MSM 3: Si Babaeng panget

12 0 0
                                    

Pumunta muna ako sa C.R. at nag ayos. NAGSUKLAY. NAGLAGAY NG POWDER AT LIP BALM. Yun kasi ang nakikita ko kay Nikki pagkasama ko siya. 

Nagpalit ako ng damit at pantalon. Mukhang ngayon ko na lang ito nasuot kasi ang lagi kong suot ay mahabang palda. Kaya nga ang sabi nila ay wala raw ako kafashion fashion. Mayaman nga kami pero hindi naman halata sa pananamit ko kasi para daww akong manang tignan. Paki alam ba nila eh! sa comfortable ako dito eh!

Lumabas na ako sa CR at bumalik sa kinaroroonan ni Knight. HAHAHA.... Patuloy pa rin siyang pinagkakagulohan.

Maya maya ay nagsisi-alisan na yung mga babae dahil may klase pa sila noh!

"Hay salamat at wala ng mga babaeng manggugulo sa akin. Tsk tsk tsk.... POGI PROBLEM... Nasaan na kaya yung Princess na yun? Humanda siya sa akin pag nagkita kami. Kaya nga ako nagtatago para hindi ako pagkagulohan tapos sisigaw siya ng FREE HUGS AND KISSES. Argghhh!!! Nakakainis!"

Narinig kong sabi nng lalakeng mahangin. Mukhang inis na inis siya. HAHAHA!!! Buti nga sa kanya. Yan ang napapala ng mga taong minamaliit ako. Yabang kasi eh!

Maya maya ay nakita ko siyang papalapit sa akin kaya tumalikod ako sa kanya. Hala! Baka gumanti nga! Anong gagawin ko?

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya at hinawakan niya ang balikat ko kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Y-yes?" tanong ko sa kanya.

"Ah! Miss.... May kilala ka bang...hmmm...n-nakalimutan ko yung pangalan niya eh! Basta mag kasing tangkad lang kayo tapos mahaba yung buhok. Messy hair siya tapos Haggard. Then, mahaba yung paldang gamit niya which means wala siyang ka fashion fashion. In short panget siya" -Knight

Ayos din mag describe nito noh?! Pero wait! Hindi niya ako nakilala? HAHAHA

"S-sorry wala eh!" pagsisinungaling ko sa kanya.

"Wala ba talaga miss? Ganito rin yung bag niya" tapos tinuro niya yung bag ko.

"...tapos yung mata niya ganyan din sayo. Matangos rin yung ilong niya katulad ng ilong mo tapos maganda yung ngiti niya kasing ganda niya..."- Knight

Woah! Maganda raw ako sabi ni Knight. Akala ko ba napapangitan siya sa akin.

"Akala ko ba panget siya tapos sasabihin mo maganda" sabi ko.

"Ahhh..... Ehhh.... N-nagsabi ba akong maganda yung babae na yun? Nabingi ka lang ata miss. Sabi ko panget siya."- Knight

Mr. SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon