Nagising ako ng maaga para maghanda na, sa eskwela, 4:30 am palang ng umaga kaya naisipan kong magluto ng agahan ko kasi tulog pa silang yaya.
Tiningnan ko ang refrigerator kung ani ang mailuluto ko, nagprito ako ng bacon, itlog at hotdog para sa agahan ko.
"hmmm! Ang bango, ang aga niyo po maam Alexa" sabi ni yaya.
"Ayy yaya, goodmorning po!" bati ko sa kanya.
" Ako na bahala rito Maam Alexa., maghanda napo kayo para sa skwela" sabj ni yaya.
"Kaya mo nayan yaya?" tanong ko sa kanya.
"Opo maam Alexa" ngiting sagot nito.
Umakyat na ako sa kwarto para maghanda, natapos akong mag-ayos ng 6 am kaya bumaba na ako para mag-agahan. Pagkatapos kong mag-agahan ay sumakay na ako sa kotse papuntang school.
"kuya Dante, huwag muna akong sunduin mamaya kuya kasi nay project pa akong tatapusin" sabi ko kay Kuya Dante.
"Ok po maam Alexa" bumba na ako ng kotse saka naglakad papunta sa room ko.Hindi na naman ako nakaligtas sa mga mapanghusgang mata ng mga tao dahil sa itsura ko.
"Balita ko guys anak raw yan ng yaya ng isang mayamang pamilya" bulong ng isang babae sa kaibigan niya.
"Talaga ba?"
"Oo, tapos ang sabi isang kahig isang tuka raw ang pamilya niyan"
"Eh ba't nakapasok yan rito? Eh diba ang mahal ng semester rito?"
"Baka scholar kaya nakapasok"
"Siguro nga, Sa skwater yan nakatira for sure!"
"Oo nga nu!"
"Ewww, kadiri!".
Kung alam lang nila, hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalsng sa paglalakad nang biglang....."A-aray!" napadaing ako sa sakit ng pagkakadapa ko dahil hinarangan nila.
"Ang lampa-lampa naman ng pangit nato" tawa ni Cheska.
"Poor girl, yan ang bagay sayo wierdo!" tawa ni Veronica.
"At san ka naman nakakuha ng mamahaling laptop nato?" mataray niyang tanong sakin.
"Akin nayan!" sigaw ko habang pilit na kinukuha ang laptop sa kanila.
"Bigay to ng amo mo?" mataray na tanong ni Cheska.
" O baka naman ninakaw niya" tawang sabat ni Veronica.
"Ewww! Poor little cheap. Ba't nakapasok ang magnanakaw sa University natin?" mapanghusgang tanong ni Cheska "and I heard na anak ka raw ng isang maid?" mapang-asar na tanong nito sakin.
"N-no!" sagot ko sa kanya "Akin na yang laptop ko!" pilit kong kinukuha ang laptop sa kanya.
"Pano ka magkakalaptop ng ganitong ka mahal na ang poor ninyo! Ninakaw mo talaga to. Guysss listen, from now on mag ingat na kayo dito sa babaeng to, magnanakaw pala kaya ingatan niyo ang mga gamit niyo kung ayaw niyong manakawan!" sabi ni Cheska sakin.
" What is happening here? " isang baritong tanong ng isang lalaki na umagaw ng atensyon ng lahat.
" Zackyyyy? " malanding sabi ni Cheska sa lalaki." She tried to stole a laptop" sabi nito sabay kapit ng braso kay Zack.
"Hindi ako naniniwala sayo" sabay padarag na kinuha ang kamay ni Cheska sa braso niya.
"It's true, diba guys?" tanong ni Cheska sa mga tao.
"I saw everything Cheska, as a President of this University ay ayokong may gulo na nagyayari rito, give me the laptop" seryosong sabi ni Zack.
"Here" inabot niya ang laptop kay Zack saka tumingin sakin. "Hindi pa tayo tapos!" pinandilatan niya ako saka umalis.
"Are you okay?" baling ni Zack sakin.
"A-ayeah, thank you" sagot ko naman.
"Ms. Alexa?" tanong nito sakin.
"A-ah Oo" ikli kong sagot " Thank you ah, kung di dahil sayo di na ako tatantanan nun."
"You're welcome atsaka ang ayoko sa lahat ay ang nambubully ng kapwa niya, estudyante." sabi nito saka ngumiti.
Nahihiya akong tumingin sa kanya dahil sa pagtatanggol niya sa akin.
"Here's your laptop" saka abot niya sa akin ng laptop.
"Thank you ulit ah, kailangan ko nang umalis kasi late na ako" paalam ko sa kanya saka umalis papuntang room.
BINABASA MO ANG
Be With You (On-going)
RomanceHow about one day mainlove ka? Pano kung mainlove ka sa maling tao? Sa maling lugar? Sa maling oras? At pano kung isang araw ay nahulog kana at di mo na kayang bumitaw. What would you do?