Sir Robles POV
"Ano Tyler, nakakahalata ba sila sa'yo?" Ang tanong ko kay Tyler na aking kasama ngayon sa opisina
"Hindi naman Sir Robles, may ipapagawa ako sa'yo" Ang sambit naman nito sa'kin
"Ako uutusan mo? Dapat ikaw ang gumawa n'yan!" Ang sigaw ko sakanya
"Kahit kapalit buhay ng pamilya mo? Alam mo naman Sir Robles kung sino ako, Badboy ako sa amin at may mga Gang ako sa labas na pwede kong tawagan para ipatira ang pamilya mo" Banggit n'yang nakangiti sa'kin
"Wag mo idamay ang pamilya ko, sige susundin kona ang utos mo" Ang tanging sagot ko sakanya
"Hindi naman sakin ang utos na ito, sa nakatataas" Saad n'ya habang nakangisi. "Patayin mo ang Advisory teacher ng ROOM 3 and 4, pakipatay nadin ng Guard tanggal sagabal" Dugtong nito at sabay labas ng opisina
Nakatataas? Ang akala ko ba kaming dalawa lang ang may plano sa larong ito? Sino naman kayang nakatataas yun
Daming tanong sa'king isipan di'ko namalayan nasa labas na pala ako ng aking opisina
Ang una kong ginawa tinawag ang dalawang guard, kinausap ko sila. Kunwari hihiramin ko ang isang baril para sa proteksyon ko at sa aking mga bata, nung binigay na ang baril sakin dun ko na sila binaril sa ulo
Sunod kong tinungo ay ang ROOM 3 and 4 naabutan ko naman ang mga teacher dun tinanong pa'ko "Anong nangyare, ba't may putok at may hawak kana baril?" Ang tanging sagot ko pinatay ko lang naman ang sagabal at kayo na ang aking sunod. At dun ko na sila binaril
"Sir Robles, ikaw ang pumapatay?" Tinig ni Violet at may kasama syang kaibigan
"Hindi ako Violet, napag-utusan lang ako ng nakatataas kung hindi ko gagawin papatayin niya ang pamilya ko, mas mabuti na kayo na lang mamatay kaysa ang aking pamilya." Tanging sagot ko sakanya
Itutok kona sana sakanila ang baril ngunit binato ako ng upuan ni Enzo dahilan yun para mabitawan ko ang aking baril na pinulot ni Josh
"Iputok mo na Josh, lahat naman tayo mamamatay, diba?" Tanong ko sakanya 'di nako magtataka kung gagawin kang kakuntsaba ni Josh alam ko ang sikreto n'yo magkapatid kayo sa ina
"Sino ang nag-utos sayo?" Tanong sa'kin ni Josh
Galing umarte
At nawalan na'ko ng hininga
—
Moira POV
"Asan na sila Enzo bakit di pa bumabalik" Tanong ko sakanila
"Hindi namin alam, hindi lang tatlong putok ang narinig natin kundi apat, baka napahamak na sila" Sagot naman ni Lance
"Halina't lumipat kayo sa ROOM namin andun ang iba kong kaklase" Aya ng isang lalaki, Si Tantan ang escort ng ROOM 1. Na agad naman naming sinang-ayunan
Andito din pala si Yuki, Syzy at Kate mga kaklase n'ya
Nag-uusap usap kami ng biglang may nagsalita mula sa bawat speaker na nakapalibot sa eskwelahan
"Ang laro ko'y magsisimula na, kung gusto n'yo mailigtas ang kaibigan n'yong si Thalia at Violet, sundin n'yo lang ang bawat ipapagawa namin"
Sino ang nagsasalita? Tanong ko sa sarili ko
"Code of Death are now officially start" Saad ng isang misteryosong boses ng lalaki
"Hawak nila si Thalia at Violet, kailangan natin sila iligtas" Saad ni Tantan na bakas sa mukha ang pag-aalala
"Pero paano?" tanong ni Syzy
At nagsalita nanaman ang misteryosong lalaki mula sa control room
"Are you ready para sa ating unang laro?"

BINABASA MO ANG
Code of Death
Misteri / ThrillerWhat if na trap ka sa isang school na ang killer ay magaling sa code at kapag hindi mo na sagot ikaw ay mamamatay kahit di mopa oras.