Chapter Forty-Five

7 1 2
                                    

SA TAMANG PANAHON

Pag-ibig hindi dapat minamadali
Ika'y walang kalaban o katunggali
Isipin mo lang na sa isang sandali, nasa iyo lahat ng yong mithi
Para sa taong maganda ang ugali.

Sa tamang panahon,  ikaw ay aahon
Hindi man sa ngayon, may marami pang pagkakataon
Maniwala lang sa Mahal na Poon
Salita Niya'y iyong palaging ibaon.

Wala mang makain ngayon
Hayaan mo't bukas di ka na magugutom
Isipin mo lang na may tamang panahon
Panahong inilaan sa'yo at sa iyong pagkakataon.

Umiyak ka nang umiyak ngayon
Tatawa ka rin sa tamang panahon
Nilalait ka nila noon
Tatandaan monh titingalain ka nila ngayon.

Maraming hindi naiintindihan ngayon
Buhay na sa iyo'y kay hirap bumangon
Huwag kang mag-alala't may tamang panahon
Karamay mo siya't masasagot mo rin lahat ng yong tanong.

Huwag kang mabahala
Bawat segundo ika'y binabalewala
Ikaw nama'y walang masamang ginagawa
Di dapat umiral ang lungkot kundi maging maligaya.

Langhapin iying kalayaan
Ipagdiriwang ang iyong kaligayahan
Lagi mong tatandaan
Masasayang segundo'y mapapalitan
Kalungkutan mo ri'y mapapalitan ng kasiyahan.

Lahat ay itinakda
Huwag pagsisihan ang yung mga nagawa
Sa tamang panahon ika'y magiging malaya
Sa araw na yun ay kasingkinang ka na ng isang tala.

THE UNFINISHED DESTINIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon