Chapter 1: Memories of the Past

41 2 0
                                    

[Chapter 1: Memories of the Past]

"There are memories that time does not erase... Forever does not make loss forgettable, only bearable."
-Cassandra Clare

Isang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang ilathala ang kauna-unahang nobela ni Raven Miguel ay naging patok na kaagad ito sa panlasa ng mga mambabasa. Sapagkat ito ay isang true-to-life-novel na tiyak na kahihiligan ng lahat, mapabata man o matanda.

"Congratulations on your first novel, Mr. Miguel," pagbati ng editor-in-chief ng Silver Ink Publishing Company kay Raven. "And thank you for trusting us."

Punong puno ng kagalakan ang nararamdaman ni Raven sapagkat hindi siya makapaniwala na isa na siyang tanyag na nobelista na dati-rati'y pinapangarap lamang niya at mayamaya pa'y inabot niya ang kamay ng editor-in-chief. "Maraming salamat talaga, Ginoong Mercado!"

"A week from now, maglulunsad tayo ng pre-book signing event," turan ni Ginoong Mercado. "What do you think?"

"Sure!" tanging tugon na lamang ni Raven sapagkat napakaraming bagay ang pumasok sa kaniyang isipan dala na rin ng excitement na naramramdaman niya ngayon.






Sa kabilang dako; naging tagahanga rin ni Raven si Trexie Paterno, isang book lover at frustrated poet na walang ibang pinapangarap kundi ang makakain lamang ng tatlong beses sa isang araw. Isang babaeng mahilig sa raket. Raket dito, raket doon. Kapag may magpapagawa ng tula sa kaniya, gagawan niya ito basta't babayaran lamang siya, mapapera man o pagkain. Hindi niya tinututukan ang kaniyang problema sa buhay, hinahayaan niya lamang na ang problema mismo ang mamomroblema sa kaniya.

"Trexie, tinawagan ako ng kaibigan kong nagtatrabaho sa Silver Ink Pub," ani Angela kay Trexie. Si Angela ay isang kababata't matalik na kaibigan ni Trexie. "May pre-book signing event daw si Raven next week."

"Talaga? Saan?" sunod-sunod na tanong ni Trexie na may halong pagkagalak.

"Sa Dawn's Cafe," tugon naman ng kaibigan. "Gumawa ka ng tula, itanghal mo ro'n."

Isa rin sa kinahihiligan ni Trexie ay ang magtanghal ng tula sa harapan na madla o mas kilala sa tinatawag na Spoken Word Poetry. Napakamot sa batok si Trexie at saka nagsalita. "Magtanghal? Well, matagal-tagal na rin akong hindi nakapagbigkas kay gora ako!"






Kaliwa't kanang paghahanda ang ginawa nina Raven at Trexie. Si Raven ay naghahanda para sa kaniyang paparating na pre-book signing event. Si Trexie naman ay naghahanda para sa kaniyang itatanghal na tula. Nakailang punit na rin ng papel si Trexie, gusto niya kasing maganda't madamdamin talaga ang itatanghal niyang tula. At saka ayaw niya ring mapahiya sa harapan ng madla, lalong lalo na sa harapan ni Raven.


"Uy! Trexie, bakit ang kalat na rito?" tanong ni Angela nang madatnan niya ang kaibigan na nagkakalat sa kanilang kwarto. Magkaiba ang pang-araw-araw na gawain ng dalawang magkaibigan ngunit magkasama naman ito sa iisang kwarto.

"Kanina pa kasi ako paulit-ulit sa pagsusulat," walang kabuhay-buhay na sagot ni Trexie. "Tingin ko, walang ka-taste-taste ang mga tula ko."

"Ngayon mo lang nalaman? Joke," pagbibiro ng kaibigan pero hindi naman natawa si Trexie. "Maniwala ka kasi sa mga sinusulat mo, magtiwala ka sa iyong pluma na siyang umuukit ng mga salita."

Nagkaroon ng lakas ng loob si Trexie dahil sa sinabi ni Angela. Nagpatuloy siya pagsusulat at hinayaan niya ang pagdaloy ng mga letrang nagmumula sa kaniyang puso't isipan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla niyang nagustuhan ang kinalabasan ng tulang kaniyang isinulat.

Race Against TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon