MSM 5: Deaf Thieves? Thief?

6 0 0
                                    

Princess’s POV

Hay naku! Nakakaboring naman dito sa klase. Blah! Blah! Blah! Hindi ko na naiintindihan ang tinuturo ni maam sa unahan. Makapag cr nga muna. Nagpaalam ako kay maam at dumiretso sa Cr. Naghilamos ako ng aking mukha at tumingin sa salamin. Haysss! Balik na naman ako sa pagiging manang. Lumabas na ako sa Cr at babalik nasa room.

Habang naglalakad ako ay may humigit sa akin.

Tss -_- Si lalakeng mahangin pala.

“Tara! Cutting tayo, babaeng panget. Nakakaboring dito eh!” –Knight

Tch -_- Pinanindigan niya na talaga ang pagtawag sa akin ng ‘babaeng panget’. Pero ano daw? Cutting?

“THE EFF! Hindi ko pa nga nagagawang mag cutting sa tanang ng buhay ko tapos yayayain mo ako? Ano ka hilo? Paano na lang ang kinabukasan ko? Anong mangyayari sa akin pag hindi ako makapagtapos sa pag aaral? Saan na lang ako pupulutin? Ano na lang ang sasabihin ng---Aray ha!” sabi ko sabay hinimas yung part na binatukan niya.

“Ang O.A. mo ha! Magka-cutting lang tayo tapos kung anu-ano ang pinagsasabi mo! Tsk!” sabi niya sabay iiling iling.

Sabi ko nga, ang O.A. ko.

Naisip ko na ngayong araw lang naman kami magka cutting diba? Siguro masaya naman kaya okay. Pagbibigyan ko tong lalakeng mahangin.

“S-sige na nga! Tara ng mag-cutting at magpaka libang!” sabi ko sabay hawak sa wrist niya at kakaladkarin na sana ng bigla siyang nagsalita.

“C-cutting? Bakit mo naman ako inaaya mag cutting? Tsaka paano na lang ang future ko pag nag cutting ako? Paano na lang ang mga magiging anak ko kung walang magiging matinong trabaho ang kanilang daddy? Saan na lang sila---Aray ko ha!” sabi niya sabay hinimas yung part na binatukan ko.

“Eh ikaw nga tong unang nag aya sa akin tapos magda drama ka? Sir@ulo! Tara na nga!” sabi ko at kinaladkad na siya.

Habang kinakaladkad ko siya, maraming pumapasok sa isip ko na kung sakaling manalo ako sa deal namin. Ano kaya ang iwi-wish ko? Syempre ang pinaka unang wish ko ay yung mahanap ko si Mr. Soulmate. Kaya magpapatulong na lang ako kay lalakeng mahangin na mahanap siya. Tapos pag nahanap ko na si Soulmate, magiging---

“HOY BABAENG PANGET!”

Bigla akong napatingin kay lalakeng mahangin.

“Nasaan na ba tayo? Ang layo na ng nilalakad natin eh!” sabi niya na mukhang naiirita na.

Bigla naman akong napatingin sa paligid namin. Patay! Sa dami kong iniisip, di ko na alam kung nasaan kami.

“Ahhh…ehhh..h-hindi ko rin nga alam eh! Hehehe ^_^v ” sabi ko sabay ngumiti ng peke at with matching sign peace

“Argghhh!!! Panget na nga, tanga pa!” sabi niya sabay gulo ng buhok niya.

“Aray ha! Alam ko naman na panget ako noh?! Pero hindi mo naman kailangang ipamukha pa sa akin eh!” sabi ko sabay pout.

“Tsss Ano na lang ang gagawin natin?” sabi niya na mukhang naiirita na naman.

“Highblood naman nito! Wag ka na nga lang maingay, okay? Mag iisip ako ng paraan para makabalik tayo sa school at ipinapangako ko yan. Kaya kalma lang!” sabi ko sabay talikod  sa kanya para isipin kung paano kami makakabalik sa school.

Knight’s POV

Hayst! Ang tanga tang naman ng babae na to! Pagkatapos niya akong kaladkarin ng napakalayo at mapagod sa kakalakad, ililigaw niya lang kami? Arghhhh!!! Badtrip naman oh! Ang tanga niyang panget!

Habang nag iisip pa yung panget na yon ay tumalikod ako sa kanya at sinimulang tignan ang paligid. Ngayon ko lang napansin na walang taong nadaan at ang sobrang creepy pa ng mga bahay. Pero nawala ang takot ko ng may napansin akong limang lalake sa di kalayuan. Medyo malapit lang sila sa amin tapos para silang F4 sa boys over flowers pero lima sila eh! Yung dalawang lalake  na nasa gitna at gilid ay may hawak na whiteboard at pentel pen. Yung lalakeng nasa gitna ay biglang may sinulat at ipinakita sa akin. “KAMI ANG DEAF THIEVES NA KINTATAKUTAN NG LAHAT! KAYA KUNG AYAW NIYONG MASAKTAN, IBIGAY NIYO ANG MGA CELLPHONES, RELO AT WALLET NIYO!”

Tapos bigla namang tinaas nong isang lalake na nasa gilid yung whiteboard niyang may nakasulat na “AKO THIEF LANG! SILA THIEVES DAHIL MARAMI SILA! BRIEF LANG YUNG KUKUNIN KO SAYO! KAYA KUNG AYAW MONG MASAKTAN, BIGAY MO NA ANG BRIEF MO!"

Sino naman kaya tong limang lalake na to at may balak pa silang pag nakawan kami. At ano ba ang thieves at thief? Nakakain ba yun? Mukang hindi naman eh! Tska kukunin nong isa yung brief ko? Ano siya hilo? Eh mahal kaya ang brief ko. May tatak yun eh! BENCH *rolleyes

Mr. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon