Bago matapos ang last subject ko naka receive ako ng text from my besty.
=Besty, hindi ako makaka sabay sayo kasi may pinapa gawa pa yung prof namen! Kay Brice ka nalang sumabay! He' s waiting to you out side! Ingat ha? Labs you besty!=
No besty my dear hindi na ko kelangang sabayan pa ng epal na yun! Dahil may kasabay na ko!
Nireplayan ko sya.
=It' s ok besty may kasabay na ko.. guess who??? Si Paul!! yes!! Nag volunteer syang ihatid ako! Don' t worry ako ng bahala sa sarili ko ok? Mwuah! labs you besty!=
Pag labas ko nakita ko na si Paul at Brice na nasa labas ng class room.
Sabay pa sila.
"Let' s go Jazz?"
Tapos nagka tinginan sila.
"Aahh Brice ok na. Nag text na ko kay Jonas na kay Paul ako sasabay. Sya kasi mag hahatid sakin eh!"
Napansin kong tumatawag si besty sa phone ko. Buti at na silent ko na ang phone ko. Alam kong tatawag sya dahil against sya na kay Paul ako sasabay pero my Ghad naman! Ban tagal ko ng pangarap to! Pagbigyan naman ako!
"Let' s go Paul?" Tapos hinatak ko na sya palayo kay Brice.
"Why Jazz? I mean bakit hinihintay ka din ni Brice?"
"Ahh nag text kasi saken si Jonas na hindi sya makaka sabay sakin dahil may un finish business pa sya sa prof nya kaya ang gusto nya kay Brice ako sumabay. Pero nag text naman ako sa kanya na ikaw ang kasabay ko. Alam mo na.. protective talaga sakin yung besty ko na yun!"
Napa aahh lang sya.. naglakad na kame palabas ng school.
"Ok lang sayo kung daan muna tayong DQ? Kain muna tayong ice cream!" Wow! Favorite ko yun ah?
"Sige ba! Favorite ko kaya kumain don!"
Sumakay kame ng taxi at nagpunta sa pinaka malapit na mall.
Pagdating namen sa DQ pinaupo nya lang ako at sya na lang daw ang pipila.
"Ano sayo Jazz?"
"Hot fudge sundae!" Nag ok (Y) sign lang sya sakin tapos tumalikod na sya.
Pagbalik nya dala na nya yung mga order namen. Peanut butter sundae yung kanya.
"Aahh Jazz pwedeng wag ng Paul ang itawag mo sakin?" Huh? Ano gusto nya itawag ko sa kanya? Honey? Hahaha.
"Eh anu itatawag ko sayo?"
"Andrei!"
"Bakit?"
"Espesyal na tao lang ang tumatawag sakin ng Andrei. At dahil special ka sakin kaya gusto ko wag ng Paul ang itatawag mo sakin ok ba yun?" Waaaa ako? Si Jasmine Reyes? Special sa kanya??? Waaa bang tagal kong pinangarap to! Halos buong high school life ko sa kanya umikot ang mundo ko kahit hindi nya ko napapansin tapos ngayon eto? Kaharap ko sya? Habang kumakain ng DQ? Anu nga ang tawag dito DATE?? Eto yun diba? Wahhh may FIRST DATE na kame!! Tapos special daw ako sa kanya... aahh pwede na akong mamatay! Ay hindi pa pala pwede kasi you know? Magiging mag jowa pa kame tas bubuo pa kame ng pangarap tas magkaka pamilya pa kame tas mabubuhay pa kame ng matagal...... na matagal!!
"Jazz?? Jazz? Okey ka lang? Bakit ka naka tulala dyan?"
Ang itsura ko? Naka pangalumbaba habang naka titig sa hombreng lalaking itechiwa! Aahh nakaka hiya! As in!
"H-ha? A-ah w-wala! Sorry may naisip lang ako. Hehe" Baliw ka Jazz wag mong ilaglag yang sarili mo. Mag landi control ka muna.
"Hindi mo ba sasagutin yang phone mo? Kanina pa nag ri ring?"