Kabanata 3

6 0 0
                                    

Battlefield Called Love

Ruth Cassandra's POV

"Inay,Itay?!!!Asan na po kayo?!!"sigaw ko habang naglalakad sa gubat.

Hinanap ko sila sa mga punong kahoy.Nagtatagu-taguan lang naman kami ah.Pero bakit biglang dumilim ang paligid at nanlalagas ang mga dahon na nasa mga puno.Nakita ko na ang anino nina Inay at Itay.

"Inay!Ta--"

"Ruth wag kang lalapit!"

Nakakapagtaka naman ang sinabi ni Inay.Bakit niya ako pinigilan?Yayakapin ko lang naman siya ah.

"Ruth,subukan mo papatayin kita!"

Nagulat ako sa sinabi niya.Hindi ko aakalaing masasabi niya iyon sa akin.Bakit?Minahal ko naman siya ah!Saan ba ako nagkulang?Pinagsasaing ko at pinagluluto ko naman siya nang patis na paborito niya,umiiyak na lang ako kapag pinapagalitan niya,minahal ko naman siya ah,pero bakit nasabi ni Itay yun sa akin.Ano pa ba ang gusto niya.Nakatulala lang ako sa nanay ko na umiiyak habang hinahalay ng tatay ko sa harapan ko.Umiiyak si nanay.Teka,hindi pwedeng umiyak ang nanay ko.Walang may karapatang magpa-iyak sa nanay ko.

"I-Itay,t-t-tama na p-po...P-Parang a-awa niyo na..."

Napatigil si Itay sa ginagawa niyang kababuyan sa Inay ko at napaharap sa akin.

"Ikaw!Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!Kung hindi dahil sa'yo,hindi sana naghirap ang buhay namin ni Aryan!Kung hindi ka lang nabuo,edi sana napakakain ko pa si Aryan ng kung anong gusto niya.Pero p*tang*na ka nabuhay ka pa rin.Dapat hinayaan ka na lang namin ng nanay mo na mamatay sa kakahuyan nang pagkasilang mo.Dapat matagal ko nang ginawa sa'yo to!"

Kumuha si Itay ng baril at itinutok ito sa...noo ko.Kinalabit niya ang gatilyo at bigla na lang...

"Waaahhh!!!"

Napabangon ako at ramdam ko na pawis na pawis ako.Nagising ako sa kama sa bodega na nilinis ko kagabi.Isang panaginip lang pala.Kinuha ko ang salamin ko at hinawi ko ang bangs ko.Nasilayan ko ang marka na iniwan sa akin ng demonyo kong tatay bago ako tuluyang malayo sa kanila.Napatulala ako sa sarili ko habang pumapatak ang luha ko.Sa loob ng maraming taon ay nagtataka pa rin ako kung bakit niya nagawa yoon sa amin ni Inay.Ang huling natandaan ko paggising ko ay yakap yakap ako ni lola at umiiyak.Noong tinanong ko kung anong nangyari sa nanay ko ay wala na siyang naisagot.Hanggang sa araw na ito ay hindi ko pa rin nalalaman kung nasaan ang Inay at Itay ko.Ni hindi man lang ako nakatikim ng pagmamahal mula sa kanila.

Tiningnan ko ang alarm clock ko para malaman kung anong oras na.

'3:00 a.m.'

F*ck.I hate this hour!Sa oras na ito ako binaril ni Itay.Binato ko alarm clock ko sa dingding,buti na lang at hindi nabasag.Napaubob na pang ako at hinintay na makatulog muli.

"Gusto mo bang mahanap ang hustisya?"

Napabangon ako ng may narining akong bulong.

"Sino yan?!"I asked but no one responded.

Ang tanga ko nga naman!Sino ba namang magsasalita sa kalagitnaan ng 3:00 a.m.?Bumangon na lang ako para pulutin ang alarm clock na tinapon ko kanina.

'6:00 a.m.'

What the--Kakaubob ko lang ah.6:00 na agad.7:00 dapat nasa lobby na kami.Dali-dali akong bumangon para maligo at magbihis.Pasalamat na lang ako dahil merong banyo sa bodega.Naligo na ako at pagkatapos nito ay dali dali akong nagbihis.Kinuha ko ang cellphone ko.

Eerie AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon