Prologue

6 0 0
                                    

He was playing the drums like how he usually does. The way he dances through the tempo, enjoying the rhythm, and singing the song happily. This is what he usually does especially when he's enjoying the song. I know it so well cause I am always watching him whenever he's playing the drums and I think that's normal. But why the hell does this feel so different? Like the way his moves produce a beat makes my heart pound as if it's an animal trying to escape its cage. I am slowly drowning by the look of his eyes. It is hallucinating. I know this is not right. This is not good.

'Come on Lia you're 18 and he is 23' I told myself in my mind.

It's a rainy Saturday night and I was literally smiling the whole time I was watching Kuya Jaz playing the drums while raining. I don't know what happened and I don't know why's this happening. One thing I know is HE LOOKS SO HOT. The way his wet hair sways, his eyes show how happy he is, and that wet look of his. Yung shirt nya tuloy naging fit sa kanya. Amp. Koya pembarya.

Andito kami ngayon sa isang event wherein inimbitahan si Kuya Jaz na tumugtog ng drums. Kasama kaming lahat ng churchmates namin kasi nga suportado kaming lahat sa isa't isa. Atsaka ibinilin pa ni Kuya Jaz saakin na manood daw ako kasi pinagaaralan ko daw yung drums. Sya kasi yung nagtuturo sakin.

I placed my right hand in the left part of my chest. My heart beats so fast. I feel like I'm about to collapse my knees feel so weak and they are shaking. I felt butterflies in my stomach. WHAT THE HELL IS HAPPENING?

Nagulat ako ng sandaling nagtama ang aming mga tingin. TUMINGIN SYA. Napahawak naman ako sa katabi ko.

"Hawakan mo ko." Sambit ko habang mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Feeling ko talaga matutumba na ako.

"Anong nangyari?" Alalang tanong ni Cherry pinsan ko pala tong katabi ko. "Nahihilo ka ba? Jusko sabi ko ng wag na tayong manood kasi ang lakas ng ulan eh. Baka lagnatin ka nyan?" Dagdag nya pa.

"Sana nga.." Sagot ko na wala sa katinuan. Sana nga hindi na lang ako nanood sana hindi ko pa to naramdaman. Sana nga sana nga!

"Hoy! Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Cherry at doon ako natauhan bigla. "Ha? Aaah. Ano? Wait Cr muna ako." Sabi ko at mabilis na tumakbo kahit alam kong delikado sapagkat madulas dahil nga sa ulan.

Tumakbo ako papasok sa loob ng venue. Buti nalang walang tao dito. Napaupo ako sa sahig dahil nga nanghihina ako. Grabe. Hindi ko talaga ma explain yung nangyayari. Ngayon ko lang kasi naranasan to.

Hinawakan ko ulit yung kaliwang part ng chest ko. Hinampas ko to ng mahina. "Kumalma ka nga." Bulong ko pa sa sarili ko.

Matagal na kaming magkakilala ni Kuya Jaz 2 years na ata. Siya yung pinaka close kong kaibigan na lalaki sa church namin. Halos araw-araw na kami magkasama. Marami syang alam tungkol sakin at marami din akong alam tungkol sa kanya. Parang magkapatid na ang turingan naming dalawa at wala naman akong ibang naramdaman eh. Ngayon lang talaga to. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyayari. Sobrang naguguluhan ako.

'Na-nagugustuhan ko na ba si Kuya Jaz?' Yan ang tanong na nasa utak ko. Hindi ko maiiwasang tanungin ya sa sarili ko eh. Alam naman kasi natin ang mga senyales pag may nagugustuhan na tayo. Pero hindi eh. Hindi pwede. Sabi ko nga 18 palang ako at 23 na sya.

'Hindi, baka ngayon lang to. Baka bukas mawawala din ito.' Tintry ko talagang kumbinsihin yung sarili ko. Kasi nga bawal na bawal talaga eh. Sabi ko nga magkapatid ang turingan namin.

Hindi ko namalayang mag iisang oras na pala akong nag iisip dito sa loob. Talagang pinag isipan ko to ng mabuti pero hanggang ngayon hindi parin ma klaro klaro sa isipan ko kung bat ko to nararamdaman.

Biglang may kumalabit sakin.

(Dug dug)

Napahawak ulit ako sa chest ko.

"U-uy." Sabi ko na hindi makatingin sa kanya.

"Bat bigla kang nawala? Diba sabi ko sayo para sayo yun bunso?" Tanong nya sakin. Amp. Bat bunso? Napakagat ako ng labi ko.

"Biglang kasing s-sumakit yung ulo k-ko." Utal kong sagot na hindi padin ma ka tingin sa kanya. Ano na Lia? Kumalma ka nga!

"Talaga? Patingin nga." Sabi nya at lumapit ng konti at nilagay ang kanyang palad sa noo ko. Hindi pa nalalapat ang palad nya ay nagulat na ako. Sa gulat ay napaatras ako dahilan para may maapakan akong di ko alam kung anong pesteng bagay yon.

"AAAAH!" Sigaw ko at napapikit nalang hinihintay na matumba ako. Lia naman bat ang clumsy mo?!

Naghintay ako ng 5 seconds na mahulog ako sa sahig pero bakit wala?

Minulat ko ang aking mata. At pagmulat ko muntik akong atakihin sa puso. Yung mukha ni Kuya Jazz sobrang lapit. Pati hininga nya dama ko pa. Gosh.

Mabilis akong umayos ng tayo. Jusko Lia what are you doing?!

"So-Sorry." Sabi ko at hindi nanaman makatingin sa kanya. Jusko naman yung puso ko ayaw kumalma.

"Bat ka namumula? Hala baka may lagnat ka na? Sana hindi nalang kita inimbitahan dito kung magkakasakit ka lang naman pala." Sabi niya at tuluyan ng nilagay ang palad sa noo ko. Hindi na ako nakapalag.

Paglapat ng kanyang mga palad ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at uminit ang pisngi ko. Tinignan ko sya at halata sa kanyang mga mata ang pagaalala.

Kinuha ko ang kanyang mga kamay sa aking noo.

"O-okay lang ako Kuya Jaz. Alis muna ako ha?" Sabi ko at tumalikod na at hindi talaga ako nag dare na lumingon. Hindi ko kaya. Kasi alam ko pag lumingon ako, tuluyan na talaga akong matutumba sa sahig. Nanginginig na ako sa kaba.

I tried to calm myself kahit alam kong hindi ako makakalma hangga't hindi ako nakakauwi sa bahay. Maaaa! Paaa! Sunduin nyo na ako dito. Anak nyo lumalande na eeeh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Rhythm of My HeartWhere stories live. Discover now