CHAPTER 3: Primer Juego

9 0 0
                                    

Moira POV

Inaantay namin ngayon sila Josh at Enzo para kunin ang susi sa bangkay ni Mrs. Alfonso pero ilang minuto na lang mauubos na ang aming oras

"Nahanap n'yo ba Enzo at Josh?" Tanong ko sa kanilang dalawa ngunit tumango lang sa'kin si Enzo at sabay takbo kung nasan si Marian

Pero huli na, huli kami ng dating si Marian ay wala na

Violet POV

Andito ako sa ROOM 2 patuloy silang nag-uusap kung paano nila malalaman kung sino ang pumapatay

"Sino ba ang pumapatay? Bakit n'ya ginagawa sa'tin ito?" Tanong ni Cooper sa lahat

"Hindi ko din alam, hindi natin alam" Sagot naman ni Lance

"Wala na sya, di kami umabot" Si Enzo na nakatayo ngayon sa pinto na bakas sa mukha ang lungkot. Si Josh na tila iiyak na at si Moira na di na napigilan ang luha

"Anong nangyari kay Marian? Anong ibig mong sabihin na di umabot?" Tanong naman ni Thalia sa kanila

"Hindi kami umabot sa oras, ang gusto ng killer bago mag 7am dapat nakalabas na s'ya ng cr. Minuto lang ang huli namin, pagbukas namin ng pinto wala ng buhay si Marian laslas ang leeg tila bang matatanggal na ang ulo nito" Sagot ni Josh

"Grabe naman pumatay ang killer parang di tao" Saad ni Cooper

"Asan si Tyler?" Tanong ni Thalia sa lahat

"Mag c-cr daw s'ya sa baba sabi n'ya" Sagot naman ni Lance

"Tyler talaga may sariling mundo" Saad naman ni Cooper

Habang nag-uusap usap ang lahat may pumukaw sa aming atensyon isang putok ng baril galing sa school ground

Agad-agad kaming nagbabaan upang silipin kung ano yun. Ang dalawang guard patay na tig-iisang tama ng baril sa ulo.

Hindi namin naabutan kung sino gumawa pero hindi lang yun may putok nanaman ng baril galing sa ROOM 3 kabilang building at ang sunod naman ay ROOM 4 katabi lang nito. Tinakbo agad namin ito

Ang advisory ng ROOM 3 at 4 ay wala ng buhay pero laking gulat namin si Sir. Robles may hawak na baril

"Sir Robles? Ikaw ang pumapatay?" Tanong ko sakanya

"Hindi ako Violet, napag-utusan lang ako ng nakatataas kung hindi ko gagawin papatayin niya ang pamilya ko, mas mabuti na kayo na lang mamatay kaysa ang aking pamilya" Sagot nito sa'kin

Akma na niyang itututok samin ang baril ngunit binato s'ya ng upuan ni Enzo dahilan yun para mabitawan n'ya ang hawak n'yang baril.

Agad naman pinulot ni Josh yun at agad itinutok kay Sir Robles

"Iputok mo na Josh, lahat naman tayo mmamamatay, diba?" Saad ni Sir Robles

"Sino ang nag-utos sa'yo?" Tanong ni Josh

Biglang may pumutok na baril at agad natumba si Sir Robles. "Ako ang ang nag-utos Josh" Isang boses ng lalaki

"Tyler?!" Sigaw naming lahat

"Bakit Tyler? Anong nagawa namin?" Tanong ni Thalia

"Wala naman My Baby Thalia" Sagot naman nito

"Oh Violet nandito ka pala" Tila bang gulat n'yang pagkakita sakin

"Bakit mo nga ginagawa to? Tyler?" Tanong ko sakanya

"Bakit di n'yo tanungin si Josh?" Saad nito na aming ikinagulat

Sabay sabay namin nilingon si Josh at ang baril na nakatutok kanina kay Sir Robles ay saamin na ngayon nakatutok

"Galing ko ba umarte? Sino ang nag-utos sayo Sir Robles? Pano ang gagawin sa code na'to Enzo?. Lahat yun arte lamang parte ng aming palabas" Saad ni Josh

"Bakit n'yo ginagawa ito?!" Tanong ni Enzo na akmang sasapakin si Josh ngunit agad naman syang pinaputukan na agad n'yang ikinamatay

"Anong balak natin sa dalawang ito Josh?" Tanong ni Tyler sakanya

"Dalhin sa control room, Ang CODE OF DEATH ay magsisimula na" Sagot ni Josh

Agad kaming nawalan ng malay ni Thalia dahil sa baril na hinampas sa aming batok.

Code of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon