ITMGG 04- Can't stop thinking of him

693 12 0
                                    

I Turn my Ginie Gay

-Can't stop thinking of Him

Narito na ako sa opisina ko at inaayos na mga dapat ayusin. Marami na naman akong paper works tulad ng dati, isa pa may meeting ako mamaya at kailangan kong ipakita iyong ginawa kong presentation kagabi. Binabasa ko iyong mga papel sa harap ko ng biglang pumasok sa isipan ko si Jerson. Iyong Jerson na ka-smex ko kagabi.

Tsk. Ano bang nangyayari sa akin at ganito ang nararamdaman ko?

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nagpunta sa mini kitchen para gumawa ng kape. Self service dito, isa pa ayaw kong may inuutusan ako. Tapos bigla nanamang pumasok sa isipan ko si Jerson na nakasuot ng apron. Walang ibang suot kundi apron.

"Sh*t!" napahawak ako sa bibig ko habang ramdam ko na ang bahagyang pamumula ng pisngi ko. Napamura din ako dahil sa init ng kape na pumaso sa akin.

"Woah, ayos ka lang ba pareng Jace? Mainit iyong kape tama ba?" napatingin ako sa nagsalita si Tyron pala. Isa pang malaswa itong taong ito. Isang tao na itinatanggi na cassanova siya kahit ang totoo ganoon naman talaga siya. Magkaibigan na kami for five years at alam na niya kung may gumugulo sa isipan ko.

"Tanga ka ba, kaya nga ako napamura e." Sabi ko na lang at nalagay ulit ng kape sa mug ko.

"Tss.. tanga na nga siguro pero kung iyong Jace na nakilala ko noon ang natapunan ng kape ngayon kanina pa sana niya itinapon iyong mug at hindi siya mamumula ng ganiyan." Sabi na e. Kilalang-kilala ako ng mokong. "So, anong gumugulo sa isip natin pare?" tanong niya sa akin at nahilig naman ako sa cabinet na pinaglalagyan nung mga baso at iba pang kagamitan.

"Tss.. bumalik na si Jerson. Sa bahay namin siya nakatira." Sabi ko na lang at ininom iyong kape ko.

"Ahhh.. nagsex pala kayo kaya ganiyan ang pamumula mo." Napabuga ako at nasamid at the same time ng sabihin iyon ni Tyron lokong tao naman itong isang 'to tinawanan lang ako.

"Pak U dre!" sabi ko lang habang binibigyan niya ako ng tissue at tubig.

"Hahahaha.. sa reaksyon mo ginawa nyo nga. Akala ko mapapansin mong nagloloko lang ako iyon pala totoong ginawa mo nga. Hahaha.." tawa ng tawa itong walang kwentang ito. Kahit kailan talaga tsismoso.

"Oo na panalo ka na. Ginawa ko nga. Happy now?!" pangaasar ko pero uminom lang siya ng kape sabay sabing, "Yeah." Hinayupak talaga.

"So, ginawa mo ng todo hanggang sa anus niya?" napailing na lang ako ng sapo ang ulo ko dahil sa deretsiyahang tanong niya.

Ganiyan ang kaibigan kong si Tyron. Tsismoso na, deretsyong magkumento pa. Laniya talaga oh. Paano ko ba naging kaibigan 'to

"Hindi. I just masturbate him." Siya naman ang napabuga noong ini-inom niya pero hindi ako napatawa. "Buti nga karma." Sabi ko at pikit mata kong ninamnam iyong kape ko.

"Bakit? Bakit hindi mo ginawa? Matagal mo ng gusto si Jerson diba? Sabi mo sa akin kaya ka nagging cassanova king dahil ayaw mong maging cassanova king ang pinakamamahal mong si Jerson kaya bakit noong may pagkakataon ka na hindi mo pa rin ginawa!" para siyang naluging negosiyante. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa ulo niya at umikot ng 360 digree habang parang nilalamon ng lupa. Tss... OA talaga.

"Mahal siya ni Jarred." Natigil siya ng sabihin ko iyon. "Tingin mo gagawin ko siyang slut para lang sa satisfaction ko ganoong alam kong mahal siya ng kapatid ko." Sabi ko sa kaniya at agad naman siyang nakabawi sa reaksyon niya at tumingin sa akin ng masama.

I turn my Genie Gay 2014(TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon