Yuki POV
Hindi kona alam kung anong nangyayari sa dalawa naming kasama na si Lance at Moira, simula nung bumaba sila isang oras na ang nakalipas wala na kaming ideya.
Nakarinig pa kami ng putok ng baril na mukhang galing sa bodega likod ng stage namin. Kaming natitira dito na wala talagang kay ideya-ideya kung ano ba meron sa laro na'to
"The Next Game will start soon" Tinig nanaman ng isang lalaki na lumabas sa bawat speaker.
"Ano ba ang gusto n'ya?" Tanong ni Tantan na di rin mapakali mula kanina pa.
Wala naman kaming kibo sa tanong n'ya, nag-aantay na lang ng sunod na mangyayari
—
Josh POV
Ano na Violet at Thalia, ready naba kayo sa sunod na laro?
"Kahit ano pa yan Josh, magiging handa kami!" Sigaw na pasagot ni Violet.
"Don't be mad, madali lang to baby girl" Banggit ko sakanya na nakangisi.
"Fvck Josh, don't call me baby" Sagot nyang pataray sa'kin
"Watch your words Violet, baka pasabugin ko ulo mo gamit tong baril na hawak ko" Tanging sagot ko sakanya at nag-aannounce na sa natitirang mga laruan ko.
"The Game Will start soon"
—
Tantan POV
Anong gagawin natin, ang laro n'ya ay magsisimula nanaman. Sino ang sunod na pabababain n'ya sating apat na natitira.
"Wala ng ba-baba, dahil ang laro ay magsisimula na rito." Sambit ng isa naming kasama.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya
"Dahil isa ako sakanila Tantan" Sagot n'ya sa'kin na nakangisi pa.
Biglang may pumasok saming room. Si Tyler na may hawak na baril, "Ready naba sila, Syzy?" Tanong nito.
"Sa palagay ko Tyler, ready na sila" Sagot naman nito kay Tyler.
"Magkasabwat kayong dalawa? Mga traydor!" Sigaw na patanong ko sakanila.
"Nope. Tantan, di lang kaming dalawa. Malalaman mo din kung sino ang iba, just wait bro." Sambit nito sa'kin
May naramdaman na lang ako na may pumalo sa'king batok, ganun din sa tatlo kong kasama. Ay hindi na pala tatlo. Dalawa na lang dahil si Syzy ay isa din sa pumapatay.
—
Syzy POV
How cool plan it is. Lahat natutupad sa plano, lahat sila nauto namin.
"What's the next plan Syzy?" Tanong sa'kin ni Tyler
"I don't know Tyler, Ask Josh" Tanging sagot ko sakanya
Agad-agad naman naming hinila ang katawan nila Tantan at Kate, dahil dalawa lang kami iniwan muna namin ang katawan ni Yuki at babalikan na lang.
Dinala namin sila Tantan at Kate kung nasan si Moira– sa bodega.
"Grabe pa tayo pumalo, Tyler?" Tanong ko sakanya
"Aba'y ewan ko sayo, siguro oo. Dahil hanggang ngayon tulog padin sila sa sobrang layo ng pagkakahila natin sakanila" Sagot nito sa'kin.
Agad naman kaming bumalik sa room para kunin ang katawan ni Yuki, ngunit pagdating namin dito wala kaming Yuki na nakita.
"Akala koba hinampas mo din s'ya sa batok, Syzy?" Tanong sa'kin ni Tyler na nagagalit.
"Oo, sigurado ako! Nilakasan kopa nga dahil may inis ako sakanya" Sagot ko.
Hinanap naming dalawa ni Tyler si Yuki, baka kasi nagtago lang s'ya kung saan. Baka kami pa ang mayari kay Josh dahil may kapit din ito sa taas.
Gabi na ngunit di parin namin s'ya nakikita.
"Syzy, tigil na muna. Simulan na muna natin ang plano, lalabas din ang daga sa lungga" Sambit ni Tyler.
Agad-agad naman akong sumunod, pumunta kaming bodega para simulan ang sunod na plano o laro kung tawagin.
—
Yuki POV
Arrghh wala na sila, kailangan ko makaalis sa room na'to at saan naman ako pupunta? Sigurado hahanapin nila ako.
Hindi nila alam, habang pababa sila na kasunod lang ako sa likod nila, hanggang sa makarating sila sa likod ng stage. At ako dito na nagtago sa ilalim ng stage. Ang stage kasi namin ay may butas na tinabingan lamang ng kahoy. Isipin mo yun kung gaano sila katalino sa plano nilang pagpatay, ganun naman sila kamangmang para hindi maisip ang ilalim ng stage eh sila ang nagturo sa'kin nito noon. Idiot peoples.
—
Iniklian ko muna guys.
BINABASA MO ANG
Code of Death
Mystery / ThrillerWhat if na trap ka sa isang school na ang killer ay magaling sa code at kapag hindi mo na sagot ikaw ay mamamatay kahit di mopa oras.