Heart-stricken (Ten)

3 1 0
                                    

A/N: See the pic...

Si Zia...

Medyo natagalan update kasi may isa pa akong ginagawang story na di pa napublish... :)

ZIA'S POV

Takbo kami ng takbo ni Gwen habang dala-dala ang mga knapsack sa likod.

"Halika na! Bilisan mo!"

"Oo na! Teka!"

Nauna kasi si Gwen sa'kin at isa pa, mahina akong tumakbo dahil mablis akong hingalin.

Patakbo kami papuntang bulletin board dahil may announcement daw. Sabi nila mga pagkakaabalahan during weekends.

Nang

nakarating na kami sa bulletin board, dagsa ang mga tao. Halos mabali na ang mga leeg namin sa kakasilip.

Di ko akalaing madami palang interesado. Ano ba meron?

Oo announcement nga. Pero ang ibig kong sabihin eh bakit tumpok-tumpukan ang mga estudyante at halos lahat babae pa.

Everyweekends? Eh imposible. Abalang-abala kaya ang mga estudyante sa mga kalokohan sa mga oras na 'yan.

Syempre naman. May social networking insites na eh.

Hinihingal pa rin kami ni Gwen at napahawak sa magkabilang tuhod.

Tumayo na rin kami at agad sumulpot sa mga estudyante.

"Excuse me po. Excuse me," sabay tabi ng mga braso nila.

Eh mukhang kulang sa cotton buds ang mga 'to ah! Marami na napala ngayong bingi.

Kahit ilang beses ka mag-excuse eh mas hinaharang pa nila ang mga knapsack nila. Medyo nainip na rin ako dahil tumutulo na rin ang pawis ko.

Aissshh! Ano ba 'yan! Kung makaharang ng mga pwet akala mo kabanguhan. Aalis na talaga ako rito pag may marinig na akong kidlat (utot XD).

Masama akong mahimatay.

Haaaiii! Sa wakas. Tapos na ang pag-apak ng mga paa at pag-usog ng mga katawan.

Ano ba talaga meron? Ba't wala ng katao-tao sa highschool building block? Pati sa anteroom, wala rin.

_________________________________________________________________________________________________________________

anoΰηсέмэӥt

There will be a WeekEnd Badminton Workshop starting on (date) at (name of school) Quadrangle. This workshop is open for all the students at (name of schools) who are athletic, sporty and fond of playing badminton. For payment queries, just look for (name of person). Kindly get your parents' approval slip at the principal's office.

JOIN NOW!

________________________________________________________________________________________________________________

Ang salitang 'announcement' ba talaga ang pinunta nila?

Tinignan namin ni Gwen ang list ng mga sumali at alam kong nagtataka rin siya kung bakit may gyera rito.

Una nalang naming tinignan ay ang list ng mga boys dahil anhaba ng pila ng mga babae na sasali.

Sus! Sila? Sasali? Seryoso? Memetey? Akala ko mall palagi pinagkakaabalahan ng mga 'to? O di kaya pagcheck ng twitter followers, interactions, friend requests, notifications, IG followers, likes at comments.

Unang nakita namin ni Gwen ang kumikinang na pangalang 'HAROLD CLINTON.'

Nagkatinginan kami, "kaya naman pala" magaksabay naming sabi habang nakahawak lang sa strap ng knapsack.

Heart-strickenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon