Sarah's POV
The door opened and it revealed everyone special for me and Woojin. Mga staffs, friends namin, parents ko, ex-traineess ng Produce 101 season 2.
Halatang pinag-handaan nya to.
But despite of having lots of people around me, my eyes were only focused to the most handsome man next to my Papa, it was Woojin but in a weird outfit.
Natatawa man ay nagsimula na kaming humakbang papasok nina Mama at Papa.
"Anak wala ng atrasan to ah?" -Papa
"Opo Pa. Sure na akong sya na talaga. Si Woojin na" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Ay sows! Nag-drama pa kayong mag-ama" -Mama
"Grabe ka naman. Syempre ikakasal na yung anak natin. Pano kung mag-hiwalay lang din sila sa dulo? Tapos masaktan lang ni Sarah si Woojin? Pano na si Woojin? Kawawa naman" -Papa
"Uhm... Papa, ako po yung anak mo at hindi si Woojin" nakangiwi kong sabi.
"Ay ganun ba? Pasensya na anak ah. Concerned lang talaga ako sa asawa mo eh" -Papa
Nang makarating naman na ako sa harap ay di ko mapigilang tumawa na dahil sa suot nila.
Si Minhyun hyung kasi na tatay daw nya ay naka pang-traditional na hanbok para sa mga emperorbat kay Jisung oppa naman ay yung para sa reyna.
"Ano yang suot nyo?" tanong ko habang pinipigilan ko ang sarili kong tumawa ng malakas.
"Tanong mo dyan sa gago mong asawa" nakasimangot na sagot ni Minhyun oppa.
"Wow ha? Lugi ka pa? Kamusta naman yung pagiging Inang Reyna ko dito? Alam mo ba kung gaano kabigat tong hayop na headdress na to ha? ALAM MO BA?" tuloy-tuloy na bulyaw ni Jisung oppa kay Minhyun oppa.
"Oo na. Sorry na po" -Minhyun
"Dyan ka na sa asawa mo" tinulak ni Jisung oppa si Woojin papunta sakin.
"Woojin anak, ikaw nang bahala dito kay Sarah ah. Marunong yan maglaba, magluto, maghugas ng pinggan, magtiklop ng damit, lahat ng gawaing-bahay alam nyan. Pero wag mong papagurin yan ah? Ingatan mo itong bunso namin" -Papa
"Akala ko naman paga-applyin mo na kasambahay ni Woojin itong anak natin. Dami mong sinabi!" -Mama
"Wag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po ng mabuti ang anak nyo. Kung kailangang matutunan ko lahat ng gawaing-bahay na alam nya para ako na lang po ang kikilos instead na sya, gagawin ko po" -Woojin
Napangiti naman ako sa kanya. Kahit mukha syang gago sa suot nya.
"Oh tama na yan at masyado ng kinikilig itong si Sarah. Simulan na ang kasal at nang makarami kayo" -Papa
BINABASA MO ANG
We Got Married #2: [Park Woojin]
FanfictionIsang ordinaryong citizen at isang idol, sa isang REALITY SHOW? Would a FAKE LOVE STORY has a chance to be a REAL ONE? 2nd part of my own version of 'WE GOT MARRIED' series~ [COMPLETED]