Heart-stricken (Nine)

3 0 0
                                    

ZIA'S POV

"Hoy matagal pa ba yan? Naman eh! Pinapamukha mo akong baliw sa kakaintay dito," naiinip na saad ni Gwen.

"Saglit nalang. Masyado ka naman ata nagmamadali," sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa sinusulatan kong slam book na pagmamay-ari niya.

Kelan ba nag-uso yang slambook na yan sa mga age namin? Yeah. We're not that mature enough. Pero parang pang elementary levels lang naman yun. Kasi sigurado naman na ang mga co-ages namin, skip ang crush. In love na ngayon ang uso. Wala nang crush-crush. Minsan nga nahuhulog ka nalang nang basta-basta without any prior notice, right? That's the new generation of youngs. Kasi nga, nagmamadaling husto.

"Hoy babae ka! 'Wag kang magkamaling ipakalat ang mga pribadong sagot ko rito ha? Makakatikim ka talaga sa'kin!" Pananakot ko sabay abot ng slambook.

Alam niyo naman wala akong tiwala sa babaeng ito sapagkat ipinanganak siyang sinungaling.

"Yes, madam! Makakaasa yang paalala mo. Ito nga o. Nakasulat sa unahan ng slam..." At diniin pa niya sa'kin ang nakasulat sa first page.

Dear Friends,

       This Slam Book is yours to fill with stuffs that's sure to reveal nore of yourself.

     Remember, real friends share their secrets with each other and can be trusted with them too.

     Hope this brings us even closer. Be yourself and take your time.

                                     Yours truly,

                                   Gwen Ganda

Huminga ako ng malalim.

"You suppose to know what's the deep meaning of these words. You must better handle our secrets well. Once you disclose mine, you actually know what can I do."

Sa It's All About Me na part, dun lang ako naging sincere at certain sa answers ko without skip. Sa Thoughts of the Heart, puro skip, o di kaya none.

Hindi ko naman kailangan sayangin ang oras ko sa kakaisip para lang dito. Kontrolado lang naman ng magkabilang kamay ko ang susulatin ko.

Sa next subject namin, dun kami sa e-classroom naglesson. Masyadong nakawawala ng gana dahil sa panaboard. Isa siyang board na parang projector. Honestly, mas feel ko yung blackboard. Di masakit sa mata.

Madalas na kaming pumupunta rito pero di pa rin nasasanay.

Wala yung teacher namin sa ganitong sub kaya puro copy lang. Tahimik lang sa loob dahil nakafocus lahat sa pagkopya. Sa kalagitnaan, may biglang nagflash sa screen na ikinagulat ng lahat. Ikinahinto ng lahat, at ikinahiya ko naman.

KEZIA WROTE SOMETHING ON A SLAM BOOK THAT SHE LIKES HAROLD. <3

"WHAT?!" Napatayo ako ng di oras sabay palpag ng notebook sa mesa. Gumawa naman ito ng ingay kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.

Are they sure about this? Eh ni sagot nga wala dun! They're fool enough to create such crazy stories. >_<

At ako pa ang naisipan nilang gawan ng istorya.

Lord, please patamaan mo naman ng kidlat ang gumawa ng kalokohang 'to. Ang lakas talaga ng loob niyang ipahiya ako sa klase.

Automatic na lumingon ang ulo ko kay Gwen. Which is the owner of the slam...

Sinamaan ko siya ng tingin.

Halatang nataranta naman siya. Mabilis siyang napailing ng ulo at napaangat ng palad, as a sign of promise.

Mukha siyang inosente. But I'm not that sure.

"SPEAK UP! SINONG WALANG HIYA ANG GUMAWA NITO?! KUNG MASYADO KA NANG GUILTY, MASYADO KA NA RING MAY TOPAK SA ULO!"

Napakawalang manners ang gumawa nito.

Haaiii... Biniyayaan pa talaga ako ng kamalas-malasang araw.

Nakakainis, nakakapuno, nakakagalit, nakakabaliw, nakakabwiset, nakakapatay! >_____<

"Hey, Mr. or Ms. Nobody! SPEAK UP! ARE YOU TOO CONFIDENT IN GNASHING MY TEETH, HUH? 'WAG KANG MAGKAMALING IGALA ANG TINGIN MO SA'KIN, KASI MALALAMAN KO RIN KUNG IKAW BA TALAGA O HINDI!"

Wala akong pinapatamaan. Pero may ideya lang ako kung sino. Baka isa sa mga nagsulat sa slam book ni Gwen. Tas nagtangkang sirain ang pangalan ko. Talagang hindi siya magtatagumpay. Mali ata ang taong inaapakan niya.

Kahit mapaos pa ako sa kakasigaw, malaman ko lang ang pangalan ni Mr. or Ms. Nobody. Aba! Ang ambisyosa o ambisyoso niya naman para isiping magkagusto ako kay Harold. He or she creates a wrong love tandem.

Papalapit na rin ang time para sa next subject kaya nagsilabasan na para bumalik sa classroom.

"O, baka isipin mong patay gutom ako" sabay abot ko kay Harold ng piyaya na nakabalot. He's just reading a book. See? Bihirang lalaki nalang natirang addicted sa libro.

Katabi ko kasi siya. Ayoko namang mapansin niyang kumakain lang ako at sabihing nagdadamot. It's not part of concerning or caring. It's showing a good attitude among others.

Tapos na ang lunch time at recess time, pero mahilig kumain ang lahat basta yung teacher namin sa isang subject, ay di strict. Allowed kami niyan.

Pero di niya pinansin ang nasa kamay ko. Instead, lumapit siya sa mukha ko. Ramdam ko ang hininga niya. Ramdam ko rin ang kaba na namumuo sa dibdib ko. Pakiramdam ko, nakakulong ako sa isang lugar kasama siya.

Yung motionless na dumadapo sa pangangatawan ko ngayon, ay sadyang kataka-takang isipin.

Kinagat niya ang nagsilabas pang piyaya sa bibig ko. Dahilan na napa-urong ako. At dahilang nagamulat ako. First, I guess he'll **** me. But then, he preferred to share a food with. :3

Haaaiii... Hindi ako galit! Hindi ako disappointed! Alam ko naman hindi niya magagawa yun! (-_-)

Hindi ko pa buong nakain ang isang malaking bilog na piyaya. Pero unti-unti ko lang pinapasok sa bibig ko.

Di ko alam ang nararamdaman ko.  Normal lang naman kiligin sa isang gwapong nilalang katulad niya di ba? Tsaka... di naman masamang inisip ko nung una na...ayun. Na nilapit niya ang mukha niya para ganunin ako.

Nginuya niya ito at ngumiti siyang nakakaloko na mismong nakakadagdag pa ng kagwapuhan niya.

"Dapat sa susunod, ubusin mo muna ang pagkain sa bibig mo," bago niyang itinuloy ang pagsasalita, napalayo muna siya at itinuloy ang isinasagawang pagbabasa kanina. "Mas lalo akong mapapalapit sa labi mo niyan," he said gently with a slightly laugh. Parang joke time kumbaga.

Di ko alam kung naiinsulto ba ako o kinikilig sa kalagayang ito.

Mukha ngang may gusto 'to sa'kin.

Haaiii... Sa oras na malaman ng mga tao ang tumatakbo ngayon sa isip ko, baka sabihin nilang ambsiyosa na ako masyado.

Anyway, iba ang impresyon sa totoong pinapapahayag. Paminsan-minsan, tumatama rin. But at the same time, wag muna natin pangunahan yun.

---

A/N: Hey guys! By the way, sana magka-time rin kayo either mag-drop ng comments or vote. Thank you :)))

Heart-strickenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon