KATATAPOS ko lang patulugin si Zin bago ako pumasok sa room ni Zeid. Gusto pa sanang hintayin ni Zin ang ama pero ginabi na ito sa office niya.
Kumatok muna ako bago tuluyang pumasok sa kwarto niya.
"Zeid anak."
Agad naman siyang lumingon sakin mula sa pagbabasa nito ng kwentong pambata.
"Mama bakit po?"
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Ex-Boyfriend
Художественная прозаHi guys, continuation po ito ng story ko na "Pregnant by my Ex-Boyfriend" , na hack po kasi ang account ko yung @InloveToAPsychopath at hindi ko na po mabuksan-buksan . dito na po ako mag u-update ng continuation ng story ko thanks po sa mga nagb...