MSM 1: Finding Mr. Soulmate (part I)

35 1 0
                                    

Princess's POV

" Baka siya o kaya siya. Hmmmm.... Siguro yung naka red o kaya yung naka blue. Sino kaya?"

" Hoy! Tumigil ka na nga diyan sa kakahanap mo sa Soulmate na yan. Alam mo, darating at darating ang lalakeng para sayo at mismo si tadhana ang magpapalapit sainyo. Kaya if i were you i-enjoy mo ang pagiging single mo Princess" - Nikki

"Eh! Sa naiinip na ako noh! Saka kayong mga kaibigan ko TAKEN na, ako SINGLE pa. At isipin mong 3rd Year College na po ako at wala pa akong nagiging boyfriend. NBSB ako noh!"

"Tsk... tsk... tsk... Paano ka naman magkaka- boyfriend kung ang sarili mo ay hindi mo magawang ayusan. Tignan mo nga yang buhok mo, MESSY. Tapos yong mga damit na sinusuot mo walang ka fashion-fashion. Dapat maglagay ka rin ng konting make up para kahit papano maging presentable ka at bumili ka ng mga damit katulad ng dress saka suklayin mo naman ang buhok mo mukhang 1 year ka ng hindi nag susuklay sa lagay mong yan eh! - Nikki

Tumayo siya at umalis na. Naiwan akong naka upo sa bench sa may park.

Napatingin ako sa isang bench kung saan may couple na sobrang sweet kaya inialis ko ang aking tingin at ibinaling sa ibang direksiyon.

Napatingin naman ako doon sa damuhan kung saan may couple rin na masayang nagpi-picnic. Naiinggit tuloy ako kaya ibinaling ko ulit ang aking tingin sa ibang direksyon. May nakita akong mag couple na nag PDA kaya inialis ko agad ang aking mata. 

Kahit saan ako tumingin ay may mga couples at ang sweet nila. Nilalanggam na nga ako dito eh! Pero seryoso akong kinakagat talaga ako ng nalanggam kaya umalis ako. Nahuhulog sila mula sa puno.

FOREVER ALONE AKO :(

Habang naglalakad ako ay may nakita akong lalake na naka earphone at natutulog siya sa isang bench. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Infairness ang gwapo niya ha!

Nabigla ako ng minulat niya ang kanyang mata at tumingin sa akin. Biglang nanlaki yung mata niya. Katulad nito O_O

Pero mas nabigla ako sa kanya ng sambitin niya ang pangalan ko.

"Princess?"

Kilala niya ako. KYAHHHH!!! Soulmate ata kami nito eh! Ang swerte ko naman.

"K-kilala mo a----?"

Naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. Pero ang assuming ko lang ha! Akala ko titigil siya sa harap ko pero nilagpasan niya lang ako. Nakita kong niyakap niya yung isang babae ng sobrang higpit . Siguro siya yung Princess na binanggit nong Mr. Earphone.

Haiyst! Pahiya tuloy ako.

Umalis na ako sa park at kasalukuyang naglalakad papunta sa school. Malapit lang naman ang lalakarin eh! Sayang sa pamasahe kung sasakay pa ako. Saka hindi ko kasi dala yung car ko.

Mr. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon