JONAS 's POV
Ang tagal naman ni besty! nakita kong parating na si Brice. oh? bat di nya kasama si Jasmine? at bakit pa ika ika sya?
"Brice si Jazz? bakit di mo kasama?"
"Ayaw daw nya ko kasabay eh! kuya ano ba nagustuhan mo sa babaeng yun? parang dragon eh! alam mo ba inapakan ako bigla kanina? feeling ko nabutas na yata paa ko sa ginawa nya eh! grabe! di ko alam kung pano mo natatagalan ugali nun!"
"Brice di ka gaganunin nun kung wala kang ginawang kalokohan.." di ko mapigilan. natatawa talaga ko sa pag babangayan nila!
"Kuya kasalanan ko ba kung sumigaw sigaw sya ng I DO! I DO! sa loob ng room kanina? psh! akala ata nya nag po propose na sa kanya si Andrei eh! para inaalok lang naman syang maging partner sa gagawing recitation bukas! wag mo na nga gustuhin yun kuya! ayoko dun!"
Ano daw? i do? anong i do?
napansin ata nyang naguluhan ako sa kwento nya kaya inulit nya.
"Kase nga kuya sabi ng prof namen find your partner daw para sa essay na gagawen namen na i rerelay sa harap bukas with our partner.."
"Oh diba sabi ko sayo pag may ganyang mga activity dalian mo kilos mo para kayo ang partner? at ng hindi na sya mapunta pa dun sa Paul na yun?" putol ko sa pag ku kwento nya.
"Oo nga kuya kaso sasabihin ko pa lang sa kanya na kame yung partner eh umepal na agad yung Paul na yun! sa tingin mo anong laban ko dun?"
may punto sya. wala talaga syang laban dun.
"Tapos kanina kuya take note ha? may bitbit na bulaklak si Jazz! bigay pala nung epal na Paul na yun! tinutukso na kaya sila sa class room na sila daw yung love team ng room namen! kuya!" nagulat ako ng biglang pumitik sa harapan ko yung daliri ni Brice.
"Wake up! nalalamangan kana ni Paul! kumilos ka na! bago mahuli ang lahat!"
Paano? eh hindi ko nga alam kung san ko uumpisahan ang lahat! kung paano ako mag uumpisang mag sabi kay Jasmine! si Jasmine? asan na ba sya? bat wala pa sya? matawagan na nga sya,
JASMINE' S POINT OF VIEW
One hour lang ang break namen kaya dapat kahit papano may magawa kami ni Andrei para sa gagawin namen bukas kaso mo puro kame tawanan dito. panay kasi ang patawa ni Andrei! masaya pala syang kasama. he is fun to be with sabi nga. at may sense lahat ng sinasabi nya. 20 minutes na kameng puro tawanan lang! nag order na lang sya ng pizza para samin at tig isa kami ng soda.
Biglang tumunog yung phone ko.
'besty calling...'
Oh my God oo nga pala! hindi ko na sya na text o natawagan man lang! patay na naman ako neto!
"Excuse lang Andrei ha? i' ll just take this call." tumango lang sya at tumayo ako para lumayo sa kanya at sagutin ang tawag ni Jonas.
"Hello besty.."
"Besty asan ka na? bakit ang tagal mo?"
Nakupo. pano ko ba to sasagutin?
"Besty, sorry ha? nakalimutan kitang i inform,, kase may gagawin kameng report bukas ni Andrei.. eh hindi sya pwede mamayang uwian kaya ngayon namen ginawa.. pwede mamaya after class na lang tayo magkita? libre na lang kita ng snacks bago tayo uwe..."
narinig ko yung pag buntung hininga nya.
"sorry besty... wag kana tampo ha? please... labsyu besty.." kagat kagat ko yung daliri ko habang hinihintay ko yung sagot ni Jonas.
![](https://img.wattpad.com/cover/23971836-288-k420779.jpg)