Dinala ako ni Zack sa isang kainan na malapit sa school"Pasensya na kung dito kita dinala alam ko kasing di kapa kumakain" sabi nito.
"Okey lang, dapat nga ay magpasalamat pa ako sayo eh" masayang sabi sa kanya.
"Ito may dala akong extrang t-shirt" alok nito sa akin.
"Naku, hindi na' nakakahiya" nahihiya kong sabi.
"Kunin mo na to saka madumi na ang uniform mo" tukoy nito sa uniform na namansahan ng milktea.
Inayos ko ang aking salamin "Salamat, sige' magpapalit lang ako" sabi ko saka nagtungo sa restroom para magbihis.
Kulay puting V-neck shirt ang pinahiram nito sa akin, bumagay naman ito sa sout kong palda.
"Buti medyo kasya sakin" ngiting sabu ko sa kanya.
"T-tama lang sayo at bagay rin, bakit di ka mag-ayos? For sure bagay na bagay sayo' maganda ka naman" sabi nito.
Hindi pa ako nakatatanggap ng compliment sa ibang tao maliban sa family ko, feeling ko tuloy ang pula-pula na ng mukha ko.
"A-eh! Wag kang magptawa alam naman nating dalawa na ang pangit ng itsura ko"
"Hindi ah' mag ayos ka lang" sabi nito at saka pumunta sa counter para mag-order. Nagpatukoy ang pagkukwentuhan namin ng kumakain' mas lalo ko pang nakikita ang kaibaitan niya. Gwapo na nga siya mabait pa' naputol lang ang pagkukwentuhan namin nang mapansin kong paparating na ang oras ng klase ko.
"Zack'thank you ulit sa pagtatanggol at pagpapahiram saking ng damit" sabi ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Wala yun, sige dito na ako liliko ah' dito kasi room ko" paalan nito sakin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad para makarating sa klase at buti narin ay wala pa ang guro namin. Napag-alaman ko na 3rd year college na pala siya at ang parents niya ay nagpapatakbo ng isang kompanya.
Natapos na ang dalawa ko pang klase ay naisipan ko nalang umuwi at sa bahay nalang tatapusin ang project ko dahil kung sa cafe pa ako tatambay ay pag-iinitan na naman ako ng mga alipores ni Cheska.
Nakauwi na ako sa bahay at nagpahanda ng mirienda kila yaya at dumiretso na ako sa kwarto, sinimulan ko ng gawin ang mga project at assignment ko para maipasa ko na bukas.
Pagkatapos kong gumawa ng projects at assignment ko ay kinuha ko ang t-shirt na pinahiram sa akin ni Zack, pinalabhan ko ito kay yaya para maisauli ko na rin bukas.
Ewan ko kung pakitang tao ba ang ginagawa o ano, it's doesn't matter kasi feeling ko talaga ay natural na iyon sa kanya' kailangan ko lang siguro na makilala siya ng lubos para ma-convince ko ang sarili ko na mabait talaga siya.
AN:PASENSYA NAPO SA MGA ERRORS., THANK YOU PO SA NAGVOTE AT NAGCOMMENT <3
BINABASA MO ANG
Be With You (On-going)
RomantizmHow about one day mainlove ka? Pano kung mainlove ka sa maling tao? Sa maling lugar? Sa maling oras? At pano kung isang araw ay nahulog kana at di mo na kayang bumitaw. What would you do?