4. Mas higit pa
{DENIEL}
Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad papasok ng campus, kahit na hindi agad ako nakatulog kagabi sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko.
I don't know, I'm just happy this morning.
I was going to take a step in our building when I saw Kent, hindi kalayuan mula sa pwesto ko.
Ang bilis talaga ng mata ko pagdating sa kanya. "You're so obvious, Den." napapailing na bulong ko.
Nakaupo siya sa bench habang nakikipag-usap kay...Jhenessa?
I frowned when I saw Jhenessa burst into a laugh while teasing Kent. Nanatili ako sa pwesto ko, at tahimik na pinanuod sila.
Hindi ako na-inform close pala sila? Kailan pa? I'm really outdated.
Anong pinag-uusapan nila?
Nakita ko kung paano nanlaki yung mga mata ni Kent sa kung anumang sinabi ni Jhe. Mas lalong napakunot yung noo ko ng makitang tinakpan ni Kent yung bibig ni Jhenessa, at pinipigilan itong magsalita.
"Is he blushing?" hindi makapaniwalang bulong ko.
Napansin kong namumula si Kent habang tinatakpan parin niya yung bibig ni Jhe, samantalang nanlalaki naman yung mata nung kausap niya, at hindi na napigilang tumawa.
Lumingon-lingon si Kent sa paligid, is he making sure that no one can hear their conversation? I rolled my eyes.
Bago pa dumako yung tingin niya sakin, agad na akong naglakad papasok ng building.
The great Kent, ang galing talagang hanapin ang kiliti ng mga babae!
"DEN, WAIT FOR ME!"
Napalingon ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
Patakbong lumapit si Khalil sa akin, ngumiti nalang ako sa kanya at sabay na kaming naglakad.
Umupo ako sa upuan ko ng nakabusangot, samantalang kanina lang ang saya-saya 'ko.
Tama nga yung sabi nila, wag masyadong maging masaya dahil baka kasunod nito ang isang kalungkutan babalot sayo.
Bwesit!
"Deniel?"
"Kairita! Ano ba?"
"Uy! Chill, ang intense mo naman."
Magkasalubong ang kilay kong nilingon si Aljohn.
"May message ka oh. Kanina pa nagvivibrate yung phone mo."
Natatawang sabi niya habang tinuturo yung phone ko sa ibabaw ng armchair.
I just close my eyes in annoyance before I grab my phone to check it.
Masyado na atang free occupied yung utak ko dahil sa nakita ko kanina, nakakawalang-ganang ituloy ang araw na 'to.
~2 messages received~
Tug dug
My heart skips a beat before I read the messages.
From: Boyfie
7:45 am
Ang aga mong pumasok ah. Ang fierce pa nung mukha mo nung nakita kita, may nangyari ba? Share ka naman.
BINABASA MO ANG
Instant Boyfie (Ongoing)
RomanceGive your bestfriend a textmate and pretend to be an admirer because there's nothing you can do? But what if you made a mistake and put a different number in her contacts? Can you deal with the unexpected circumstances that leads into a deeper outco...