CHAPTER 2: BAR

1K 33 2
                                    

Hi, readers! Thankyou thankyou talaga sa mga naghihintay ng story na ito I promise na matatapos ko ito agad para naman yung ibang mga bago palang nagbabasa ay hindi mabitin haha. PLEASE VOTE AND IF YOU REALLY LIKE IT MAG COMMENT KANA DIN THANKYOU :)

************************************

[Chapter 2 Love of The Past]


MARTHA POV

Nandito ako sa kwarto na kapatid kong si anica at tinitignan ko ang mga picture niya dito

 hindi ko alam na may nakatago pala syang bigay kong mga gamit noong bata pa kami.

dahil syempre diba naging masama akong kapatid sakanya, kaya malay koba na itatabi niya ang mga ito.

napatingin ako sa mga picture na kuha samin ni mama noon, hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil na mimiss kona ang kapatid ko.

sana kung alam kolang na mangyayare ito hindi nako nagpabulag sa inggit na nararamdaman ko.

tignan mo anica oh, ang sweet pa natin noong mga bata tayo, sorry ah dahil sakin naging masama ako at nagkaroon ka ng galit sakin.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, naiiyak ako.

alam kong ang sama sama kong ate sakanya, Oo nung una napakasama ko sakanya siguro na realize kolang nung panahon na kinausap niya ako nung nasa hospital pa sya.

hindi ko alam kung bakit ang sama ko nabulag ako sa inggit, sorry sa lahat ng nagawa ko anica sana mapatawad mo ako sa lahat lahat.

kung nabubuhay kapa sana ngayon babawi ako sa lahat ng naging kasalanan ko.

tandaan mo kahit na naging masama ako mahal na mahal ka ni ate.

kung mabubuhay ka lang gagawin ko ang lahat para maging mabuting ate ako para sayo.

Ito yung araw na hinihintay mo eh yung graduation day, sayang lang at hindi mo naabutan ito 

alam ko namang sobrang halaga sayo nito.

sorry talaga sa mga nagawa ko sayo anica sana mapatawad moko, alam kong nandyaan kana sa taas at alam kong wala kanang sakit na iniinda.

wag ka magalala akong bahala kay mama, aalagaan kosya gaya ng ginagawa mo at hindi ko din sya iiwan na gaya ng ginawa mo.



ELEAZAR POV

Pagkalabas ko ng gate ay sumakay agad ako sa sasakyan ko 

since wala ng bakante sa parking lot dun sa school ay dito ko nalang pinarking kasi masyadong maraming dumalo sa school kaya naman naubusan nako ng space

kung di lang sana ako nalate edi sana dun naka lagay yung sasakyan ko sa school at hindi dito.

haysh! masyado ko na iniisip si anica hanggang ngayon ang sakit parin sobra.

nandito ako ngayon sa Bar dahil sa mag cecelebrate ako mag isa ko, yeah ako lang magisa.

"isang glass nga po yung hard" sabi ko dun sa lalaking bartender dito sa bar na napuntahan ko.

gusto ko mapagisa, maglasing haysh. Ang sakit ng pagka wala mo anica kung di mo sana ako iniwan hindi ako magiging ganito.

mahal na mahal kita anica, sana buhay sana nasa tabi kita pero lahat ng yun ay sana lang.

pero umaasa akong dadating ka kahit na napaka imposible.

"Hello there, bakit magisa kalang?" sabi nung babae tumabi sakin.

tsk sino nanaman tong babaeng to, tumingin ako dito pero nanlalabo na mata ko.

mga babae nga naman, pero kahit sino pang babae dyan wala akong pakielam dahil iisa lang ang tinitibok ng puso ko at ikaw lang yun anica.

"hey! Anica's friend! I'm Jasher remember?" sabi nung babae na nagpakilalang kaibigan daw ni anica. Tsk

"What do you want?" sabi ko sa babae at hindi ko ito binigyan ng tingin, dahil naka tingin lang ako dito sa iniinom ko.

"Nothing, nakita lang naman kita na nandito ka tapos naman na  kami mag celebrate nila mom and naisipan kong mag bar lang mag chill ganern." sabi nitong babae nato. Hindi ko alam pero naiirita ako sakanya.

"so what kung nandito ako? wala kang pakialam ok?" sabi ko sakanya. tsk

"I'm sorry, kung nangengeelam ako nagaalala lang kasi ako." sabi niya tsk really? nagaalala sya sakin. Ako tong nagdudusa dahil sa pagkamatay ng mahal ko tapos sya kaibigan niya yun hindi ko man lang sya nakitaan na nalungkot sa pagkamatay ni anica damn you girl.

"pwede ba! tantanan moko wala kang pakialam ok?! at isa pa tigil tigilan mo na yang pagaalala mo. Ano bang paki ko sayo ah! eh diba platik kalang naman? pinaplastik molang si anica! what do you want! ngayon wala na sya ano! masaya kana ba?!"sigaw ko sakanya habang may tumutilong luha sa akin.

"I'm sorry! Oo natuwa ako kasi wala na sya! dahil sa wakas makukuha na kita! pero hindi ganun kadali sakin yun dahil naging kaibigan din naman niya ako. At tinuring ko syang kaibigan! Sadyang mas mahal lang talaga kita!" sigaw naman niya at umiiyak na sa harap ko.

"Wow! tinuring mo syang kaibigan? ano yun, kapag nakaharap sya napaka bait mo na prang di makapag basag pinggan ano ka anghel?! pero kapag nakatalikod sya sinasaksak mo sya patalikod?! kung ano ano na iniisip mong masama sakanya!"sigaw ko ulit sakanya, anong klaseng kaibigan sya napaka walang kwenta.

"Kaya nga sabi ko sorry diba?! pero mahal na mahal lang talaga kita. Ikaw ang first love ko. Simula nung nakita kita nagustuhan na kita. Sa totoo lang di ako naniniwala sa love at first sight! pero wala eh tinamaan nako sayo!" sagot niya sakin, natahimik ako sa mga sinabi niya. Pero wala akong paki kasi kahit anong sabihin niya si anica lang ang mamahalin ko.

Oo, si anica lang ang mamahalin ko at wala ng iba. Dahil simulat sapul sya na talaga.

"You know what just leave me alone, I don't want to talk to you." mahinahon kong sabi sakanya.

kaya naman tumayo nako pero na out of balance ako kaya naman inalalayan niya ako.

pinilit ko syang iaalis sa pagkakahawak niya sakin. Dahil ayokong may ibang babaeng humahawak sakin. 

kasi gusto ko sya lang, sya lang ang babaeng hahawak sakin.

"Don't touch me! ano ba iwan mo na nga ako, hindi kita kailangan!" sigaw ko sakanya at saka umiyak pero hindi niya padin ako binitawan.

kaya naman hinayaan ko nalang sya, wala narin naman kasi saysay yung sasabihin ko dahil ayaw niya ako bitawan.

sinakay niya ako sa kotse hanggang sa nakatulog nako dahil sa kalasingan ko.





END OF CHAPTER 2

hi readers thankyou sa pagbabasa sana i vote mo din ito after mo basahin ito 

at mag comment ka nadin kung may gusto kang sabihin.

thankyou again! <3

****************************

TMOL: Love of The Past (Ongoing)Where stories live. Discover now