ITMGG14- A Thousand Miles

523 10 3
                                    

I turn my Ginie Gay

-A Thousand Miles

Jace's PoV

Kinabukasan hindi ko nakita sa buong bahay si Jerson. Gusto ko sanang tawagin siya pero hindi ko kayang makita ang mukhang niyang nalulungkot dahil sa mga bagay na sinabi ko kagabi. D@rn. Why would this love be difficult?

Bakit ba kasi ako naghangad pa ng tatlo pang wish? Ganito ba ako kagahaman sa wishes?

Sa tanong kong iyon, natauhan ako.

Gusto ko lang makasama si Jerson na may takot sa akin. Ayaw ko siyang mawala kaya ko ginagawa ang mga karumaldumal na bagay na iyon. Ayaw ko siyang umalis sa tabi ko at maiwan akong umiiyak dahil nawala siya. Ayaw kong masaktan tulad ng nangyari kay mama. Pero naging maswerte si mama dahil nakita niya ang papa namin ngayon ni Jarred.

Ako kaya, magiging maswerte kaya ako? Kung ipaglalaban ko ba si Jerson, magiging akin siya habang buhay? Siya naman ang nagsabing mahal niya ako hindi ba? Kung totoo iyon, kapag inamin ko ng mahal ko siya magiging kami at matutupad ang pangarap kong maging asawa ko siya.

Bwisit. Kung hilingin ko na lang kaya na pakasalan niya ako?

Pero ayaw kong mapilitan lang siya. Gusto kong maging sweet sa kaniya at isa pa kung hihilingin ko ng ganoon ang pagpapakasal namin, baka isipin niyang pinaglalaruan ko lang siya.

"Sh!t." hindi ko napansing napamura na lang ako hanggang sa batukan na ako ni Jarred.

"Umagang-umaga nagmumura ka dyan." Nakasuot si Jarred ng neon pink na fit at puting pants na halos see through na.

"Are you seducing me dear brother?" napatingin siya sa akin mula sa pagbabasa niya sa likod ng carton milk. "Cause it's damn working." Nagroll eyes na lang siya at pumunta sa gas stove para magluto.

Naupo ako sa lamesa at inabot ang karton ng gatas.

"Oy!! Don't drink that! Gagamitin ko yan!" agad niyang kinuha ang karton ng gatas sa kamay ko kaya tumayo na ako papunta sa ref para maghanap ng maiinom. "Ayaw mo ba ng kape?" tanong nito sa akin na ipinagtaka ko.

"Si Jerson ang mahilig sa kape Red. Pero sige pahingi ng isa." Sabi ko at naupo na lang ulit. Isang sandali lang ay may kape na sa harapan ko pero si Jerson pa rin ang nasa isip ko.

"Oh, ngayon mukmuk ka dahil wala si Jerson. Kinuha siya ni tita kagabi dahil kailangan daw niya ng katulong sa bahay niya. Mukhang wala siya sa sarili kagabi kaya kahit alam niyang malayo ang pupuntahan nila at sasakay pa ng barko ay pumayag siya." Agad akong napatayo sa sinabi ni Jarred at natapon ko sa pantalon ko iyong kape.

"Aray ang init." Inis kong sinabi habang parang batang tumatalon.

"Tanga mo naman kapag wala si Jerson." Aaminin kong napikon ako doon. Alam kong mas matalino sa akin ang kakambal kong ito pero ang ikumpara niya ako sa bopols na si Jerson, nakakainis lang.

Pinupunasan na ni Jarred ang pantalon at ako naman ay napapaisip pa rin. "Baby Red, tingin mo.. kung sina mama at papa pa rin hanggang ngayon at hindi sinaktan ni papa si mama, magagawa kaya nating mahalin si Jerson? Magagawa kaya nating mahalin ang isa't-isa more than brothers? Magiging ganito kaya ako katanga?" hindi ako sinagot kaagad ni Jarred. Nagpunta na lang siya sa niluluto niya at binigyan ako ng makakain matapos niyang magluto.

"Sa halip na iyan ang iniisip mo ngayon Jace, tingin ko mas magandang isipin mo kung paano ka magsosorry kay Jerson at kung paano mo sasabihing mahal mo siya. Makakahanap din naman ako ng mamahalin ko Jace. Nandyan si Tyron para sa akin. Hindi ako mag-iisa. Kaya hindi mo na kailangang magpakakuya sa akin. Sundin mo na ang itinitibok nito Jace. Mahal kita at mahal ko rin si Jerson kaya gusto kong maging masaya kayo dahil narinig ko kagabi na mahal na mahal mo siya. Kung ano man iyong usapan nyo ng kung sino mang poncio pilato na yon, hayaan mo lang. Ang puso mo na ang sundin mo ngayon Jace. Hindi ka tatraydurin niyan."Pangaral niya na umabot na ata ng EDSA. Teka? Alam niya iyon? Binabantayan ba niya ako kagabi nung kausap ko si Jumbo? "Pero masasaktan ka lang. Ganoon talaga kapag lumaban Jace. Kita mo naman kapag lumalaban tayo sa mga mas malalaki sa atin noon, kahit na sanay na tayo sa basag ulo natatamaan pa rin tayo. Ganoon din sa pag-ibig kaya sana, sumugal ka Jace. Sumugal ka sa pag-ibig mo kay Jerson."

I turn my Genie Gay 2014(TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon