CHAPTER 1: Numeró De Letra

11 0 0
                                    

Kasalukuyang nagkaklase kami ngayon lahat may kanya kanyang ginagawa kahit na nagtuturo sa harap si Ma'am Reyes ang aming science teacher. Ni-isa talaga walang nakikinig sakanya kahit na ako tamang cellphone lang sa harap n'ya.

"Ano ba Thalia lakas ng loob mo para mag cellphone sa harapan ko?!" Sigaw sa'kin ni Ma'am Reyes. Nasabi kona ba na Terror s'ya?

Dahil sa pagka terror n'ya sa mga estudyante ang iba ay takot ang iba naman ay binabastos s'ya.

"Sorry po ma'am" Ang tangin sagot ko sakanya sapagkat nanlilisik ang tingin nito sa'kin na para bang gusto akong patayin ng de oras

"Dahil ikaw ang di nakikinig sa lesson ko ngayong araw, sagutin mo tong tanong ko!" Talaga? Ako lang ba ang hindi nakikinig sakanya paano naman ang iba?

"Ahh ehh ano ma'am?" Utal utal na sagot ko sakanya

"Anong aah eeh, stand up Thalia" Agad naman akong tumayo

"Who is honored as Father of Modern Chemistry?" Ang tanong sa'kin. Really? Ang dali sa'kin nito

"Antoine Lavoisier po ma'am" Sagot ko sakanya

"Naka tsamba ka lang Thalia, please sit down" Ang tanging tugon nito at ako'y naupo na

-

Huling subjects na namin at ilang minuto na lang at mag uuwian nadin kami nag biglang tumunog ang bell dahilan yun para maglabasan ang lahat.

Pag-labas naming lahat ang iba ay nagsigawan ang iba nandidiri sa nakikita.

Si Ma'am Reyes na ngayon ay nakasabit sa stage may tusok ang mata, may nakasabit din sa leeg nito na papel at may nakasulat na "17,14,14,12,1"

Biglang may boses na lumabas sa bawat speaker na nakapaligid "unlock the code kung ayaw n'yo na mawala s'ya"

Agad namang sumigaw si Ma'am Alfonso "puntahan nyo agad ang control room at huliin kung sino ang taong yun!!"

Agad-agad namang nagtakbuhan ang mga security guards para huliin ang taong yun pero nung pagbalik nila "Ma'am wala namang tao dun ang tanging nandun ay itong lapel na nakaplay at may nakapasak na flashdrive"

"Tumawag na kayo ng pulis!" Sigaw ni Marian, siya ang aming president ng klase at honor student din.

Ilang minuto lang nagsigawan nanaman ang lahat sa may Room 1, agad-agad naman namin tinakbo ito ng mga guard pagdating doon naabutan nalang namin na nakahiga na si Ma'am Alfonso, bumubula ang bibig at sa tabi nito ay ang kanyang gamot. Sa blackboard naman ay may nakasulat na "Sabi ko naman sa inyo unlock the code para mailigtas siya" may nakitang papel din sa lamesa at merong mensahe doon "Walang tatakas, walang tatakbo, walang tatawag kundi lahat kayo ay sasabog. Nasa paligid n'yo lang ako, nakamasid at pinapanood kayong mga laruan ko."

Si Marian! Ang sigaw ng aking mga kaklase "nawawala!" Dagdag pa ng ilan

"Baka kinuha na s'ya?"
"Oo nga, binalak n'yang tumawag diba?"
"Sabi ng killer nandito lang s'ya, baka nga kinuha na?"
"O baka naman s'ya ang pumapatay?"

Lahat ay gulong gulo na, ang gate ng school ay kandado narin, dahil sinubukan itong buksan ni Sr. Gonzales ang aming P.E Teacher

"Room 1" Ang sabi ni Enzo

"Anong Room 1?" Tanong ko sakanya at ng lahat

"Ang nakasulat sa papel na nakasabit kay Ma'am Reyes" Sagot nito saamin?

"Paano, Enzo?" Tanong kong naguguluhan

"17 ang unang number if ginawa mo itong English alphabet ay letrang R s'ya, ang sumunod ay 14 letrang O naman, ang 12 ay M ang 1 ay 1 talaga" Paliwanag sa amin ni Enzo

"So bali ang 17 ay R, dalawa ang number 14 kaya dalawang O din, ang 12 ay M, kaya naman ang word ay ROOM at ang natirang number na 1 ay 1 na mismo? Kaya Room 1?" Ang tanong ko kay Enzo

"Tama ka Thalia, ROOM ang word at ang 1 ay ang mismong section. Advisory class ni Ma'am Alfonso" Paglilinaw nito. "Kaya si Ma'am Alfonso ang sumunod na target" Dagdag nito

"Alam ko na ang laro ng killer, kailangan natin masagutan ang bawat code para mailagtas ang target" Singit ni Josh na isa ring honor student sa aming klase.

"Ganun na nga, Josh" Pagsang-ayon ni Enzo

"Mga bata lahat kayo magsipasok na sa room n'yo" Ang Principal namin na si Dr. Gonzales "Dahil di tayo makalabas at bawal tumawag dahil sa banta ng killer" Dagdag pa nito

"Kayong mga guard hanapin nyo kung may bomba talaga sa eskwelahan na'to, para makatawag na tayo ng pulis!" Si Sr. Robles ang aming Math teacher. "Opo Sr.!" Sagot ng mga gwardiya sakanya.

-

Lahat kami ngayon ay nasa kanya-kanyang room na. Ang mga bangkay naman ni Ma'am Reyes at Alfonso ay nasa stage at tinakpan na lang ng kurtina na galing sa aming bintana.

"Hanggang ngayon wala parin si Marian?" Tanong ni Lance ang aming escort

"Baka siya talaga ang killer?!" Sigaw na patanong ni Tyler ang badboy sa aming klase

"Wag n'yo naman husgahan agad!, baka napahamak lang dahil binalak n'yang tumawag kanina ng pulis" Singit ni Cooper ang Muse ng aming klase

"Bahala kayo! Binalaan kona kayo! Basta ako magiingat pag nakita ko si Marian!" Ang tanging tugon na lang ni Tyler

-

Lahat ay tahimik na. 10 am na ng gabi lahat ng teacher ay nagmamasid, ang dalawang guard patuloy parin hinahanap ang sinasabing bomba.

-

Malalim na ang gabi lahat kami ay gising parin walang kibuan, tahimik ang lahat ng makarinig kami ng sigaw sa dulo ng hallway malapit sa comfort room.

"Kilala ko ang boses nayun! Si Marian yun!" Banggit ni Moira na matalik na kaibigan ni Marian.

"Puntahan natin Marian! Parang awa n'yo na!" Paulit ulit na sinasabi ni Moira

Agad namang pinuntahan ni Enzo at Josh

"Sama ako Enzo!" Pagpupumilit ni Moira habang naiiyak na

"Dito lang kayong lahat!" Sigaw ni Enzo "kaming dalawa na lang ang pupunta ni Josh" Dagdag pa nito

"Hindi! Gusto ko sumama!" Ang sigaw ni Moira kaya naman napilitan nalang na isama s'ya ni Enzo

-

Enzo POV

"Josh, Moira tara na" Aya ko kay Josh at Moira dahil wala naman ang mga guro nasa kabilang building pa naisipan ko na kami na lang ni Josh ang pumunta

Nandito na kami sa pinto

"Marian nandyan kaba?" Tanong ni Moira habang kinakatok ang pinto ng CR

"Moii..Moiraaa, i..ikaww ba..yaaaann?" Boses ni Marian na nanginginig

"Hintay Marian, bubuksan namin ang pinto!" Pilit na binubuksan ni Moira ang pinto pero, kulang na lang sirain n'ya ito para mag-bukas

"Enzo! May papel" Banggit sa'kin ni Josh at pinulot ang papel

"Anong nakasulat Josh?" Tanong ko sakanya

"Wait babasahin ko, GUSTO NIYO BUKSAN ANG PINTO? UNLOCK THE CODE PARA MAKUHA NIYO ANG SUSI NG PINTO AT MAKUKUHA NIYO SI MARIAN NG BUHAY. BUT REMEMBER HANGGANG 7PM LANG NG UMAGA!!"

"Ano ang code Josh!" Sigaw ni Moira

"Wait ito na, 13,8,7_,25,14,20,11,12,7,11" Pagkatapos basahin ni Josh ang code agad naman naming inisip kung ano ng word.

"Mahaba pa ang oras 2am palang kaya natin yan!" Pagmamadali sa'kin ni Josh

"Bilisan niyo Enzo! Ayaw ko pa mamatay!" Sigaw ni Marian na nasa loob parin ng CR

"Bilis Josh at Enzo!" Sigaw naman ni Moira habang umiiyak at nag-aalala.

Code of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon