22

1.9K 73 8
                                    

"Denise sigurado ka bang okay lang na sasama ako sa iyo?" Tanong ni Lara.

"Relax, okay lang yan. Isa pa gusto ko din na makilala mo ang pamilya ko." Sagot ko.

"Okay, alam mo kasi sa totoo lang hindi ako sanay sa mga pormal na okasyon. Kagaya nito." Sabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Siguro kung hindi lang siya maagang naulila sana naeenjoy niya ang kanyang buhay dahil alam naman ng lahat na isa din siyang anak mayaman.

"Denise, bakit natahimik ka diyan? May nasabi ba akong mali?" Tanong niya.

"Wala naman Lara. Pasensya kana may naisip lang kasi ako bigla." Sabi ko.

"Denise ayos na ba tong suot ko?" Tanong niya ulit.

"Yes! Ang ganda mo nga alam mo ba yon." Sabi ko sabay titig sa kanyang mga mata.

"Denise naman,huwag mo nga akong tingnan ng ganyan hindi ako sanay." Sabi niya habang iniwas niya ang kanyang tingin sa akin.

Napangiti naman ako dahil ngayon ko lang napansin na cute pala si Glaiza kapag nagbablush.

"So, aalis na ba tayo?" Tanong niya.

"Yeah, lets go." Sabi ko habang kinuha ko ang kanyang kanang kamay at magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng condo. Mabuti nalang at wala dito si Alex baka kasi kapag nakita niya kaming magkahawak kamay ay baka magduda pa yon.

Habang nasa byahe kami ay panay ang sulyap ko kay Lara, napapansin ko kasing parang balisa siya.

"Lara, relax. Don't worry hindi naman kita iiwanan doon eh. Nasa tabi mo lang ako palagi. I promise." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Salamat Denise, hindi ko lang talaga maiwasan na hindi kabahan eh." Sagot niya.

Kinuha ko ang kanyang kamay at hinalikan ko ito. Kita ko namang nabigla siya sa ginawa ko.

"Denise..." tanging nasambit niya.

"Lara, I love you and I will always will. Kaya masanay ka na, na kapag tayo lang dalawa ay malambing ako sayo." Sabi ko.

Tumango lang siya.

"Denise, mahal din kita pero alam mo namang complicated pa ang sitwasyon ko. Sana hindi ka mapagod sa akin." Sabi niya.

"Never akong mapapagod sayo Lara. I promise, sayo ang ako nakadama ng ganito. Yun bang ramdam kong buhay na buhay ako." Sabi ko.

Hindi na siya sumagot sa halip ay sa malayo siya nakatingin. Alam ko hindi pa siya handa na pumasok sa ganitong klaseng relasyon lalo na't may nais pa siyang makamit at handa akong hintayin kung kailan siya magiging handa. Maghihintay ako kung kailan pwedi na kaming magsamang dalawa at mamuhay ng malaya. Pero sa ngayon sapat na sa akin ang makasama siya kahit na sa konting oras lang. Sapat na sa akin ang mahawakan ko ang kanyang mga kamay dahil alam ko hanggang dun lang ang pwedi kong gawin dahil pagmamay ari pa siya ng iba.

Mahal na mahal ko si Lara walang duda yon. Kaya lang siya, diko alam kong ganun din ba ang pagtingin niya sa akin. Oo minsan ramdam kong mahal niya din ako, pero minsan naman pinaramdam niya sa akin na hindi ako mahalaga sa kanya, kaya tanggap ko pa rin kahit na nasasaktan na ako dahil wala akong karapatang magreklamo dahil wala namang kami, may nararamdaman kami sa isa't isa at hanggang dun lang yon.

Narating na namin ang hotel kung saan magdiriwang si Dad sa kanyang kaarawan.

"We're here." Sabi ko pagkatapos kong pinark ang sasakyan sa isang bakanting parking space.

Nakita kong bumuntong hininga siya.

"Lara, you'll be fine." Sabi ko habang tinititigan ko siya.

Strange Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon