Her Tears
Lynx Arturo's POV
Limang araw.Limang araw na ang nakalipas ng matapos namin ang misyon.Limang araw nang mapagtagumpayan namin ni Nagisa ang misyon.
At,limang araw din ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Nagisa.
"Okay class,dismiss!"sabi ni Sir Miyu.
Kaagad akong tumayo at kinuha ang gamit ko.
"Mr.Padua,may I talk to you?"
Kaagad akong napalingon kay Sir Miyu.
"Ano po yun,sir?"
"Tungkol kay miss Yoshioka..."
Napatigil ako sa sinabi niya.
"Kumusta na siya?"
"Sabi po ng nurse sir,hintay-hintayin lang daw po natin at magigising na si Nagisa.Naalis na rin daw po yung bala na tumama sa tiyan niya.Yung parte na lang po ng kanyang tainga na naapektuhan ng pagsabog ng bomba ang iniingatan."sabi ko.
"Hindi ba't nabanggit mo na sa kanya na huwag siyang lalabas dahil delikado nga?"tanong ni sir.
"Nasabi ko nga ho.Kaso,kapag walang lalabas,pare-pareho silang mamamatay.Sinabi niya yun sa akin sir.Kaya wala na po kaming magawa.Nahuli rin po ang dating ng mga pulis kaya hindi namin agad napasok ang casino.Ngayon po nakakulong na ang mag-amang Ong at napalaya na po ang mga babaeng ginagawa nilang prostitute lalo na ang mga babaeng taga-EA.Nakabalik na sila sa kani-kanilang tahanan at pamilya.Sa susunod po na taon ay idedemolish na rin ang casino."
"Magaling Lynx.Hanggang ngayon ay humahanga pa rin ako sa ginawa niyong dalawa ni Nagisa.Maaari ka ng umalis."
Dahil vacant naman,pumunta ako sa elevator at pinindot ang number 4.Balak kong bisitahin si Nagisa.
Nang makarating na ako sa fourth floor ay saktong dating nina Ren-Ren,Khen,Archie at Simon.
"Oh Lynx,bibisitahin mo rin ba si Nagisa?"tanong ni Archie.
"Ate Archie naman,di na nasanay.Siyempre,daily routine na niya nga ata yan."sabi ni Ren-Ren at nagpeace-sign.
"Oo,kayo ba?Kay Nagisa rin ba ang punta niyo?"tanong ko.
Agad naman silang tumango.Sabay-sabay na kaming nagpunta sa clinic kung saan naroon si Nagisa.
Nang makapasok ako roon ay kaagad naming hinanap si Nagisa.Kaagad ko naman siyang nahanap.Nakahiga siya sa kaniyang kama.Walang malay.
"Hi ate Nagisa.Ang galing galing niyo po ni kuya Lynx sa misyon niyo.Gising ka na po,ipagluluto ka na namin ng sushi."sabi ni Ren-Ren.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Gising na Nagisa.Nalinisan na ni Sahaya ang kunai mo,pero siyempre hindi ko pinatagtag ang pangalan ng kuya mo."sabi ko at tumingin sa kunai niya na nasa table sa tabi niya.
"Hoy Nagisa,gising na aba.Tama na ang kahihiga at may special exam ka pa."natatawang sabi ni Archie.
"Grabe ka naman ate Archie.Yieee si ate Nagisa pumapag ibig na kay kuya Lynx."
Nagulat ako sa sinabi ni Ren-Ren.
"Khen sabi mo may date pa tayo??"
What the---
"Yiee Khen.Ano yang date na yan ha??"-Archie
"Pare.Napakabata pa ni Ren ahh."-Simon.

BINABASA MO ANG
Eerie Academy
ActionIt's just a normal school,a normal academy...so they thought.Pagkatapak na pagkatapak nila sa akademiya ay napaisip na sila,naguluhan.School nga lang ba ito?You want to know why?Why don't you read their story? Eerie Academy Written by:menmawrites