Heart-stricken (Eleven)

3 1 0
                                    

A/N: Yung pic... si Zia ulit. Haha. Sa next chap yung pic niya may lines na.

Heart-stricken (Ten)

Zia's POV

Halos mapalita na ng antok ang energing dinadala ko kanina. Bukod diyan, madami pang fineature si Coach Arnold tungkol sa badminton.

Si Coach Arnold, ang siyang nagtuturo sa'min sa badminton. Mga tricks, procedures at kahit ano pa.

"Okay guys. Be ready. Meron na akong hinandang list para sa mag-opponents. So pay heed as I call your names and be ready for the game. Take note sa mga techniques na itinuro ko ha?"

At nagsimula na si coach magmention ng names ng mag-opponents.

Hanggang sa paunti-unti nalang yung natira at dun ako mas nakinig ng mabuti. Magsostorm out talaga ako pag skillful or well-trained yung kalaban ko.

Tama. Ayokong mapahiya ano. Tsaka isa pa, para may maiwan din akong panalo this school year.

"Kezia Sheridan and Harold Clinton."

TEKA! Si HAROLD???!?!?!?! O__O o_o 0_0

Ano?! Jinojoke mo ba ako coach? Asar ka ah. Ayaw ko pa siyang makaharap. Basta naiiliang ako. Nahihiya, di makapag-concentrate tsaka... kinakabahan.

Nakakalaglag panga naman talagang isiping kalaban ko siya. But then, let's be fair.

Nagsimula na ang game. Good thing dahil sa bandang huli pa kami. Pero pakiramdam ko nanginginig na tong mga tuhod ko.

Kung kanina, muntikan nang mahulog ang panga ko, ngayon naman naninigas.

Nanood lang ako ng game at di ko namalayan na katabi ko na pala si Harold.

Nadaanan ko siya ng tingin at halos hindi na maalis ang mga mata ko sa kanya. Simula't-simula pa lang napapamilyaran na ako sa kanya. Sa itsura niya.

Napatingin siya sa'kin at napangiti lang ng onti. Hindi ako makasagot kahit ngiti dahil pakiramdam ko ang seryoso ng itsura ko.

"Nagkita na ba tayo noon pa?"

Biglang nadulas ang dila ko sa pagtanong. Ano na nga ba 'to binubuka ng bibig ko. Hindi ko lang kasi matandaan kung nasan at kailan. Ewan ko ba. Hallucination ko lang siguro.

Di ko alam. Umiiyak ata ako nung nakita ko siya. Kasi nga diba. Bleary-eyed tayo pag umiiyak. Hindi mo mamukaan ng maayos dahil malabo. Matubig yung mga mata natin.

May pagkagulat ang reaksyon niya sa tanong ko. Pero kung pagmamasdan mo talaga siya ng mabuti. Pero kung hindi, seryoso lang.

Actually kahit ako nagulat din dahil nagawa kong magtanong na kinuha ko lang kung saan-saang parte ng utak ko.

Hindi na siya nakasagot dahil kami na pala yung next.

"Kezia Sheridan and Harold Clinton, it's your turn"

Kinakalaban talaga ako ni Coach Arnold. Sino ba naman ang mag-aakala at mag-eexpect na kami ang magkalaban? Destiny's playing us. >__<

"GO FRIEND!"

Pakuha na sana ako ng badminton racket ko pero bigla akong nabigla nung may sumigaw. Boses ni Gwen yun ah.

Napalingon ako kung saan-saan at napahinto lang ako nang nakita ko siyang kumaway-kaway. Yung totoo, andito nga ba siya para suportahan ako? O tuksuhin ako dahil kalaban ko si Har? Sa mga tingin at kaway na yan kitang-kita ko ang salitang tukso eh. Nakakaabala na ah!

Pagtung-tong ko palang sa court, grabe na ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na ako. (Kaba ba talaga?)

Paulit-ulit akong napalunok pero hindi pa rin nauubos ang laway ko. Pakshet lang -_-. Sabi nga nila high-tech na sa panahon ngayon.

Heart-strickenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon