Heart-stricken (Five)

9 1 0
                                    

A/N: Sorry sa improper sentence structure sa mga previous chapters pati na rin sa behind schedule update ngayon. Peace! ^^__^^

-------------

Heart-stricken 5

HAROLD'S POV

"Kompleto na ba lahat? Wala na bang kulang?" Tanong ng adviser namin.

"Si Zia nalang po" sabi ng kaibigan niya.

"Ah okay. Let's wait for her"

'WAG NA! Mamaya ako na naman makita niyan tas susugudin ako bigla.

I'm Harold Clinton. I'm an outlandish-type guy. Bakit outlandish?

Kasi nga bihira lang ang lalaking pinganak na unique katulad ko.

Meron kaming fieldtrip sa isang resort. Sabi nila, i-enjoy dahil paminsan-minsan lang daw 'to mangyari.

Paano ako mag-eenjoy kung kasama na naman ang impaktang babaeng yun!

Mamaya may nagbukas ng van at si Zia na nga yun. Dun siya sa likod umupo kasama ng malikot niyang kaibigan. No wonder naging magkaibigan ang dalawa.

Zia seemed familiar each time I set my eyes on her. I don't know. Parang may naalala lang ako. 'Di ko lang natandaan kung saan at kailan.

Di nagtagal, umandar na ang van. Dahil mabait ang adviser namin, allowed ang lahat na magsing-along.

Pag sumama naman ako, magmumukha akong baklang baliw. Kaya nagheadphones nalang ako. Mabuti na 'to kesa marinig ng mga tenga ko ang boses nila.

Nakarating kami sa resort. Hindi pa nagsabi ang adviser namin na lumabas ang van, nagsibabaan na at takbuhan ang mga kaklase ko.

Lahat excited maliban na nga lang sa'kin.

Medyo nakakabadtrip isiping kasama pa ang ayaw mo maging kasama. Lahat naglulundagan at di na nag-alinlangan pang pumunta ng CR. Pero nagdadalawang-isip pa ako kung magswiswimming ako.

"Hoy friend! Maligo na tayo"

Narinig kong insist ni Gwen kay Zia at iniyugyog pa ito.

Halatang excited dahil pati ang bag na nakasabit sa balikat niya kumakalog din.

"Saglit lang" Patuloy pa rin si Zia sa pagcecellphone.

"Uyyyyy! Tayo na!" Kinalog niya ulit.

"Eeeehhh! Mauna ka na nga"

"Osige. Sunod ka ha?"

"Oo oo"

Naiwan siyang nagcecellphone. I guess, nag-iinstagram. Di nga ako nagkamali. Kahit ako ngayon, naka-headphone pa rin at nagcecellphone.

Napansin kong inangat niya ang kamay niya para magselfie.

Hindi niya siguro alam na ang background niya sa likod, ay ako.

Kasi kung hindi ako haharang, ang magiging background ang view ng beach.

Tinignan niya na ang picture. Haaaiii... Depende na nga lang kung sinuri talaga niyang mabuti ang picture.

Napansin kong lumingon siya sa'kin kaya napatingin din ako.

"Arrrgghh! Kahit kailan talaga panira ka!"

Naririnig ko nga siya kahit naka-headphone ako. Yun nga lang, nakakasawa nang magalit.

At the same time yung paganti ko sa kanya. Palagi nalang sagabal sa kilos ko. Maplano nga ako pero kung iwawaldas ko lang naman ang isang plano para sa langyang kaartehang to, WAG nalang.

Heart-strickenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon