CHAPTER 2
"Sir ahhhmm hindi po kasi ako pwede ngayon."
"Lunch or your fired?"
"Lunch sir."
"Great!"
"Oh ano naman ngayon ang parusa mo dalia daldalita?" ganyan talaga yang bestfriend ko daldalita tawag sa akin.
"Lunch with sir, alam mo kakahalata na ako sa mga parusang binigay sa akin ng mga officemates natin ha? may maglagay daw ba ng lunch?!" ngumisi siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Hehe daldalita ako naglagay ng lunch with sir Bermudo hehe!" nakuuuuuu babatukan ko na sana tong babaeng to pero umiwas at nagulat naman ako sa tumawag sa akin --- si sir.
"Dalia!"
"Yes sir?"
"Come with me." pumunta sya sa elevator kaya sumunod naman ako. sinenyasan ko naman si Debbie na humanda siya sa akin mamaya.
***
"Ahhmmm sir salamat po sa pag hatid, gusto niyo po pumasok muna sa loob ng bahay?"
"Ok you wouldn't not mind if I say yes right?"
"No, not at all sir, pasensya na po kung magulong bahay ang maabutan niyo sir."
"Ma!" sigaw ko agad, naabutan ko kasi si mama na nakasalampak sa sala at lasing na naman.
"Anak andyan ka na pala." tumayo si mama pero pa gewang gewang.
"Ma umayos ka nga may bisita po ako." tumingin siya kay sir na nakatayo sa tabi ko.
"Good evening po." sabi ni sir.
"Oh kamusta naman araw mo anak, may sweldo ka na ba?" inilahad ni mama ang kamay niya, ganyan yan pag lasing akala mo laging payday.
"Mama malayo pa po ang payday, to talaga dumiretso na po kayo sa kwarto niyo." nilingon ko si sir ampanget nga ng timing ko na ayain sya na pumasok sana hindi ko na lang siya inaya =_=.
"Ay siya nga pala anak, kung sino man yang kasama mo---bagay kayo." pumasok na si mama sa kwarto, nakuuuuuuu nakakahiya kay sir!
"Pasensya na po talaga sir sa bibig ng mama ko, gusto niyo po ng kape?"
pinaupo ko si sir sa sala at nagtimpla ng kape, narinig ko naman na kinakausap ng nakababata kong kapatid si sir.
"Kuya ilang taon na po kayo?" sabi ni Dylan.
"Ahhh 28 na ako."
BINABASA MO ANG
Overnight in the office with my Greedy Boss
Storie d'amoreOvernight? sino naman ang kasama? What?! kahit kanino basta wag lang sa boss ko!