Broken Dreams
-medyo mahaba po ang chapter na ito-
Ram Lordreik's POV
Matatapos ang rest day namin.Napakasaya ko dahil nakapagrelax man lang ako ng kaunting oras.Papunta na kami sa dining hall para kumain ng dinner.
"Ano kaya ang ulam natin for tonight?"tanong ni Rei.
"Gutom ka nga talaga Rei,onting intay na lang oh.Malapit na tayo sa dining hall."sabi ko at umiling.
"Eh sa anong magagawa mo?Alas-singko tayo kakain dahil alas-nuebe ng umaga ang klase natin bukas.Alas-sais ng hapon tayo lalabas tapos alas-otso tayo kakain.Alam mo namang buraot ako.By the way,anong pakiramdam na master ka?"tanong niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa pinakadulo ng hallway.
"Being a master is not easy.Kahit pa hindi pa nagsisimula ang training namin,ramdam ko na ang pressure.Mabigat na responsibilidad ang kailangan naming ibigay na masters sa prinsipyo namin.Kahit pa sabihing kami ang pinakaginagalang na rank,iba pa rin eh.Ngayon na nabigyan na ulit ako ng pagkakataong maglingkod para sa inyo ay tatanggapin ko na ito at hindi na ulit sasayangin.I won't waste time this time.Even if my life depends on it.I'm ready to die,and if it happens I will be very happy..."
"Dude,tinanong lang kita.Hindi naman ata ako humingi ng autobiography.Atsaka,bakit mo naman gustong mamatay?"tanong niya ulit sa akin.
"Rishalyn Gwynneth..."
"Sino yun Ram?Gf mo?"napakamatanungin talaga ni Rei.
"Mas higit pa roon Rei.She's my princess..."
"Dude are you--"
"Let me tell you a brutal story..."
Flashback
3 years ago...
"Kuya Ram?"
"Asan ka na kuya Ram?"
Napatawa ako ng tahimik sa paghahanap niya.Nagtatago ako rito sa likod ng aparador namin.Ito na lang ang naisip kong paraan para hindi mabagot si Risha.Kami lang kasi ang tao sa bahay.Nasa trabaho pareho ang mga magulang namin.
"Bulaga kuya!"
Nakita na niya ako.
"Galing naman ni Risha.Ikaw naman ang magtago..."sabi ko sa kanya.
Tumakbo agad si Risha papalayo sa akin.She is my little sister.I really love her because she is my wish granted.Hinihiling ko kina mommy at daddy noon na magkaroon ako ng little sister.Ang magandang side is kamukha niya ako.Parang nagcopy paste ka lang sa mukha ko at inilagay iyon sa 7-year old na babae.
Nang matapos na ang oras na ibinigay ko para magtago siya ay kaagad ko siyang hinanap.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap ng makita ko ang teddy bear niya.Nakahiga lang ito.
"Anong ginagawa nito dito?"
Nakaramdam ako ng kaba.Lagi kasi itong bitbit ni Risha at hinding hindi niya ito binibitawan.Hinanap ko na ulit siya hanggang sa mapadpad ako sa attic.Wala.Wala si Risha dito.
Paalis na sana ako ng may marinig akong malalakas na yabag papunta dito sa attic.Naghanap agad ako ng matataguan pero mukhang malapit na ang tao dito sa attic.Kumuha na lang ako ng puting tela na siyang kayang sakupin ang buong katawan ko.Itinalukbong ko ito sa sarili ko,pumunta ako sa hilera ng mga mannequin at nagpose ako na parang mannequin.

BINABASA MO ANG
Eerie Academy
ActionIt's just a normal school,a normal academy...so they thought.Pagkatapak na pagkatapak nila sa akademiya ay napaisip na sila,naguluhan.School nga lang ba ito?You want to know why?Why don't you read their story? Eerie Academy Written by:menmawrites