Chapter 7: The Experience

13K 565 36
                                    

Parang akong ewan na nililibot ang room namin. Tipong noon lang nakapasok ng classroom. Nagbabasa-basa ako ng mga nakadikit doong kasabihan. Mga saying na "Experience is the best teacher. It gives the test, lesson afterwards." Totoo nga iyon. Matututo ka lang kapag naranasan mo na.

At sobra-sobra pa ang natutunan ko.

"Stella," narinig kong pagtawag ni Allen habang nagbabasa ako sa harapan. Tumingin naman ako sa kanya.

"Mas maganda ka 'pag walang"—itinuro niya ang mukha niya—"makeup saka walang"—itinuro niya ang ulo niya—"ipit."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya habang dahan-dahang tumatango. Si Allen ang Corps Commander namin at hindi niya ugaling purihin ako kasi alam niyang wala akong ibang ginawa kundi i-please silang lahat. Nagkataon lang na hindi na ako ganoon ngayon.

Sinuklay ko gamit ng kamay ang buhok kong straight at hanggang baywang ang haba. Hindi na 'ko sanay. Sa katunayan, ang daming naiinggit sa buhok ko kasi ang ganda raw. Pero ang buhok ko simula noong namatay si Mama ay laging maikli at hindi na lumalagpas sa balikat. Para tipid sa shampoo at madaling patuyuin. Kailangan kong magtipid ng gastusin ko sa bahay.

Nakakatawa lang isiping pinagmukha kong tanga ang sarili ko noong high school.

Laging full makeup on ako. Tinalo ko pa ang Christmas clown dahil sa itsura ko. Makapal ang eyeshadow, hindi pa pantay ang eyeliner, makapal ang blush na kulay pink at orange na pinaghalo, makapal din ang lipstick na madalas ay kulay pink o violet. Laging puno ng clips ang buhok ko. Kadalasan, umaabot pa ng twenty pairs kasi nga masyadong mahaba.

Ang sabi nga nila, para sa isang katorse anyos na bata, masyado raw maaga para mag-makeup. At kung magme-makeup man, masyadong makapal para sa school. Para daw akong papasok sa KTV Bar. Inisip ko kasi, "friends" ko sina Chim kaya kailangang bumagay ako. At isang araw, nagising na lang ako sa katotohanang isa lang akong napakalaking trying hard copycat noong high school.

Kawawa ka pala noon, Stella. Nakakaawa talaga.

Inubos ko na ang pagkain ko at itinapon sa basurahang nasa likod lang ng pintong malapit lang sa 'kin. Bumalik ako sa upuan at kinalkal ang bag ko.

"Sayang at hindi pa uso ang tablet ngayon."

Kinuha ko ang cell phone kong mas luma pa kay Lola Basyang. Pero may camera naman. Maganda na ang quality nito sa panahong 'to. Nanibago ako. Maliit kumpara sa android phone. Mas malaki pa ang palad ko.

Sa bagay, ang gamit lang naman ng phone ko ay e-book reader at music player. Sinilip ko rin ang wallet ko.

Wow! Ang daming laman. One thousand pesos. Mas pleasant sa mata kaysa singkuwenta pesos. Alam kong si Mama ang nagbigay nito dahil tinitipid ako ni Papa sa baon.

Naisipan kong umupo sa teacher's table dahil may nakatutok doong wall fan at saka ko sinilip ang laman ng cell phone ko.

Walang kakaiba sa gallery. Good news dahil wala akong jejemon picture. Pero marami akong picture na kasama sina Chim. Noong "friends" pa kaming lima.

"Dalawang buwan ka lang naming hindi nakita, ang laki na ng ipinagbago mo," sabi sa 'kin ni Mikael. Tiningnan ko siya nang diretso dahil kanina pa niya 'ko pinapansin.

"Sa paanong paraan ako nagbago?" tanong ko pa habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa hawak ko.

"Mahiyain ka, di ba? Dapat mukha kang clown na Christmas tree. Hindi ka dapat"—itinuro niya ako gamit ang hawak niyang ballpen—"ganyan."

Tiningnan ko naman ang sarili ko. "Ganito?" tanong ko, kasi sa pagkakaalam ko, ito naman na talaga 'ko, matagal na. O baka hindi lang siya sanay.

"Oo. Para kang . . . ibang tao."

When It All Starts AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon