ITMGG 08- I'll catch a Grenade for you

596 12 0
                                    

I Turn my Ginie Gay

-I'll catch a Grenade for you.

Jace PoV

Naglakad-lakad ako sa garden. Umaasa na makita ko ulit si Jerson. Ang tanga ko na talaga tama ba? Nasa kamay ko na ang taong mahal ko pero pinakawalan ko pa. Natakot siguro ako.

Paano?

Noong umamin si Jarred kay Jerson na bakla siya, naisipan kong umamin na rin pero dahil sa naging reaksyon niya nagalit ako, hindi lang dahil sa nasaktan ang kapatid ko kundi dahil alam kong hindi rin niya ako tatanggapin sakaling umamin din ako. Natakot na kung ako sana ang unang umamin sa kaniya ako ang uanang nabasted at natakot ako sa pwedeng mangyari kung ako ang unang umaming noon.

Masakit isipin na ngayong ako lang ang pinagkukunan ng ligaya ni Jerson, nagawa ko pa siyang saktan at ang isa pa, ang tanga ko lang dahil nagkausap kami ni Nataliah. Binura ni Nataliah ang ala-ala ni Jerson tungkol sa nangyari kanina matapos niyang maaksedente. Kung magiging maayos ang lahat, babalik si Jerson sa akin at doon maiisip niya na alipin ko na siya at hindi ko na kailangan pang magpakita ng pagmamahal sa kaniya. Sa ganoong paraan si Jarred na ang magugustuhan niya. Pero, paano si Tyron? Ang alam ko mahal niya talaga si Jarred. Naguguluhan na ako sa gaagwin ko ngayon.

Kaya naman pala ang kapalit ng 3 wishes mula kay Nataliah ay ang tunay na nararamdaman ng kapatid ko ay dahil mahirap talaga ang naging sitwasyon namin. Naninimbang ako kung kaligayahan ni Jarred para kay Jerson ang ibibigay ko o ang kaligayahan ko ang susundin ko at ipapain sa kaniya si Tyron na bestfriend ko.

Napalalim ata ang pag-iisip ko at hindi ko nakitang pumasok ng gate si Jerson. Nabigla na lang ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.

"Sorry." Tangi niyang sinabi.

"Ano bang ginagawa mo dito? Sumama ka na kay Jarred hindi ba? Binibigyan kita ng kalayaang makipagsex sa mga chicks tulad ng dati mong ginagawa pero nandito ka ngayon. Hindi ko na nga pinagkaka-abalahang mag-isip ng wish para hindi kita maabala so why are you here?" maangas kong tanong sa kaniya pero hindi ko tinanggal ang yakap niya. Hahayaan ko munang maging adik sa pag-ibig na ibinibigay niya. Bago pa mahuli ang lahat.

"I- I.... love you Jace! Sige lang gawin mo lang akong alipin. Alam kong wala naman talaga akong kwenta sa iyo, sa lahat ng bagay pumapangalwa lang ako pero ayos lang iyon basta't napapansin mo ako." Hindi ko nagawang magsalita kaagad sa sinabi niya. Ayaw kong maging alipin ko siya. Gusto ko siyang mahalin ng todo pero hindi pwede. Iba na ang sitwasyon ngayon at isa lang ang daang tatahakin ko makuha lang ang mga wish para makatulong sa ibang tao.

"Alam mong gagawin kong impyerno ang buhay mo rito kaya bakit bumalik ka pa." Asik ko.

"Wala na akong paki-alam. K-kung g-gusto mo, saktan mo ako. Sugatan. Hindi ako madaling mamamatay kaya naman gawin mo ang lahat ng gusto mo f*ck me when even you want make me your slut make me your girl b*tch I don't care. Pero pagkatapos ng mga ito. Please (Nanghihimok talaga ang pagkakasabi niya noon. Hindi ko akalaing magagawa niya ang mga ganitong bagay dahil sa akin.) pakawalan mo na ako. Mag wish ka ng tatlo at hayaan mo na akong mapunta sa ibang tao." Nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya.

"Why? Are you dying to have a new master? Tingin mo mas magiging mabuti sila kaysa sa akin? Pasalamat ka pa nga dahil ako ang una mong master at itinuturing pa rin kitang pinsan!" no! NO! Hindi pinsan dahil mahal na mahal kita Jerson! I am Angry because you want to be with someone else after this!! Dem it!!!

Hindi siya nagsalita kaya naman hinikit ko siya papunta tree house. Marahas ko siyang itinapon sa kama at tinanggal ko ang pang-itaas ko. Nakita ko ang takot sa kaniyang mata at napatras siya sa paglapit ko.

I turn my Genie Gay 2014(TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon