Panimula

191 11 8
                                    

Panimula

"Charlie..."

I only answered with a groan and continued my sleep. A few minutes after, I heard a soft giggle and the same sweet voice calling my name once more coaxing me to wake up.

"Charlie...Love..." Napangiti ako habang umiikot pakanan kung saan alam kong naroon ang may-ari ng malambing na boses.

"Five more minutes, love." Antok kong pakiusap sabay abot sa baywang nito para yakapin sa pagtulog.

Pero napakunot noo ako nang sa halip na malambot na katawan ay kama lang ang aking nahagilap. Has she already got out of bed? But how come, she always waits for me to open my eyes before leaving the bed as she loves the idea of being the first person I see in the mornings.

I opened my eyes slowly to look, thinking she's there and just teasing me but all I saw was an empty neat space. The thought of her not beside me made me unexplainably bothered.

"Love?" Garalgal na tawag ko. A second and a minute passed without a reply. Marahas akong bumangon at nilibot ang tingin sa buong kwarto para hanapin siya.

"Suzanna?" Mas malakas na tawag ko sa kanya ngunit kagaya kanina ay wala pa rin akong natanggap na sagot. Sinubukan kong tawagin muli ang pangalan ni Suzanna ng makailang ulit, palakas ng palakas sa bawat sambit sa kabila ng namumuong takot tuwing walang naririnig na sagot.

I only stopped calling after I thought I've called enough. Baka lang may sumagot, baka may sasagot pa. Umaasa at pilit tinatanggi ang katotohanang unti-unti na namang lumilinaw, gaya ng palagi kong ginagawa.

Isang beses ko pang inikot ang paningin sa buong kwarto hanggang sa tumigil iyon sa tabi ko kung saan dapat naroon si Suzanna sa bawat paggising ko sa umaga. Mahigpit na kinuyom ko ang aking kamao sa kumot, kasing higpit ng nararamdaman kong pagkuyom sa aking puso. Muling umaasa na maililipat ang sakit na nararamdaman ko sa kumot na hindi naman marunong makaramdam.

At dahil gusto kong mamanhid nalang ulit, muli akong humingi ng tulong sa alak. Kinuha ko ang bote ng nakahandang alak sa bedside table at nagsalin sa basong naiwan kong nakatiwangwang sa ibabaw ng kama. Nakatatlong magkakasunod na lagok agad ako. Minamadali ang paglalasing para muling makatulog. Nagbabakasakali na makikita ko si Suzanna sa panaginip, umaasang sasagot siyang muli kapag tinawag ko ang kanyang pangalan kahit man lang sa panaginip.

Sa panaginip, baka pwede ulit akong magpaliwanag sa kanya. Baka ngayon pakinggan niya na ako. Baka bumalik na siya sa akin. Baka sa sunod na paggising ko nandito na siya ulit. Sa panaginip maraming posibilidad. Doon malaki ang pag-asa ko. Doon pwede kong baguhin at itama lahat. Kung sana, sana panaginip nalang lahat ito. 

I never knew I'd wish for my life to be just another dream. I always liked how my reality goes. I always thought I had everything under control.

At kagaya ng palaging nangyayari, ayaw tanggapin ng utak ko ang realidad ng ngayon. Humiga ako ulit patagilid, paharap sa kung nasaan si Suzanna habang nakangiti sa akin. Hindi ko napigilang abutin ang kanyang mukha para haplusin kaya agad siyang nawala.

"No. No, wait!"

I didn't mean to, I just really want to hold her so bad. I forgot I can't because the moment I reach out, she'll start to disappear. It's unfair how we can't hold memories but they can hold on to us.

Pumikit ako. Kasabay ng pagpikit ko ang pagpatak ng luha sa unan. Araw-araw ganito, masakit gumising. Masakit bumangon. Masakit mabuhay.

"Suzy, come back..." Paulit-ulit kong sinasambit ang mga katagang iyon na para bang nagdadasal ng isang orasyon. Paulit-ulit hanggang sa ang mga mumunting bulong ay napalitan ng malakas na boses.

Uphill BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon