Kabanata 5

263 152 143
                                    

5. Panandalian

{DENIEL}

"Akala ko ba aattend ka?" takang tanong ni Roxie.

Bumuntong hininga ako, at tsaka hinawakan yung straw ng coke float na binili namin.

"Not sure, parang tinatamad akong umattend. Total wala naman akong ka-date." nakasimangot na sabi ko.

Bigla naman niyang hinampas ng kamay niya yung mesa.

"Hoy babae, acquiantance party yun! Pwede ang mga single na katulad natin, itsusera. Hindi yun prom okay!?" she yelled at me.

I just pouted, nakapangalumbaba 'ko siyang tiningnan.

"Wala akong susuotin." I said monotonously.

She raised her brow, "Stop lying. I saw that you uploaded your dress on your ig, sinong niloko mo? Halata namang masyado kang excited, pati ticket hindi mo pinalampas."

Napafacepalm nalang ako dahil sa sinabi niya.

Oo nga pala, I forgot na in-upload ko pala yung ticket at susuotin ko nung kakakuha ko palang nung ticket. Malay ko bang magbabago yung isip ko.

"Besides, may attendance at grade yun diba? Kakasabi mo lang sa'min nung nakaraan. You forgot?"

Umiling nalang ako sa tanong niya.

Nandito kami ngayon sa Huggle Hub ni Roxie, I'm not yet ready to face Jhenessa right now. Niyaya ko si Roxie because I told her na may importante akong itatanong sa kanya.

Hindi ko naman matanong agad sa kanya, dahil baka mamisunderstood niya yung tanong ko. Ang hirap tyumempo!

"By the way, bakit ako lang niyaya mo dito? Hindi mo tinawagan si Jhe?" she asked curiously.

Napalunok naman ako, hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko naman talaga siya tinawagan. Wala akong balak na kausapin siya ngayon.

"H-Huh? Ano kasi─she's n-not answering her phone, siguro b-busy lang siya." palusot ko, at sumipsip ng todo-todo sa inumin ko.

I hope she didn't noticed that I'm lying, dahil sa nauutal ako.

Ang obvious ko talaga!

"Hmm, siguro nagreready siya para mamaya." tumatango-tangong sambit kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Nagreready? For whom? Para kay Kent?

Tsk!

"Nagreready? Ang aga pa para magready, baka may ibang pinagkakaabalahan." I muttered sarcastically.

Roxie burst into laugh, "Bitter mo ah! You know, hindi sa lahat ng bagay mayayaya natin si Jhe sa gala natin. Usually, sa mga magkakaibigan hindi maiiwasan yung mga secrets. Malay mo may kahati na tayo sa oras ni Jhe, that's why she can't always be with us. Lahat nagbabago, even your friends na matagal mo ng kakilala."

Instant Boyfie (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon