Chapter Nineteen

1.1K 42 3
                                    

Attha hessa!

Geiv sha detha!

Paulit ulit na umiikot yan sa utak ko habang naglalakad.

Is it just my imagination?

Pero hindi, alam kong hindi.

Malinaw at talagang alam ko na totoo ang mga narinig ko.

And what kind of —whatever is that?

Hinatid na muna ng lalaki ang mga bata sa isang kwarto bago muling bumalik at sinabing sa sala na kami mag usap usap.

Sa single sofa ako nakapwesto habang sila ay magkakatabi sa iisang sofa.

“Gu–”

“Wait.” pagpuputol ko sa pagsasalita ng lalaking nakasama ko kanina.

“If you wouldn't notice, malapit na ako maubusan ng dugo–”

“Fck! Wala palang first aid–”

“Could you fucking let me finish first?!” iritable kong pagsingit.

Para silang nanigas sa mga kinauupuan nila kaya pilit ko na pinakalma ang sarili.

“You have wine?” sandaling nag isip ang isa sa kanila saka nagmamadaling bumalik at iniabot sa akin ang bote ng wine.

“Anong gagawin mo dyan?”

“Can I borrow your towel?” tumango naman ang isa at umalis at gaya ng nauna ay bumalik ito na dala ang hinihiram ko.

“May extra bandages pala dito, need one?” tumango ako sa lalaking nakasama ko at umalis na ito at bumalik na dala rin iyon.

“Bathroom?” tumayo ang lalaking nakasama ko ulit kanina–hindi ko alam ang pangalan ni kuya–at sinabing sundan ko siya.

Pumasok na ako at hinayaang bukas ang pinto dahil naroon siya.

“Pahingi palang upuan.” may upuan namang malapit at inabot niya sa‘kin saka ako doon umupo.

“What are you doing?” pagtatanong niya nang ininom ko ang wine. Pagkatapos ay kinagat ko ang towel at binuhos ang wine sa may binti ko.

Fucking shit!

Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero pinilit ko na mahihinang ungol na lang ang mailabas dala na rin ng kagat kagat na panyo.

Bago bendahan ang binti ay muli kong tinungga ang wine at inilapag na ubos na.

Inalalayan ako ni kuya na maglakad pabalik sa sala.

“I am Gino Alajar. The brother of the twins, Riana and Jared. Salamat nga pala dahil nakaligtas kami nang dahil sa‘yo.” tumango ako at napabaling sa dalawa ang tingin nang magsalita sila.

“I am Cross Vana. His friend and owner of this house.”

“Leandro Bitug.” tumingin sila sa akin matapos iyon na para bang naghihintay na ako naman ang magsalita.

“Rein.” inirapan ko sila nang mukha pa silang naghihintay sa sasabihin ko.

“Bakit nga pala narito ka sa kagubatan? Naliligaw?” tanong ni Cross.

“No.” nagtataka ang mga mukha nila kaya pilit kong ikinalma ang sarili ko at dinugtungan ang sinabi.

“To be honest, hindi ko alam kung saan ako pupunta at dito ako napadpad.”

“Bakit? Paanong hindi mo alam kung saan ka pupunta?” mukha namang walang problema kung magkwento ako sa kanila.

“Wala lang. Gusto ko lang makalimot. Kamamatay lang ng mga magulang ko.” at ako pa mismo ang pumatay sa ama ko.

The Witch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon