Sarah's POV
Nagising naman ako at bumungad sakin si Woojin na yakap-yakap ako.
Dahan-dahan ko namang tinanggal ang braso nya at iniwan sya sa kwarto.
Bahala sya sa buhay nya.
Bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig.
"Hi noona" bati sakin ni Kuanlin.
Tumingkayad naman ako at kinurot ang pisngi nya.
"Are you fine now noona?" tanong nya.
Nakakahiya naman na noona ang tawag nya sakin kahit mukha akong pre-school sa tabi nya.
"Oo naman, okay ako" -me
"Noonaaaa~" niyakap naman ako nina Daehwi at Jinyoung.
"Kami na magso-sorry sayo. Sorry noona kung manhid yung sungki mong asawa" -Jinyoung
"Oo nga noona. Pero kahit naman manhid yun eh lab na lab ka non" -Daehwi
"Pero mas lab ko si Daehwi"-Jinyoung
Ginulo ko naman ang buhok nila pareho.
"Di nyo naman kailangan mag-apologize eh. Okay lang naman ako" -me
"Gusto mo ba noona sapakin ko si hyung para sayo?" -Jinyoung
"O kaya titili ako sa tenga nya hanggang sa mabingi na sya" -Daehwi
Natawa naman ako sa kanila.
"Hayaan nyo lang sya ma-realize yung mali nya. Tsaka di naman ako galit sa kanya, nagtatampo lang" paliwanag ko.
"Oh tama na yan! Nagmu-mukha nang kindergarten si Sarah sa inyo" awat naman ni Sungwoon oppa na kasama naman ang hyung line.
Bumitaw naman na sakin sina Jinyoung at Daehwi at sila na lang ang nag-yakapan. Nakisali na rin si Jaehwan oppa.
Pambansang thirdwheel talaga~
Kinurot naman ni Daniel oppa ang ilong ko.
"Selosa naman neto" -Daniel
"Aaaah! Baka maging kasing tangos na ko ni Jisung oppa!" sigaw ko kaya binitawan nya na ang ilong ko.
"Sorry talaga Sarah ah? Di namin namalayan ni Danik na napalaki pala naming malandi si Woojin" hinawakan pa ni Seongwoo oppa ang braso ni Daniel oppa na tumatango-tango lang.
"Sorry din sa ginawa ng kapatid ko. Di na dapat sya pumunta dito eh" -Jihoon
"Bat ba sinisisi mo yung kapatid mo?" -Jisung
Yumuko lang si Jihoon at umakyat na sa kwarto nya.
"Ang weird ni Baboy" -Sungwoon
"Sinabi mo pa!" -Minhyun
Ano bang sinasabi ni Jihoon na kasalanan ni Grace?
Parang may di sinasabi samin si Jihoon...
"Jagi?" nilingon ko naman ang tumawag sakin.
Halatang bagong gising pa sya. Siguro naalimpungatan.
Dali-dali naman syang bumaba ng hagdan at yumakap sa akin.
"Jagi pwede ba tayo mag-usap?" -Woojin
"Mamaya na lang Jagi. Magluluto pa ko eh tsaka marami pa kong aasikasuhin dito" inalis ko naman ang braso nya at nagpaka-busy na.
✂️✂️✂️
Woojin's POV
Maghapon na naging cold sakin si Sarah.
BINABASA MO ANG
We Got Married #2: [Park Woojin]
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 2nd part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]