Moon II

2 1 0
                                    

Sabi nang ate mo na ilang buwan ka na niyang kinukumbinsi. Kailangan mo na sumunod sa ate mo, sa America dahil mag isa ka nalang dito.

Kinausap kita pero ang sabi mo.

''Di kaya ako mag isa, kasi nandito ka.''

Pero alam ko kung ano ang mas makakabuti sayo. 

Kasi nga mahal kita at kung mahal mo mas pipiliin mo kung ano ang tama kahit mali para sayo. Ilang araw ko na pinag isipan. Ilang araw akong nasasakta, sa mga ngiti mo, sa mga masasayang ngiti mo.

Sabi mo YOLO.

 Kaya ayoko na hindi mo matupad ang pangarap mo, kung ako ang pumipigil sayo sa mas magandang kinabukasan.. Ako ang bibitaw sayo. Mag hihiwalay lang naman tayo, pero ang puso ko sayo parin. Simula nang mga bata tayo.. Hanggang ngayon. 

Walang magbabago. 

Pipilitin ko

- na sa huli ikaw parin at ako.















Pinakita ko sayo ng pinakamalawak na ngiti ko sa airport habang kumakaway. Nang nawala ka sa paningin ko doon na tumulo ang luha ko. Luha na ilang linggo ko rin na pinigilan. 

Pinakita ko sayo na okay lang  -kahit hindi. 

Pinakita ko sayo na kaya ko  -kahit hindi.

 Alam ko isang tulo lang nang luha ko magbabago ang isip mo. God knows how hard it was. Dapat masaya ako kasi ako mismo ang pumilit sayo. Bagong mundo para, sayo habang ako,

Ikaw ang mundo ko.

Oo masaya ako para sayo love... sobra.

Pero hindi mo alam kung gaano kahirap. Sa sobrang saya ko napaaiyak ako, hindi ako makatulog at hindi makakain. Iniisip ko nalang.

Para ito sayo.

Tama nga ang sabi nila, na pag mahal mo nang sobra.. Mas masasaktan ka din ng sobra. Ang taong nagdadala ng saya sayo ang siya ding magiging dahilan ng luha sa mata mo.

Minsan nakikita kita sa labas ng classroom kumakaway o di kaya sa tabi ko habang kumakain. Minsan habang gumagawa ako nang assignment nasa tabi kita nagsesermon o di kaya pag naglalakad ako mag isa pag uwi nandiyan ka sumasabay at bitbit ang bag ko. Nakikita ko ang ngiti mo palagi kahit saan.

Lahat yon imagination ko lang.

Ang hirap pala.

Kulang ang salitang mahirap. Miss na miss na miss na miss na kita. Mula bata kasama kita, simula elementary Hanggang high school hanggang college anino kita. Araw araw magkasama tayo kaso makulit ka, kulang na nga lang pagtaguan kita para lang wag ka na sumunod.

 Hindi ko alam. Unang kita mo pa lang pala sa akin sa bakuran niyo crush mo na ako, kaya ka naging best friends tayo. Imagine? Crush mo ako simula noon hanggang high school at college tayo. Kaya pala wala kang niligawan kahit sino, ni crush wala ka. Kasi kasama mo na palagi ang crush mo, ang insipirasyon mo. Hindi ka na naghanap nang iba. Ang daya daya mo talaga! Ikaw una palang kuntento ka na kasi kasama mo ang mahal mo pero ako... Sana una palang nalaman ko na na gusto kita. Sana mas pinahalagahan ko ang oras na kasama kita

Sana.. Ang dami dami ko na "sana"...

Tuwing tumatawag ka gusto ko na magmakaawa na please naman umuwi ka nalang. 

Pero.. tuwing naririnig ko ang mga kwento mo kung gano ka kasaya ay napipi ako.
Palagi ka namang tumatawag at palagi din tayong nag uusap. Araw araw at walang palya tuad ng pagdala mo ng bulaklak sa labas ng classroom ko. Nagpapadala ka ng pictures at postcards. Nagpapadala ka din ng sulat. Minsan pag vacation umuuwi ka.

Bitter & SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon